XII

10.8K 392 72
                                    


XII.

*******

Stanley slightly rolled down the window of his car after getting much nearer to the house. He tried to crane his neck to see if he'll able to get something but he failed immensely. Boy, he was already torn of getting down the car and press that doorbell.

Zoey and the old man entered the house being joined by the hip. Both were smiling as they step inside.

'Inay.' Zoey called to the old lady with the back on her, sitting on a wheelchair.

'Ay nakauwi na pala ang aking magandang apo.' Ngiting ngiting sabi ng matandang babae matapos lumuhod ni Zoey sa harap nito saka ito niyakap.

'Bolera ka pa rin talaga, Nay.' Zoey pouts. 'Halos di ka na nga makakita dyan e.' She joked but felt a little sting in the corner of her eyes as she looked at the cloudy eyeball of her grandmother.

'Kumain ka na ba apo?' Mabait na tanong naman ng matandang lalaking sumalubong sa kanya kanina. 'Teka ha at ipag-iinit kita ng ulam. Nilutuan kita ng paborito mong pinakbet at pritong galunggong.'

'Wow!' Zoey clapped her hands before getting at the back of her lola. Hinawakan nya ang push handles ng wheelchair nito at maingat na itinulak papunta sa kanilang komedor. 'The best talaga 'tong si Tatay. Kaya love na love ni Inay e.'

'Pero mas the best ka, Zoey.' Maluha- luhang sabi ng lolo ng dalaga matapos nyang lingunin ito.

'Ay, si Tatay.' Zoey runs to the old man, hugging him after.

'Ang swerte swerte namin at naging apo ka namin.' Pagpapatuloy naman ng matanda. 'Maraming salamat ha, Zoey? Pagpasensyahan mo na lang muna sina Inay at Tatay sa mga pagkukulang namin sa iyo dati.'

'Tatay naman e.' Zoey stomps her feet and hugs her grandfather tighter. 'Wag naman ganito please? Sige ka, di namin aasikasuhin ni Travis ang papeles nyo ni Inay. Diba, sasama na kayo sa akin sa States next, next year? Tapos, iiwanan na natin si Tito dito. Sa kanya na lang 'tong bahay. Diba 'yun yung plano natin? Pero syempre, ipapatanggal ko muna yung katarata ni Inay. Para naman pagdating nyo sa America, makikita nya kung gaano kaganda don. Makakakita kayo ng snow. Tapos, lagi tayong mamamasyal sa Central Park. Maraming kalapati dun, Tay.' Pinipilit pasayahin ni Zoey ang boses habang sinasabi iyon sa kanyang lolo. 'Konting tiis na lang Tatay. Ha? Tsaka Inay, konti na lang din, makakakita na kayo uli. Makikita nyo na uli ang kapogian ni Tatay.'

'Tsaka ang kagandahan mo. Miss ko nang makita ang maganda mong mukha, Zoey.'

'Inay talaga. Konti na lang, maniniwala na ako.' At tumawa sya.

'Maganda ka naman talaga.' Sabi ng boses ng isang kararating pa lang. 'Dami ngang nababaliw sa'yong lalaki diba?'

'Roberto.' Suway ng lolo ni Zoey sa bagong dating.

'Bakit di nyo tanungin dyan sa magaling nyong apo kung san sya kumuha nag pangtubos dito sa bahay na 'to?'

'May trabaho ako Tito.' Tila nagtitimping sabi ni Kathryn.

'Kulang kulang dalawang milyon, Zoey? Isang pitik mo lang, nakagawa ka ng dalawang milyon? Sino nagbayad ng ganyang kamahal sa katawan mo?'

'Obet, Tama na.' Ang lola naman ni Zoey ang nanuway sa anak nito. 'Kung hindi mo kayang magpasalamat sa pamangkin mo at may tinutulugan ka ngayon, sana naman galangin mo man lang sya dito sa loob ng bahay natin.'

'Nandidiri ako sa batang 'yan pag pumapasok sya dito Nay.' Turo ni Roberto sa pamangkin. 'Hindi natatago ng mamahalin nyang pabango ang bahong hatid dahil sa dami ng lalaking sinisipingan nyan.'

The Girl in the EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon