XII. GOLDEN ANNIVERSARY (part 2)

1.7K 43 1
                                    

"Kiss !!!!"

Nagulat naman ang dalawa sa sigaw ni Buern.

Napakunot silang dalawang nagtitigan.

"Ano daw ????" tanong ni K.

Nakibit balikat naman si Vice. Para bang nabingi silang dalawa sa sigaw ni Buern. Habang magkaharap ay biglang nalang natisod ang waiter sa likod ni Vice at namodmod sya kay K. They were so close to each other. Skin to skin.  Di nila namalayang dalawa naglapat ang kanilang mga labi sa isa't isa. They were breathless. Dilat na dilat ang kanilang mga mata. And it feels like that moment the time stopped. Everything feels like a slowmo. One thing is for sure, Love keeps them going when everything else stops moving.

They can't hear anything but just music of love. Para bang may naririnig silang musikang sila lang ang nakakaalam.

Flash. It was captured by the camera. Natauhan naman silang dalawa at bumitaw si Vice. They looked away at each other's vision. The kilig moment was changed into an awkward moment.

"Sorry po. Di ko po sinsadya mabangga kayo ng gilrfriend mo" pagpuputol ng moment ng waiter.

"Meme sabi ko cheese, hindi kiss!!! hahaha" natatawang sabi ni Buern na lumapit kina Vice at K.

"Pektusan ko kayang dalawa ng waiter dyan eh " naiinis na sabi ni Vice at nagwalkout bigla. Wala namang balak magsalita si K. Nasa gulat stage pa rin ito at pinipilit na makarecover. Binigay naman ni Buern yung camera nya.

Dapat ba akong matuwa? matawa? magalit? His lips felt amazing. Sya yung first kiss ko. I never thought to have this kind of experience for my first kiss. Damn. Though its kind of magical but its really weird. At sa bakla pa talaga ha?

Biglang naputol ang kanyang pag iisip ng biglang may nagsalita sa microphone.

"Lets all welcome the couple who remained inlove over the years. Happy Golden Anniversary Mr. & Mrs. Reyes.!!" bati ni Vice.

Senyales na magsisimula na ang event. She wanted to focus on her work. The event had started. Pareho silang busy sa kanya kanyang trabaho. Si Vice kasi ang naghost ng event.

In the middle of the event ay kailangang magsayaw ng mag asawa. Lumapit si Archie kay K.

"K.. ahmm.. ano kasi.. "

"Ano yun Chie? may problema ba? "

"Ahmm.. pwede ka bang kumanta? isang kanta lang? Plss. Nirequest kasi ng couple ipakanta yung theme song nila???"

"Yan lang naman pala.. Okey lang Chie. Walang problema. What song?"

"Kahit maputi na yung buhok mo."

Sumama si K kay Archie sa likod. Dun nakita nya si Vice may hawak na papel. Nagtitigan silang dalawa ngunit nangigibaw ang pagkailang sa isa't isa.

"K labas na lang kayo in 2mins. Aannounce ko lang tapus gora na sa kanta. " sabi ni Buern. Pumunta naman agad sa gitna si Buern kasama si Archie.

"Duet pa la ito. Di man lang ako nainform" mahinang sabi ni K. Nagulat naman sya ng biglang binigay ni Vice yung papel sa kanya.

"Sorry pala kanina. Aksidente lang kasi. Di ko sinasadya. At wala kasi akong makaduet sa kanta kaya ikaw naisip namin total maganda naman boses mo. " Vice said not looking at K.

Debris (a vicerylle story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon