VIII

12K 380 72
                                    


VIII.

********

'Hon, I don't think this is the best place for us to have coffee.' Bulong ni Zoey sa kasama matapos makita ang papalapit sa kanila.

'I think this is great, love.' The guy with an obvious mix of foreign blood tells her otherwise. 'This feels very welcoming. Very homey.'

'Then let's just go home and use the coffee maker.' She says through gritted teeth.

'Hi.' Nakangising bati ni Stanley sa magkaparehang halatang may pinagtatalunan. Hindi na nakapulupot ang mga braso ni Zoey sa lalaki. Magkahawak- kamay na lamang sila.

'Hello!' Bati naman ng lalaki kay Stanley. 'I like your place. The smell reminded me of my grandma's kitchen in Boston when I was growing there as a kid.'

'Well, that is our vision here in Cafe Supremo. To make our customers feel at home.' At tiningnan nya si Zoey na hindi sya matingnan.

'Pre, kakilala mo?' Tanong ni Geoff na sinundan sya.

Napatingin si Zoey sa direksyon ng boses at namula ang pisngi nya matapos nyang makilala kung kanino ito nanggaling. Tila nabigla din naman si Geoff na agad bumulong sa kaibigan.

'Uy, sya yung ano diba?'

Mas humigpit ang hawak ni Zoey sa kamay ng kasama habang nakatungo. Kahit pabulong lamang na tinanong iyon ni Geoff sa kaibigan ay narinig nya ito. Mas lalo syang nahiya lalo pa't bumalik na naman sa alaala nya kung gaano sila naging mapusok sa harap ni Geoff. Napapikit sya nang naisip nyang nakita na rin nito halos ang kahubdan nya.

'Wag ka nang magulo dyan bumalik ka na lang dun.' Bulong din naman ni Stanley sa kaibigan na agad sumunod.

'What's wrong honey?' Ramdam ng lalaki ang anxiety ng kasama dahil sa pangyayari. 'Something's bothering you? Hm?' Hinaplos nito ang buhok ni Zoey na umiling lamang at muling pumulupot sa braso nya.

'So, table for 2?' Stanley asked all of a sudden.

'Sure. Please give us the best spot where my little honey here will feel comfortable.'

'Well then, be my guest.' Stanley smiled as he led the pair to a corner which is facing a little park. It's already 3 in the afternoon and there were some little children playing in little slides and swings with their mommies and daddies.

'Feeling better?' The guy checked on Zoey as he pulls a chair for her.

'Yes.' She smiled at him sweetly before she takes a seat.

Hindi naman maalis ni Stanley ang tingin sa magkapareha. Gustong gusto na nyang malaman kung ano ba ang relasyon nila sa isa't isa.

Mag-boyfriend?

Mag-asawa?

Engaged to be married?

Sya ba ang nakauna dito?

Sa kanya ba sya natuto?

'Pero nagpahalik pa sya sa akin kahapon.' Stanley nags himself. 'Ano bang trip ng babaeng 'to?'

'I think we can take it from here.'

At ibinalik ng boses ng lalaki ang ulirat ni Stanley.

'Ah, yes. Of course. Uhm, you have the menu right there. I'll just get someone to assist you. I hope you'll enjoy your stay.' He smiled awkwardly before he leaves.

Bumalik sya sa table nila ni Geoff kanina. Abala na ang kaibigan sa pagkain ng cake at pag-inom ng kape.

'Kung titingnan mo talaga sya na ganyan, hindi mo aakalain na sya yun.' Agad na sabi ni Geoff matapos umupo ni Stanley sa harap nya.

'Palit tayo ng upuan.' Muling tumayo si Stanley para pilitin ang kaibigan.

'Bakit?'

'Basta.'

Wala nang nagawa si Geoff. Saktong sakto nga ang pwesto. Kitang kita nya sa salamin si Zoey.

'Pota pare. Obsessed ka? Ganon sya kagaling?'

'Tumahimik ka muna.'

'Sino yung kasama nya? Boyfriend ba nya? Pang- Abercrombie ang datingan a.'

Stanley throws him a sharp stare.

'Pero, di ka naman pahuhuli. Pang-Baleno ka.' At natawa si Geoff sa sariling joke.

'Gago ka. Wag ka sanang matunawan.'

Kita ni Stanley kung paano tumawa si Zoey habang nag-uusap sila ng kanyang kasama. May ningning sa mga mata nito na hindi nya nakita noong mga nakaraang araw. Kahit sya, hindi nya napalabas ang ningning na 'yon. Paulit- ulit ang ngiti ni Zoey sa lalaki. At paulit- ulit din ang tagos nito kay Stanley na parang sya ang nginingitian.

'If it makes you feel better Stanley, wag mo muna ituloy ang kasal. Sort out your feelings first. Mukhang naguguluhan ka na.'

Iyon na yata ang pinaka- may sense na sinabi sa kanya ni Geoff eversince dumating ito sa coffee shop nya kanina.

*******

Kakalabas pa lamang ni Stanley mula sa staff room nang nakita nyang papasok si Larissa. Nakaalis na si Geoff ngunit si Stanley at ang kanyang mahiwagang lalaki ay nandun pa rin sa kinauupuan nila kanina. Busy naman sa kasalukuyan ang dalawa sa panonood sa mga batang naglalaro sa park. Nakita nyang humahalakhak si Stanley habang itinuturo ng lalaki ang isang batang tumbling ng tumbling sa damuhan pero paulit-ulit naman ang semplang.

'Babe!' Salubong nya kay Larissa na halatang hinahanap sya.

'Babe!' Bati rin ni Larissa na agad yumakap at humalik sa labi nya. 'Wait. Is that Zoey?' Tanong nito matapos maghiwalay ng mukha nila. Lumapit ito sa kakilala habang hawak ang kamay ng nobyo. 'Zoey! It's you!'

'Hi!' Zoey greets her with a wave and wide eyes.

'May mga naisip akong idea para sa wedding. I can't wait to discuss them with you.' Excited na sabi nito kay Zoey.

'Uhm, sure. Let's meet again the day after tomorrow, perhaps? Kung okay lang?' Zoey said cautiously as if telling Larissa that she's not available as of the moment.

Napansin naman ni Larissa ang pahiwatig maging ang kasama ni Zoey.

'Sure.' She smiles.

Suddenly, she felt the urge to introduce the one she's with to the couple.

'This is Travis by the way.' Sabi nito. Tumayo naman si Travis at iniabot ang kamay kay Larissa.

'Hi.' Bati nila sa isa't isa.

'Boyfriend ko.' Dagdag nya nang si Stanley na ang kinamayan nito.

'How are you affiliated with them, honey?' Nakangiting tanong ni Travis sa girlfriend.

'I'm their wedding coordinator.' Tila nahihiya nyang sabi.

'Really?' Halata ang pagka-proud sa mukha ni Travis sa narinig. 'She won't disappoint you. I'm sure of it.' Sabi nito sa magkasintahang Larissa at Zoey.

'She's my bestfriend's wedding coordinator too. And her wedding was one of the best that I've seen.' Pagkkwento ni Larissa.

'Oh really? Was it the one you did before you went back home?' Tanong nito kay Zoey.

'Yes.'

'Ah, that one was magical. I saw the video on Facebook, by the way.' He tells the couple. 'Maybe, the next wedding that she'll coordinate will be ours.' He continues.

Larissa smiles as Stanley tries to catch Zoey's eyes. It was very evident that she's evading his stare.

'Well, it was nice meeting you Mr. Travis.' Magalang na sabi ni Stanley.

'Please, just Travis. And I'm sure this won't be the last that we'll see each other. Your place is magnificent. I think, this will be our favorite spot. This table. Right honey?'

Zoey looked at Travis and smiled. He draped an arm around her and pulled her closer, resting his chin on top of her head.

**********

The Girl in the EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon