Epilogue

710 22 2
                                    

"Ridge, dumating na si Madam Manager. Nag release na rin siya ng statement patungkol sa atin." balita sa akin ni Rocco habang nakatingin sa kanyang cellphone.

Nagmumukmok ako dito sa gilid ng silid na ibinigay sa amin kung saan kami inaayusan para sa huling concert namin bilang The Hours.

Ilang buwan na rin ang lumipas nang huli kaming nagkita ni Eleina. Huling kita namin ay kasama niya iyong lalakeng sinasabi niyang 'kaibigan' lang noong lumipas na taon.

Dapat nga talaga na hindi ako nagtiwala sa lalakeng iyon. Nang dahil sa kagaguhan ko, sa kanya napunta si Eleina.

"Rocco, lakasan mo nga nang marinig ko rin ang sinasabi ni Riri." utos ni Rhys sa kanya at nilakasan rin naman ni Rocco ang telebisyon.

Wala na dapat akong pakealam sa kung anong sasabihin ni Eleina. Tanggap ko naman na, na hanggang doon nalang ang pinagsamahan namin. Kahit pagkakaibigan naming dalawa ay hindi ko naisalba sa ginawa ko sa kanya.

"I don't have anything to say about the disbandment of the group but the only thing I can say is that, they didn't lose me." sa sinabi niyang 'yon, para akong nabuhayan ng pag-asa ngunit agad naman itong nawala dahil sa sumunod niyang sinabi.

"I simply removed them in my life because they aren't good for me anymore." dugtong niya ngunit hindi pa rin siya tinitigilan ng nga reporters.

"Sakit nun ah!" sabi ni Rocco.

"That's a low blow, bro." natatawang sabi ng drummer namin.

"If you knew that people are becoming toxic into your lives, don't hesitate to remove them in your life. Believe than you can move on without them. The world is big, you can meet new friends along the way of your journey."

Ngumiti siya sa sa mga reporter at kitang-kita na ngayon ang kanyang nobyo na naghihintay sa kanya. Nakita ko kung paano niya inilagay ang kanyang kamay sa bewang ni Eleina.

"Ang sweet!" tukso naman ng aming drummer sa akin.

"Kaya pala maagang umuwi si Mrs. Cadence. Kasi umuwi si Ms. Leina." sabi ng makeup artist namin.

"Hindi ko pa nakikita sa personal iyang Miss Rhythm na sinasabi niyong dalawa." sabi ng drummer namin kina Rocca at Rhys.

"Malamang, wala na siya sa bansa noong sumulpot ka sa grupo." sabi naman ni Rocco sa kanya.

"Matagal niyo na bang kaibigan yun si Miss?" tanong niya sa amin.

Walang nag salita sa aming tatlo. Walang naglakas loob sa kanilang dalawa na sabihin sa aming kasamahan na walang kaalam-alam.

"Hay nako. Malapit na mag-kaibigan sina Ridge at Miss Eleina," sabi ng aming makeup artist.

"Whoa. Talaga ba? Niloloko mo ata ako eh."

"Eh kung tusukin ko kaya mata mo?"

"Ito naman hindi mabiro... so, bro. Kwentuhan mo na ako. Malayo pa naman ang umpisa ng concert natin eh.

Hindi ko siya pinansin ngunit pinilit niya ako kaya napilitan akong ikwento sa kanya.

She was my best friend since high school. We made a band together. She is my drummer and I am her guitarist slash singer. We pulled out a two-man band way back then but sometimes we operate as a whole band with the help of others.

Alam kong anak siya ng may-ari ng kumpanya kung saan sumisikat ang ibang artista o mga singer ngayon. Nabubuo sila sa grupo at hindi kalaunan ay mabubuwag ang grupo at doon magsisimula ang solo career nila.

Noong grumaduate kami noong high school kami ay hindi ako sigurado kung mag-aaral ba ako o itutulak ko ang sarili ko na may audition sa kumpanya nila Eleina.

Miss Rhythm (Misses Series #2)Where stories live. Discover now