XXIV. ANG SWITCH NEMEN

1.4K 36 5
                                    

Kinaumaga halos hindi mamulat ni K ang kanyang mga mata. Ngunit pinipilit nyang gumising. Sobrang bigat ng kanyang ulo at di nya alam kung kaya nya man lang bang igalaw yun. Halos nakapikit pa rin sya ng makarinig ng ring sa cellphone nya.

Oh.. wanna kiss you here.. wanna kiss you there
wanna kiss you all over the world ...


Paulit ulit itong tumutunog at alam nyang may tumatawag sa kanya. Pilit nyang kinakapa kung nasaan ang cellphone hanggang sa may naramdaman syang kakaiba.

"AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!!"sigaw ni K.

Di to totoo.. Panaginip lang to.. Di talaga to totoo.. Kailangan ko ng gumising..

She was thinking It was all just a dream or worst a nightmare. She pinched herself but yet di pa rin sya nawawala sa sitwasyon. At totoo nga ang kinalalagyan nya ngayon.

"Kurba naman ang ingay ingay mo. Napakasakit sa tenga... " saad ni Vice na yakap yakap pa si K.

"Bitawan mo nga ako.. Baklang Manyak ka!!!" pagpupumiglas ni K.

Nagising si K na yakap yakap sya ni Vice at sya din ay nakayakap sa kaibigan. Yakap na akala nya'y unan nya sa condo nya. She was unconsciously sleeping while hugging Vice all night. The worst is that they're sleeping naked but with undergarments on. At ang nakakatakot pa ay nasa loob pa rin sila ng sasakyan ni Vice.

"OMG!OMG! This is not happening!! " paghehesteria ni K. Nagsout sya ng damit at pinalo palo nya si Vice para gumising. Naasiwaan syang tignan na nakaboxer lang ito.

"Ano ba?? Ano ba problema mo???" inis na sagot ni Vice at gumising din ito sà wakas. Tinuro ni  K ang suot suot ni Vice na boxer. Gulat din syang makitang boxer na lamang ang kanyang suot.

"You!!!! You know what's the problem?!?! I woke up next to you Naked!! We're both naked !!!! Ano sa tingin mo ang nangyari?!??" galit na sabi ni K.

"Weeeh? Di nga? " ang tanging nasagot ni Vice.

"ALALAHANIN MO ANG NANGYARI KUNDI MAGKAKAGULO TALAGA TAYO!!!!!!!"sigaw ni K at bumaba sa kotse. Magulo ang kanyang buhok at sobrang nahihilo pa sya sa nangyayari. Dahil ba ito sa nainom nila kagabi o sadyang naguguluhan sya sa nangyari kagabi at higit na ng magising syang nakahubad at katabi si Vice.

Pumasok si K sa bahay ni Vice at pagkapasok na pagkapasok nya ay nakita nya agad ang naiwang kalat nila kagabi. Nakita nya din ang dalawang bakla sa natutulog pa sa sala nakahubad. Dumiretso sya sa kusina at kukuha sana ng isang basong malamig na tubig ng makita nyang nasa kusina si Anne , Vhong at Billy.

"Sis!!! Where have you been? Hinahanap kayo namin kanina pa! " tanong ni Anne.

"Unfortunately magaling Kami.. este Akong magtago at nahirapan talaga kayong maghanap." sagot ni K as she drinks the glassfull of cold water.

"Si Vice nakita mo ba? Akalain mo maglasing galing kayong magtago hah. Nilibot na namin ang buong bahay di talaga namin kayo nakita.. " sabi ni Vhong na nagluluto ng chicken soup.

"Di ko alam kung nasaan sya. . Syempre bahay nya to alam nya ang pasikot sikot.. " pagsisinungaling ni K.

"Nasaan na kaya yun.. ? Hahanapin ko nga ulit.. Tsaka gigisingin ko na din sina Buern at Archie para makapagBrunch na tayo." biglang sabi ni Billy at tatayo na sana sa kinauupoan.

"Nandito ako.. !" sigaw ni Vice. Nagulat ang lahat higit na si K sa boses ni Vice. Nagising na din bigla ang dalawang beki sa sigaw ni Vice. Nanatiling nakaupo at di nakatingin si K sa kinaroroonan ni Vice. Kabaliktaran naman kay Vice na kanina pang nakatitig sa dalaga.

"Bestie!!!!! San ka ba nagtago ?? Grabe ang hirap nyo este mong hanapin ah!!" biro ni Billy.

"Malamang bahay ko to!" sagot ni Vice at umupo sa tabi ni K. Tinitignan nya si K ngunit di pa rin makitingin si K sa kanya.

"Oh K.. nandyan ka pala.. Nakakain ka na ba?" tanong ni Vice.

"Ano naman sayo kung nakakain na ko o wala pa?" mataray na sagot ni K.

"Masama na bang magtanong ngayon.. Aba matende . . " biro ni Vice.

"Oy oy.. kayong dalawa ang aga aga hah. Away agad. Anong issue?" sabi ni Anne. Nakangiti ito sa kanila na para bang tinutukso sila.

Umupo naman ang dalawang beki sa tabi ni Anne. Tinignan ng maagi ni Buern at Archie sina K at Vice at nanlaki ang kanilang mga mata.

"Grabe nawala bigla antok ko ah.. " bulong ni Buern.

"Kayo ngang dalawa umamin samin. Magkasama ba kayo kagabi??" seryosong tanong ni Vhong.

"Ay pustahan pa tayo Kuys! Magkasama yang dalawang yan! " natatawang sabi ni Billy.

"Hindi nga !!! Hindi kami magkasamang dalawa. Malay ko kung saan pumanta tong si K" pagsisinungaling ni Vice.

"Oh pustahan tayo isang libo sakin! " sabi ni Billy.

"Kay Billy kami ni Vhong 1k kami.. " dagdag ni Anne.

"Isang libo din ako.. Hindi kami magkasama ng baklang to kagabi wala kayong ebedensya.. " matapang na sabi ni K.

"Isang libo din kami dito ni Archie. Magkasama kayong dalawa kagabi.. Nakatulog na kami kakahanap wala pa din kayo.!" sabi ni Buern.

"Bahala kayo! Wag kayong maniwala kung ayaw nyo ! Ginagawan nyo pa kami ng issue ni K. Dalawang libo sakin!" as Vice defensively answered them.

"Kung ako sa inyo aamin na ako ngayon pa lang.. Ano ba kasi nakakahiya pag umamin kayo? " mahinahong sabi ni Vhong.

"Wala nga.. Ang kulit nyo! Pagnapatunayan nyo yan eh di panalo kayo. Pero sinasabi ko sa inyo wala talàga.. " pagdedeny ni Vice.

"Wala? Di kayo magkasama kagabi? Di kayo magkatabing natulog? walang kababalaghang nangyari?" pang uusisa ni Anne.

"Wala Sis.. Wala talaga.. " sagot ni K.

"Ok hati hati tayo guys. Libre dinner natin mamaya. Taya sina K at Vice.." masayang sabi ni Billy.

Biglang tumayo sa si Vhong sa likod ni Vice at K.

Nakangiti pa ito. Hinawakan ni Vhong ang balikat ng dalawa.

"Sa susunod kasi pag magsisinungaling  siguraduhing di kayo nagkapalit ng damit. Nakakahiya naman samin.. " tukso ni Vhong at hinawakan ang damit ng dalawa.




"AAAAAHHHHH.... ANG SWITCH NAMAN... "





A/N
Short update lang mga sibs. Medyo nainspire ako kanina Ang switch naman sigment eh.
#SPREADLOVE

Debris (a vicerylle story)Where stories live. Discover now