Chapter 14

194 12 0
                                    

"Paano niya nalaman?" Jorge asked me as if it wasn't a big deal for me.

"He said that his sister is a nurse in the hospital where I went for the past couple of years for my check-ups."

I said to him as I am sipping the cup of tea thst be gave me.

"Pu-pwede ba 'yon?"

"Ang alin, Eleina?" he asked as he's reading in some papers he's holding.

"Ang mag sabi ng impormasyon ng pasyente mo sa iba."

"Maybe she's just too proud to have your as her past patients, Lei." Jorge told me as if I was reassured about that.

Hindi na ulit ako nakabalik ng building namin ng dalawang araw.Hindi na rin bumisita si Keith sa school namin dahil pinagalitan siya ni Mommy. Kaya naman sa condo nalang kami nagkikita.

"Riri," tawag ni Mommy sa akin habang kumakain ako ng agahan.

"Nakahanap na kami ng bagong papalit sa 'yo. Do you want to have your last day today? They will have a guesting at a radio station, then quick interview sa isang magazine at tsaka magkakaroon sila ng rehearsal sa stadium. Kaya mo ba?"

I looked down at my food and played with it.

Tatanggalin na ako sa trabaho ko bilang Manager nila. Magiging okay lang kaya sila? Kakayanin kaya ng bago nilang Manager ang mga ugali nila?

Nagulat naman ako nang bigla guluhin ni Manuel ang buhok ko.

"It's a simple 'yes or no' question, Riri." he said as he sat in front of me.

"Y-Yes. I can do it, Ma. Ako nang bahala sa kanila mamaya." sabi ko sa kanya.

Hindi muna pinaalam sa mga unggoy na huling araw ko na bilang Manager nila. Kung sinabi na sa kanila, edi okay pero kung hindi, edi mas okay. Surprise. Sad nga lang.

"May mga manager na silang apat. Puro lalake ang kinuha namin, pati na rin sa manager ng grupo, iyong papalit sa puwesto mo. They will be there later."

"Okay po."

It's eight thirty-five in the morning when I arrived at the building and I was nervous the whole time. I feel like I'm gonna cry.

I cleared my throat before I entered the conference room where they are waiting for me.

"Haloo!" I entered the room with a happy face.

Ayaw kong mapansin nilang may iniisip ako at mukhang effective naman dahil binati nila ako ng mga ngiti nila.
"Riri!" Rocco exclaimed.

"Hello, hello! Ready na ba kayong apat sa gagawin niyo ngayong araw?" tanong ko sa kanila.

"Kami pa ba, Riri?" natatawang sabi ni Rhys.

Si Rex naman ay tipid na ngumiti sa akin kaya naman nginitian ko rin siya.

"You're going to be slightly busy this day. Kaya naman kung wala kayo sa mood dapat good mood kayo para smooth lang ang flow ng schedule niyo. Okay ba yun?" tanong ko sa kanila.

"Yes, Madam Manager!" sigaw ni Rocco.

"Okay. Proceed to your waiting room at mag ayos na para mamaya touch up nalang. Susunod ako, may short meeting pa ako." sabi ko sa kanila kaya naman tumayo na silang apat.

Nakita ko namang naghihintay na ang mga bagong manager nila.

"Pumasok na kayo dito," sabi ko sa kanila nang palabas na ang apat na unggoy.

Ngunit lumapit na sandali sa akin si Keith at hinalikan ako sa aking ulo.

"Good morning, Lei."

I smiled sweetly at him and said, "Good morning, K. Good mood ka ah? Dapat ganyan hanggang mamaya ha." biro ko.

He just laughed and went outside the room. Wala akong pakealam sa mga nakakita.

"You know the drill, if a word spreads out. Tanggal agad sa trabaho." masungit kong sabi sa kanila.

This relationship won't be Keith's downfall. Hindi ako papayag. He gets whatever he wants, so he'll get to top. I'll make sure of that.

After my twenty-minute meeting to their new managers, I told them that I'll introduce them to the boys later after the activities. For now, titingnan muna nila lahat kung paano ang takbo ng buong araw namin.

"Keith," I called him as he's warming his vocals.

He turned around to see me and he immediately wrapped his arms around me.

"Woo!! Ayan na naman silang dalawa! Lord, bakit single ako?" sabi ng isang makeup artist nila.

Natawa naman lahat dahil doon. Hinampas ko naman ang tagiliran ni Keith at nag react rin ang lahat na nasa kwarto.

"Awww, denied ka boy!" sigaw ni Rhys habang tawang-tawa ang lahat.

"Aray ko, Lei!" sigaw ni Keith. Nilakihan ko lang siya ng mata at tumahimik naman siya agad.

"Oh ayan, free warm up ng boses." sabi ko sa kanya at nilayuan siya.

"Kayong tatlo, gusto niyo rin ng free warm up?" tukso ko sa kanila.

Agad namang nag busy-busyhan si Rhys habang si Rocco at Rex ay pumikit nalang dahil sila ang inaayusan ngayon.

Ten-thirty umalis na kaming lahat sa building. Isang SUV ang para sa kanila, isang SUV rin para sa aming staff. I brought my car with me kaya naman hindi na ako sumiksik sa kanila.

"You need to be strict when it comes to their behavior, Rome." sabi ko sa bagong main Manager ng banda.

"Y-Yes, Miss Eleina." nanginginig niyang sagot. Kumunot naman ang noo ko.

"Malamig ba? Babaan natin ang AC?" tanong ko sa kanya at papahinaan na sana ang aircon ng sasakyan ngunit bigla siyang nataranta.

"A-Ahh! Hindi po, Miss! Okay lang po."

Natawa naman ako dahil doon.

"Kinakabahan ka 'no!" tukso ko sa kanya kaya naman napakamot siya sa batok.

"Medyo po."

"Ano ka ba, hindi naman ako kumakain ng tao." natatawa kong sabi sa kanya habang nag shift ng gear at binilisan ang takbo.

Nilagpasan ko ang SUV ng mga staff at pinantayan ang SUV ng mga unggoy hanggang sa naabutan kami ng red light.

Binaba ko naman bintana ko at ganun rin si Rex dahil siya ang katapat ko, siya ang katabi ng driver eh.

"Pag ako nagmamaneho ng SUV, hahamunin talaga kita." takot niya sa akin.

Ngumisi lang naman ako sa kanya sabay sabi, "Sinong tinatakot mo? Ako?"

"Ahh, hindi, si Rome. — Rome! Okay ka lang ba dyan?" sigaw ni Rex. Close sila?

Tiningnan ko naman si Rome at naabutang sinesenyasan si Rex na itikom ang kanyang bunganga.

"You're close to him?"

"High school batchmates po kami, Miss."

"Then that's good!" sabi ko sabay harurot ng sasakyan dahil nag green light na.

"Natututo ka na ah." rinig ko sa isang napaka-pamilyar na boses.

Padabog kong sinirado ang pinto ng sasakyan ko habang si Rome naman ay mukhang natakot ulit dahil sa inasta ko. Tamang-tama dumating na rin ang dalawang SUV ngunit mas inuna kong nilapitan si Jorge.

"Bakit ka na naman nandito?" I asked him.

"Chill. You're brother is paying me good— Aray ko!" reklamo niya nang sinapak ko braso niya nang napakalakas.

"Lei," narinig kong tawag ni Keith sa akin pero hindi ko siya hinarap agad.

"You fucking wait here." I said with gritted teeth and he just shrugged his shoulders and went inside his car.

Miss Rhythm (Misses Series #2)Where stories live. Discover now