VII

13.1K 409 98
                                    


VII.

*******

Kanina pa palakad-lakad si Stanley sa loob ng kanyang unit matapos nyang pagsarhan ng pinto si Zoey, 4 doors away. Andyan yung sisilip silip pa rin sya sa peephole para i-check kung nakapasok na ba sa sariling unit ang kanyang magandang kapitbahay. 5 minutes after shutting his door though, Zoey is nowhere to be found already.

Ngunit hayun pa rin siya, still pacing left and right across his living room, clutching that diamond stud Larissa found the other day.

'Ibabalik mo lang naman yang hikaw. Wala nang iba.' Bulong nya sa sarili. 'Pakalmahin mo muna yang..' And he breathes hard. 'Napakabastos ko.' At umiling sya para sa sarili nya.

Muli syang bumuntong hinanga nang may tatlong beses pa bago sya nagdesisyong muling buksan ang pinto nya at puntahan ang kapitbahay. Inayos muna nya ang kanyang kamiseta bago kumatok. Hindi naman nagtagal at pinagbuksan sya.

'Yes?' Tanong ng isang basang basang Zoey.

Nakatapi lamang ito ng tuwalya habang tumutulo ang ilang hibla ng basang buhok na kumawala mula sa isa pang tuwalyang nakalagay sa ulo nito.

Napapikit si Stanley. It's as if her seductive fragrance is exploding again and overpowering his senses. Nagulat na lamang si Zoey nang hawakan ni DJ ang leeg nya saka marahang siniil ng halik ang labi nya.

'Walang halong alcohol, gusto ko lang talagang gawin yun kanina pa.' He breathlessly tells her half-parted mouth.

'You have to go.' Iyon naman ang naging tugon ng kapitbahay. 'You have to go now.' Pag-ulit nya na may kasamang diin bago pa man may isang boses na nagsalita mula sa likod nya.

'Honey?'

Nagulat si Stanley sa narinig. It was certainly not a voice of a female.

He smiled awkwardly as he hastily lets go of her jaw. He straightens up and delved on his pocket after.

'Eto nga pala.' Muling ngiti ni Stanleybago kinuha ang kamay ni Zoey. 'Alam ko kung gaano mo kapaborito yan. Wag mo na sanang maiwala.' Huling sabi nito bago tumalikod sa kausap.

'Thanks.' She tells him, this time, sounding ever so thankful.

*********

Hindi na ikinagulat ni Stanley ang pagbisita sa kanya ni Geoff sumunod na araw. Abala sya sa pakikipag-usap sa manager ng main branch ng kanyang coffee shop nang pumasok ang huli sa kapehan, a very devilish smirk evident upon his face.

'Lifetime libre na ko dito diba?' Sabi nito matapos akbayan ang kaibigan.

'Sige, Menchie. Mamaya na lang uli tayo mag-usap ha.' Magalang na pagtataboy naman nya sa manager.

'So what happened pare, after pagbalibagan nyo ako ng pinto nung foxy chic at the bar?'

'Kelangan bang malaman mo pa yon? Pumili ka na lang dyan ng gusto mo. Sagot ko na.' Sabi nya bago naglakad papunta sa bandang dulo, sa isang table na medyo malapit sa CR.

'Para namang ikalulugi mo yung worth P150 na kape at P100 na hiwa ng cake.' Sunod naman ni Geoff sa  kaibigan. Sawa na ko sa mga kape mo. Iba ang ipinunta ko dito.'

'Kung inaakala mong ikkwento ko kung ano ang nangyari sa amin nung babae, mali ka.'

'Pero kung sabihin ko kayang isusumbong kita kay Larissa, may magagawa ka pa ba?'

'E di isumbong mo.' He challenged him. 'Tangina nyo kasing dalawa ni Pedro. Pahamak kayo e.' Ang mapaghamon ay tila nag-morph naman sa isang mumunting tuta.

'O bakit? Dude, super hayok ka dun sa chic. Muntikan nyo pang gawin sa kotse habang nagddrive ako.'

'Sobrang lasing ako non. Wala na akong matandaan.'

'Well, ako kahit ingay nyo lang ang naririnig ko dun sa driver's seat, tandang tanda ko. Para akong nanood ng porn video na naka-headset. Pero grabe din yung girl no?! Bigay kung bigay! Type ka nga rin talaga.'

'Tingin mo?' He asked which surprised Geoff. 'I mean, hindi kaya lasing na lasing din lang sya?'

'Derecho naman sya maglakad papasok sa condo mo non. E paglabas kaya ng unit mo, derecho pa kaya?'

'Gago.'

'So anong pangalan ni teh?' Geoff asked cutely.

'Hindi ko alam. Alam mo, wag na nga...' Nagkamot ng kilay si Stanley. 'Pare...'

'Sabihin mo na nga. Wag ka na pakipot. Ikwento mo na.'

'Yung girl dun sa bar, sya yung wedding coordinator na nakuha ni Larissa.'

'Putang ina pare! Hindi nga?'

Tumango si Stanley.

'Dun din sya sa condo nakatira. Magka-floor kami, 4-5 doors away from each other.'

'Holy.. Mother...' Hindi makapaniwalang reaction ni Geoff. 'Ang liit ng mundo!'

'Zoey ang pangalan nya. And I swear she looks different from the time I saw her in the bar and on the meeting she had with me and Larissa. Halos hindi ko sya nakilala.'

'So hindi ka talaga lasing na lasing non. Coz you remembered her.'

'Yung boses nya. Yung mata nya. Yung hikaw na naiwan nya.'

'Nakaiwan pa ng hikaw?! Tangina pare, gaano ka-rough?'

Umiling lang si DJ.

'Ibinalik ko sa kanya yung hikaw nya kahapon. May lalaki sa unit nya.'

'So selos ka?'

Biglang napatingin si DJ sa kaibigan. Hindi sya umiling. Hindi rin naman sya tumango.

'E gago ka pala dude e. Engaged ka na. Ikakasal ka na. Tapos nagseselos ka dun sa lalaki ng naka-one night stand mo? Ano? Ganon sya kagaling? Yung tipong gusto mo ikaw lang? Ipaubaya mo na lang sya sa mga single oy.'

Parang may ibang hatid sa pakiramdam ni Stanley ang tinuran ng kaibigan. Ngunit minabuti na lamang nyang hindi pansinin dahil sa sandaling iyon, mas nakapukaw ng pansin nya ang dalawang taong kapapasok pa lamang sa kapihan nya. Nakangiti habang nakapulupot sa braso ng lalaking kasama ang babae. Halata ang saya sa mga mata nito. Sinipat nya ang lalaki, matangkad lang ng konti sa kanya, matipuno ito at mukhang modelo. Tumatawa ito habang tila may ibinubulong sa kasama.

'Huy.' Iwinagayway ni Geoff ang kamay sa kausap na waring nakatulala. Napatingin na lamang sya sa pinagmamasdan ng kaibigan.

'Dyan ka lang.' Bilin ni Stanley kay Geoff. 'May lalasunin lang ako.' At tumayo ito mula sa kinauupuan para salubungin ang mga bagong dating.

*********

The Girl in the EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon