EPILOGUE

3.4K 254 128
                                    



She closes and opens her eyes as she feels the cold gel being spread on her now protruding tummy. Nakaupo naman sa tabihan nya ang kanyang lolo at lola habang nakatanaw sa maliit na monitor sa kabilang bahagi ng ulunan ni Kathryn.

Humpak na humpak ang pisngi ni Kathryn at tila hinang hina. May mga gamot kasi sya sa sakit nya na kailangan nyang itigil muna dahil sa kanyang dinadala. Nahihirapan sya. Pero desidido syang ipagpatuloy ang pagbubuntis kahit na sinabihan na sya ng kanyang doctor na hindi magiging madali ang lahat. Maraming risks ang pagbubuntis ng isang katulad nya. Pero sa tulong na rin ng lolo at lola nya ay nakakayanan naman nya.

'Look at that little pee-pee there.' Her gynecologist whispers as she runs the head of the scanner around her stomach. 'You're having a boy, baby girl.'

Napahawak naman sa kamay ng kanyang lola si Zoey bago nagsimulang pumatak ang kanyang mga luha. Lalaki ang magiging anak nya.

Ang anak nila ni Stanley.

Ilang oras matapos ng kasal nina Larissa at Stanley ay umalis na rin patungo sa New York sina Zoey at ang kanyang lolo at lola. Hindi nya nakuha ang closure na inaasam mula sa kanyang ama at kapatid. But Zoey thought that it must be for the better. It was only when she was in New York already when she was made aware that she was 6 weeks pregnant. Kung hindi pa halos bumagsak ang katawan nya ay hindi tatawag sa 911 ang lolo nya.

Fast forward to 5 months after, malapit na mag-anim na buwan ang tyan nya. Ilang beses na syang nagtangkang malaman kung anong gender ng kanyang dinadala pero tila parati itong nahihiya. Sabi ng kanyang lolo at lola, baka daw hinihintay lang si Stanley.

Kung hirap na hirap sya sa pagbubuntis nya ay naging napakadali naman ng pag-amin nya sa mga matatanda kung sino ang ama ng dinadala nya. Wala syang itinago, knwento nya lahat ng nangyari at paulit- ulit na humingi ng tawad sa nagawa.

'Parehas talaga kayo ng nanay mo.' Naiiyak, ngunit nakangiting sabi ng kanyang lola sa kanya habang pinupunas ang nag-uunahang luha sa kanyang mga pisngi.

'Ang sama ko pong tao, Nay.'

'Walang masama sa taong nagmamahal. Tandaan mo yan, apo.'

Sapat na ang sinabing iyon ng kanyang lola para kahit paano ay mapagaan ang loob nya at wala nang hilingin pang iba.

*******

Magkakasama silang nakaupo sa isang bench sa Central Park matapos ng kanyang check up. Medyo may dalang lamig na ang simoy ng hangin dahil pumasok na ang panahon ng taglagas. Nagpaalam ang kanyang lolo at lola para maghanap ng toilet at sandaling nagpaiwan muna si Zoey sa kinauupuan.

'Tehgurl.' She answers a phonecall from Jaimie.

'Ano yon bakla ka?' She giggles, wrapping her cardigan around her body more securely as a gentle breeze kisses her drying skin.

'Kamusta si baby?'

'Baby boy.' She tells him, once again tearing up, realizing the idea that there is another living thing growing inside her.

'OMG! Congrats!' Tili nito. 'Baby boy ang baby ni ate mong Zoey!'

Napatawa si Zoey habang naririnig ang tili ng kaibigan sa kabilang linya at ilang matunog na Congrats, Yehey at Wow naman ang sumunod dito.

'Anjan pa kayo sa shop? Anong oras na.'

'May tinatrabaho kaming malaking event tehgurl. E demanding ang kliyente. Nakuha lang naman namin ang Star  Ball kineme.'

'Wow! Galingan nyo dyan! If need nyo ng tips and other stuff, tawagan nyo lang ako ha? Pero per hour na tsaka dollar na ang rate ko.' And she laughs again.

At her hindsight, she can make out the figures of her grandparents walking towards her. Pero kaiba kanina nung iwanan sya nila para maghanap ng banyo, there was another figure walking behind them. She took a good look at it and her phone nearly fell.

'Hindi na nga pala nangungulit dito si Mr. Padilla. Binigay ko na yung hilig. Binigay ko na yung address mo dyan sa New York. Don't worry, di ko sinabing buntis ka.' Tila M-16 ang bibig ni Jaimie na tuloy tuloy ang pinagsasasabi. 'Yung tatay mo naman, hinahanap ka rin sa akin. Pero wag ka mag-alala, sabi ko hindi ko alam. Jusko, ano ba 'yong tatay mo. Tapos yung kapatid mo naman, nanggaling din dito noong isang linggo. Most wanted ka talaga.'

'Jaimie.. I'll talk to you later.' Yun na lang ang nasabi ni Zoey bago nya ini-end ang call ng kaibigan.

'Sinubukan naman namin syang iligaw e. Kaso mapilit.'

Hindi na napigilan ni Zoey ang mga mata nang lumuha na muli ang mga ito.

'I'm sorry.' Sambit ng taong kasama ng kanyang lolo at lola. 'I'm so sorry.'

***** T H E      E N D *****

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***** T H E E N D *****

The Girl in the EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon