Chapter 27

339 14 0
                                    

Jorge really booked our tickets going home to the Philippines. Our flight will be next week since I'll have some important check-ups here. Hindi pwedeng aalis nalang ako agad rito na hindi pa ako nasusuri ng maayos.

We spent the whole day in our apartment with my brother. Buong araw panay rin ang irap niya sa aming dalawa ni Jorge.

Sumunod na mga araw ay pabalik-balik ako sa hospital para sa aking mga check-up.

Earlier this year, they told us that they can do a surgery on my ear. Ayon nga lang, eh hindi na nga ako makarinig sa isang kong tenga. Accidentally, in a shopping district, their speakers produced a loud sound. Funny iyong rason, pero yun 'yon.

Another reason rin daw iyong paglipad. The air pressure when flying is different at mas pinalala niya ang kalagayan ng left ear ko. Kaya naman tumagal ulit kami dito ng six months para maiwasan iyong pangyayaring 'yon.

Jorge was so sorry about that. Nawala daw sa isip niya na isang rason rin ang paglipad sa sitwasyon ko. Balewala lang rin naman sa akin.

Kaya naman, panay treatment sa akin ngayon sa kabila kong tenga. They recommended the surgery again but I was scared.

"I'll have your permit to travel be ready before your scheduled flight. I'll just contact you, Jorge." Andrew said, the Audiologist said. Ka-batch rin siya ni Jorge actually.

"Thanks, dude. I owe you this one." sabi naman ni Jorge sa kanya bago kami umalis ng clinic.

Jorge is still my Audiologist kapag nasa Pilipinas kami. Pinauubaya niya lang ako sa iba kapag nandito kami.

"I'll buy you new hearing aids," Jorge said as we got inside his car.

Nagulat naman ako dahil doon, agad rin akong nakaramdam ng sakit ng ulo pero binalewala ko lang iyon.

Parang noong nakaraang buwan lang niya ako binilgan nitong ginagamit ko ngayon.

"Napaka-oa. Ang bago pa nitong binili mo sa akin, Jo." natatawang sabi ko sa kanya pero huli na ang lahat.

Nabilhan niya na ako at pagdating namin sa aming apartment ay may ibang tao na maliban sa kambal ko.

"Special delivery para sa bungol kong cousin-in-law." Jenny said as we stepped in our apartment.

"I got the hearing aids that you want." she said and handed me the box of the hearing aids.

"Jorge want this, not me." I said as I opened the box and it's really brand new. A new model of a hearing aid to be exact.

"Wow. Almost eighty-thousand pesos for a pair of hearing aids. Gaano ka ka-special, Eleina?" tukso niya sa akin at nagbanta naman akong pepektusan ko siya ngunit natawa lang siya.

"Sasabay ka sa amin pauwi sa Pilipinas?" tanong ni Jorge sa kanyang pinsan.

"And be your alalay? No way. Busy pa ako sa ginawang gulo ng banda mo." she said as she glared at me.

Now that she mentioned it, halata ngang stress na stress siya dahil halata sa kanyang eyebags. Natawa lang naman ako dahil doon.

"At natawa pa ang bungol. Happy ka dyan?" biro niya ulit.

"Bukas ako uuwi, Jojo." sabi niya sa kanyang pinsan na abala sa paghahanda ng pagkain namin.

"Yow, Emmanuel. Sabay ka 'kin?" tanong ni Jenny sa aking kakambal na busy sa kanyang laptop.

"Nope. I'll be their extra alalay." maarteng sabi ni Manuel sa kanya at natawa naman kami ni Jorge dahil doon.

"Nakakatawa yon!?" sigaw ni Jenny at nagulat ako sa biglaan niyang pag-sigaw sa tabi ko.

"Hala ka, sorry!" sabi niya habang hinawakan ang braso ko.

Hindi naman ganoon kalakas ang kanyang pagsigaw ngunit nagulat lang ako sa ginawa niya.

"Isa pang sigaw sa tabi niya, Jen. Matatamaan ka talaga sa 'kin." banta ni Jorge sa kanya.

"Ahh, talaga ba." hindi naman nagpatinag sa takot si Jenny at tuloy pa rin ang panunukso niya sa akin.

Pagkatapos naming managhalian ay nag desisyon akong umidlip muna dahil ang sakit na ng ulo ko at medyo nilalamig na rin ako.

Nagising nalang ako na parang may naghuhubad ng damit ko at bigla akong napaupo sa kama. Napahawak ako sa aking ulo dahil mas sumakit pa ito hindi katulad kanina.

"Ayan, gaga ka kasi. Pabigla-bigla." agad na singhap sa akin ni Jenny.

Akala ko kung sino na, siya lang pala.

"Girl, mag bihis ka at pinagpapawisan ka na, kanina pa." sabi niya sabay aboy ng pamalit kong damit.

Kinuha niya naman ang basang tela at nag-umpisa sa pagpupunas ng paa ko.

"Ang taas ng lagnat mo, girl. Gusto mo mamatay sa taas ng lagnat?" naiinis niyang sabi habang pinupunasan ako.

"Sorry. Masakit lang naman ang ulo ko kanina."

"Kumain ka bago uminom ng gamot. Nagluluto pa si Jojo sa labas. Hintayin mo nalang." sabi niya bago ako pinabayaan sa loob ng kwarto.

Pinahinaan ko muna ang aircon bago ako umidlip muli dahil sa sakit ng ulo.

"Dence," nagising ako sa malumanay na pag tawag sa akin ni Jorge.

"Kain ka muna."

"Ayoko, Jo. Parang nasusuka ako." mahina kong sagot sa kanya.

"Kahit kaunti lang, sige na. Para may laman ang tiyan mo at nang makainom ka ng gamot mo mamaya."

At napilit niya naman ako.

Dahan-dahan lang ako kung kumain dahil may mga oras na kapag nilalagnat ako, sinusuka ko ang kinakain. Kaya naman parang isang oras akong tinitingnan ni Jorge na kumain ngunit hindi pa rin nauubos ang pagkain ko.

My brother also checked on me while I was eating and he was the one who brought the medicine for me to take after eating my dinner.

"Bakit hindi mo sinabi kanina na sumasakit na pala ang ulo mo?" biglang tanong ni Jorge habang tinabi na niya ang pinagkainan ko.

Naubos ko naman ang pagkain papaano ngunit iba na ang takbo ng tiyan ko. Hindi na gaanong iniisip dahil baka masuka lang ako ng tuluyan.

"Akala ko normal lang na sakit ng ulo eh." sabi ko sa kanya.

Inabot na niya ang gamot ngunit tinanggihan ko ito.

"Wait lang. Mamaya-maya lang pwede?"

"Sige." sabi niya at tinabi ang gamot.

Natahimik naman kaming dalawa ng sandalo hanggang sa nagsalita ulit siya.

"This is the first time that you had a very high fever. Talaga bang masakit lang ang ulo mo?" he asked.

Sasagot na sana ako nang bigla akong nafeel ng pagsusuka kaya naman kumaripas agad ako ng takbo papunta sa banyo at sinuka ang lahat ng kinain ko.

I cried. Ayokong nagsusuka ako. Ang pangit sa feeling.

Inabutan ako ni Jorge ng tissue at naririnig ko ang sermon ni Jenny sa labas ng banyo habang pinapatahimik naman siya ng aking kapatid.

"Hush now, baby." Jorge said as he is rubbing my back.

I tried to stand up but I felt dizzy.

"Whoa. Easy, babe." Jorge said as he got me.

"Ang gaga naman talaga, oo!"

"Ri, are you okay?"

"I'm... I'm okay." I said as I tried to stand up on my own again but my knees buckled and I felt weak.

"You are obviously not!" sigaw ni Jenny.

Agad naman siyang sinuway ni Jorge dahil sa pagsisigaw niya. Natawa naman ako dahil panay reklamo ni Jenny bago ako nakatulog ulit dahil sa pagkakahilo.

Miss Rhythm (Misses Series #2)Where stories live. Discover now