XXXII

7.5K 378 117
                                    


XXXII.

**********

Tila lutang pa rin ang pag-iisip ni Zoey hanggang sa nakabalik sya sa kanyang condo. Nadatnan nya pa roon ang kaldero ng sabaw ng Ramen, ang naiwang kalahating bowl ng kinakain nya kanina. Malamig at buo na ang sebo. Napaupo siya sa isa sa mga upuan sa kusina. At habang iginagala ang paningin sa paligid ay di na naman nya mapigilang maluha. Inaalala lahat ng magandang alaala na pinagsaluhan nila dito ni Stanley.

She stifled a wail upon imagining how he moved around her kitchen. Pots clanging, cooking utensils clashing with the stainless material of other cookwares as he cook mouthwatering dishes for her. Napatutop sya sa noo nya habang pinapakawalan ang matinding agos ng luha. Napapailing dahil hanggang sa panahong iyon ay di pa rin nya lubos na maisip ang lahat ng naganap sa araw lang na iyon.

'God.' She wailed, knocking the bowl of soup she was consuming a while ago.

When she was still laughing with him.

When she was still thinking of how she can reward him for the amazing dinner he made for her.

Hindi malaman ni Zoey kung anong klaseng lungkot ang nararamdaman nya sa sandaling iyon. Sa dami ng pinagdaanan nya, hindi nya akalaing may mas ikasasakit pa pala. Hindi na nya namalayang kanina pa pala nagri-ring ang cellphone nya na nasa loob ng bag nya na ibinagsak lang nya sa sahig sa may pintuan. Walang gana syang tumayo at naglakad sa kinaroroonan nito. Sumalampak sa sahig saka sinagot ang tawag.

'Ategurl.'

It was Jaimie.

'Kumusta?' Tanong nya matapos punasin ang luha at lulunin ang hikbi.

'Naipasok na sa room si Cheeseboy.' Tila pabulong nitong sabi. 'Sorry kung medyo di mo maintindihan boses ko ha? Nasa malapit lang kasi ako. Baka marinig nila ako.'

'Okay na ba.. Okay na ba sya?'

'E siguro naman. Wala pa lang malay pero mukhang wala na sa peligro ang buhay nya.' Sagot ni Jaimie.

'I want to see him.' She sobbed. 'Gusto ko syang puntahan. Tulungan mo ko Jaimie. Gusto ko syang makita.' Pakiusap pa nya.

Tumango si Jaimie habang pinapakiramdaman ang paligid. Saka sya muling nagsalita.

'Punta ka dito ha. Hihintayin kita. Bahala na.'

Paulit ulit ang tango ni Zoey kahit hindi naman sya nakikita ng kausap.

'Salamat Jaimie.'

'O sige bbye na ategurl ha. Si Ms. Larissa nakita yata ako. Bye.'

And Jaimie hung up.

Saktong paglagay ni Jaimie ng cellphone sa kanyang bulsa ay ang paglapit naman sa kanya ni Larissa.

'I thought that I was only imagining things!' Larissa said as her way of greeting. 'Hi Jaimie.' At bumeso ito sa assistant ng wedding coordinator.

'Hi Ms. Larissa.' Nakangiti si Jaimie pero sobrang kinakabahan sya. 'Ano pong ginagawa nyo dito?' Pagmamaang-maangan niya.

'Stanley.. He's...' At bumuntong hininga ito. 'He's okay naman na. Pero he's still asleep.'

'Ano pong nangyari?'

'Somebody robbed him while he's out. Took his phone then stabbed him after.' Malungkot na kwento nito. 'I'm not sure but with what happened, baka i-usod muna namin yung wedding. You? What are you..'

'Yung friend ko sa 4th floor, magra-radiation therapy mamaya. So support lang. Pampalakas-loob ng self.' Pagsisinungaling nya.

Alanganing ngumiti si Larissa.

The Girl in the EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon