******** Nandun kami, nakatayo sa harap Nya. Isang pari ang sumasambit ng mga kataga para kami ay mapag- isa. Tiningnan ko ang mga mata nya at nakita ko ang lungkot. 'Ayaw ba nya?' Kasi kung ayaw nya, sabihin nya lang, handa kong itigil ito para sa kanya. Dahil mahal na mahal ko sya. Sasabihin ko na sana ang mga salitang kanina ko pa gustong itanong sa kanya. Ngunit nabigla na lang ako nang nakita ko syang tinakpan ang kanyang bibig, waring pinipigil ang isang iyak. 'I have to go.' Nabasa ko na sinasambit ng mapupulang labi nya. 'I can't do this anymore.' At pagkatapos non ay naglakad na sya palayo. Malayong malayo. Hanggang sa pinto ng simbahan kung saan sya nilamon ng liwanag. Wala akong nagawa. Hinayaan ko lang sya. Hinayaan ko syang mawala muli sa akin. Na naman. ******** The Girl in the End NishiYan, 2016