XVII. STRANDED

1.4K 38 0
                                    


"Whaaaat? pano na tayo ngayon?" tanong ni Vice.

"Di ko alam..di pwede to. Natatakot ako " malungkot na sabi ni K.

"Halika dito.. Wala na tayong magagawa.. Nandito naman ako.. Ako bahala sayo kaya wag kang dapat ipangamba" sabi ni Vice habang hinihila si K sa tabi nya. Umupo sila sa gilid. Tanging isang bombilya lang ang umilaw sa kanilang dalawa. Madalim ang paligid ang malamig ang ihip ng hangin.

"Alam mo ba kung anong ginagawa ko kung natatakot ako?" tanong ni Vice.

"Ano?" sagot ni K

"Kumanta ka.. Nang kahit ano.. Kanta na magpapagaan ng nararamdaman mo."




Narinig mo ba ang puso ko
Ang pagtibok ay di ordinaryo
Kung alam mo lang ang tunay na pakiramdam
Di sana'y nagsimula na ang storya

Pero di , hindi mo alam ang nasa isip ko
Ayaw ko namang tulyan kang ilito
Dapat na bang ipaalam ito
Ang tunay kong pagtingin sayo

Kung pwede lang naman
Kung pwede lang pagbigyan
Pagibig ko sayo, di papatalo
Kung okey lang naman
Pwede bang ikaw na lang
Ang bubuo sa buhay kong ito
Kung pwede lang ako na lang sayo

"Giniginaw ako.. " bulong ni K at nanginginig.

"Halika nga dito.. " sabi ni Vice sabay hatak kay K at niyakap nya ito ng mahigpit.

"Salamat.. aaahmm.. Vice.. pwede bang magtanong  ?"

"Ano yun?"

"Nagkagirlfriend ka ba dati?"

Natawa lamang si Vice sa tanong ni K. Hindi nya inaasahan na maitatanong ito ng kaibigan. Kahit kelan ay walang taong nagtangkang magtanong sa kanya tungkol sa kanyang pagkatao.

"Nakakaloka yang tanong mo ha..Bakit mo naman natanong?"

"Kasi minsan mukha ka talagang lalaki.. alam mo yun.. minsan kahit sa kilos mo.. lumalabas talaga ang pagkalalaki mo..Kung di ko nga alam na bakla ka siguro masasabi kong Pogi ka talaga. Promise. "

"Pogi talaga? Lalaki naman talaga ako K.. Bakla nga lang.. "

"Alam ko pero never ka bang na attract sa babae o nagkacrush? Yung tipong nagandahan ka di dahil bet mong kamukha pero bet mo sya talaga."

"Hotseat ah.. Haahahaha.. Pinagpawisan ako sa mga tanong mo hah.  There was a one time that nagkagusto ako sa babae..pero matagal na panahon na yun"

"Oh eh anong nangyari?Nasan na sya ngayon?"

"Wala eh.. Nganga..Di ko din alam kung nasaang lupalop na sya " malungkot na sabi ni Vice.

"Bakit di mo pinaalam ang naramdaman mo? Nainlove ka ba sakanya o nanligaw? Binusted ka ba? Ano?" mahinang sabi ni K.

"Isa isa lang naman. Ayoko ngang sabihin sayo baka ipagkalat mo pa noh. Ganyan talaga kayong mga babae pag di nyo bet parang binabalewala nyo na.. Minsan lang ako nagkagusto at nagmahal sa babae tapus ayon puro kayo pahopia eh.. Naisip ko tuloy baka hindi talaga ako pwede sa babae kayo ito , mas mabuti pang maging bakla nalang ako. Na siguro kalimutan ko na lang kung ano man nararamdaman ko para sa babae. Mas mabuti pang magmahal ako ng kapwa ko atleast di ako mahohopia pa" paglilitaniya ni Vice.

Hinintay nyang sumagot si K pero tahimik pa rin ito.

"Ano Kurba ? Wala kang masabi diba? Mukhang di ka makapaniwala diba? Kahit ganito ako kabakla ano nagmahal din ako dati ng babae. Mahirap pala pag umasa ka pero wala eh.. pinaasa lang pala.  At alam mo ba ito pa kapangalan mo pa sya yung sayo nga lang Letter K lang sa kanya K A Y. Minsan nga naiisip ko mahirap isa na namang K, nako! sakit sa ulo nanaman to. "

Hinintay nya ulit na magreak si K pero wala itong imik. Hinihintay nyang magsalita ito sa lahat ng kinikwento ni Vice sa kanya. Nagulat na lang sya ng basa na pala ang dibdib nya. Nararamdaman nyang medyo malagkit ito.  Tinignan nya ang dalaga at nakitang mahimbing na natutulog na pala ito at nakabuka pa ang bibig. Nakakagigil nyang tignan habang yakap yakap sya ni Vice.

"Maganda sana balahura naman. Ay naku Kurba kota ka na sakin hah. Dati sinukahan mo ngayon nilawayan mo na naman. Kadari ka talaga"

He looked into her face. He stared at her face. Kahit na nakanganga ito ay mukhang Anghel ito. Hinaplos nya ang mukha ni K. Hinaplos ang kanyang buhok. She always amazed him by her beauty.

"Napakaganda mo talaga..Napakabait mo pa.. You don't deserve to be hurt like that. Don't worry nandito naman ako.. bilang kaibigan mo..

Kung totoong lalaki lang sana ako.. di malabong magustohan at mahalin kita.. Aaminin ko. I am attracted to you " he said and was about to kiss K in the lips. Malapit na malapit na ang kanilang mga mukha. Nararamdaman na ni Vice at paghinga ni K. It was an inch away from each other's lips.








"AAAaaaaachuuuuuuu!!!"


"Galing..ayun lang. Goodnight na nga lang Kurba. " he said and kissed K at the forehead. He suddenly closed his eyes and decide to sleep.


A/N

Sorry Sib this is just a short update pero bawi ako. Keep reading lang. Spread Love.

@LhubT


Debris (a vicerylle story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon