XXXVI

7.6K 367 61
                                    


XXXVI.

********

'Zoey.'

Muling tawag ng boses sa pangalan nya sa kabilang linya.

'Love.'

Parang piniga ang puso nya matapos naman nitong banggitin ang karaniwang itinatawag sa kanya nito kapag nasa loob lang sila ng condo ng isa't isa. Kapag nakaupo sya sa may bintana at malalim na nag-iisip. Sa tuwing malapit na nitong marating ang rurok ng kaligayahan kapag sila ay nagniniig. Kapag hinahawakan nito ang kanyang kamay sa tuwing natatakot sya.

Masaya syang malaman na gising na si Stanley. Ngunit hati ang nararamdaman ni Zoey sa kasalukuyan.

'St— ' Tatawagin na rin sana nya ang pangalan nito nang ilang mahihinang yabag sa kanyang likuran ang kanyang narinig. Agad nyang pinatay ang tawag at ini-off ang cellphone nya.

'Honey.' Tawag ni Travis na sinundan pala sya.

Zoey hastily shove her phone inside her pocket as she turns to him.

'From whom is that call?' He inquired as he walks nearer to her.

'Uh, Jaimie. He was just informing me about our schedule next week.'

Tumango tango lamang si Travis.

'Are you finished talking to him? Or do you need more time?' Tanong nito.

'We're done talking.' Sagot naman ni Zoey bago inaya na muli si Travis pabalik sa comedor.

********

'Tangina!' And Stanley found himself throwing the phone into the wall, ending in a smash.

'Sir Stanley..' Tawag ng kasambahay sa labas bago nito binuksan ang pinto. Nakasunod sa kanya ang nurse na tinutukoy nya kanina. 'Ay ang cellphone ko!' Gulat na sabi ni Merle bago ito lumuhod at pinulot isa isa ang basag basag nang android phone.

'Babayaran ko na lang Merle.' Tila nagsisisi namang sabi ni Stanley matapos mabatid ang ginawa.

'Sir,' The male nurse Merle brought with her step inside his room. May bitbit itong maliit na kit na ipinatong nya sa tabi ng kama ni Stanley. 'Linisin lang po natin ang sugat nyo, then palitan yung gauze.'

'Medyo kumakati na nga e.' He said under his breath, still evidently annoyed with what happened earlier.

Zoey just dropped his call. It might mean one thing. Ayaw sya nitong makausap. Pero paano kung mahina lang ang signal sa kinaroroonan nya ngayon? Kung ano pa man, hindi naman iyon sapat na dahilan para manira sya ng gamit ng iba. Napatingin sya sa kasambahay na lulungo lungo dahil sa nasirang cellphone.

'Natutuyo na pala ang sugat mo Sir e.' Puna ng nurse matapos buklatin ang orihinal na gasa kung saan nasaksak si Stanley.

*********

'Pagpasensyahan mo na muna siguro, hija.' Pag-alo ni Mrs. Padilla kay Larissa habang nakaupo ang dalawa sa may lanai.

Nahalata marahil ng ina ni Stanley ang lalim ng pag-iisip ni Larissa matapos nilang makabalik sa bahay. Batid naman nyang mahal ni Larissa ang anak. Pero may mga bagay na hindi kayang itago sa kanya ng mamanugangin.

'Nasa hospital pa lang sya, he seemed to be irritated na.' At bumuntong hininga naman ito. 'I think it's much better na lang siguro Tita if we'll move the wedding to a later date.'

'Tanungin mo muna rin siguro si SJ, anak. Medyo naguguluhan lang siguro sya ngayon dahil sa nangyari. Isa pa, hindi rin daw maganda yung papalit palit ng date ng kasal.'

Nanatiling nakatingin lang si Larissa sa ina ng kasintahan. Maya maya pa ay narinjg nila ang mahihinang yabag na papalapit sa kanila.

'Ma, pakuhanan naman ako ng bagong cellphone.' Sabi ng papalapit na si Stanley habang nakasunod sa kanya ang nurse na nagpalit ng benda sa sugat nya.

'Ako na lang, babe.' Larissa offered as she stood up. 'Under pa rin ba nung plan mo?' As much as possible, gusto ni Larissa na pinagsisilbihan nya ito. Hanggang sa maaari sana, kung kailangan ng mapapangasawa ng tulong, sya ang tutulong dito.

'Thank you Larissa.' Tipid ang ngiti ni Stanley sa kasintahan.

Umiling lamang si Larissa bago tumayo.

'So, I'll get going?' Sabi nito bago bumeso sa ina ni SJ.

'Magpa-drive ka na lang kay Roger, gusto mo?' Mrs. Padilla offered to her.

'Hindi na Tita. Ako na.' Ngiti naman nito. 'I'll be back later babe.' And she gave her boyfriend a quick kiss on his lips. 'Android or iPhone?' She asked him.

'Kahit ano, ok lang. Bahala ka na.' Tila walang ganang sagot nito.

'Mmkay.' Tango ni Larissa bago iniwan ang mag-ina.

'Can't you be nicer to Lari?' Tanong ng ina ni Stanley matapos itong umupo sa tabi nya.

'Ano 'yon Ma?' Tanong din nito na tila lutang sa pag-iisip.

'Larissa. She's your fiance. You are going to get married, for God's sake.'

'Ma, marami lang akong iniisip. And yes, we are getting married.'

'Iniisip na ni Larissa na i-cancel muna ang kasal nyo and move it to a later date.' She tells his son.

'No.' Marahas ang iling ni Stanley.

Kung dati ay may pagdadalawang isip sya sa pagpapakasal sa nobya dahil kay Zoey, ngayon ay tila buo na ang loob nya. Matapos ang naging 'pag-uusap' nila ng huli ay malinaw na sa kanya na kung ano mang pinagsaluhan nila ay maaari lang isang kaso ito ng 'one time affair'. Pwede ring one-sided. Dahil kung tutuusin naman, sya lamang ang malinaw na nabaliw. At nagmahal. Ni minsan ay wala syang nakuhang malinaw na sagot kay Zoey kung ano ba ang nararamdaman sa kanya nito. Masakit. Pero yon ang totoo.

'Hayy, you should thank heavens na Larissa is still sticking with you kahit ang sungit sungit mo sa kanya. Ano ba anak ang nararamdaman mo at iritableng iritable ka?'

'Makati yung sugat ko kasi Ma. And I can't scratch it kasi papatuyo pa lang.' Pagdadahilan nya. 'Si Papa?'

'Sya nag-aasikaso ng mga kapehan mo ngayon.'

'Pauwiin mo na lang si Papa. Baka ma-stress sya masyado. Ipaubaya nya na lang kamo kay Mark yung Supremo.'

Stanley's mom rolled her eyes.

'You knew very well na walang tiwala yang Papa mo dyan sa kasosyo mo diba? And you're letting him handle yung future branches ng Supremo? Hindi yan hahayaan ng Papa mo.'

Si Stanley naman ang umismid sa ina.

'O edi si Papa na lang sumosyo sa akin. Bilhin nya shares ni Mark.' Masungit na sabi nito bago dahan dahang tumayo mula sa kinauupuan.

*******

Larissa enters the restaurant texted by her friends. Bitbit nya ang isang paper bag from a cell network at nasa loob noon ang ipinakuhang cellphone ni Stanley. Pabalik na sana sya sa bahay ng fiancee nang i-text sya ni Sheena.

'Gurl, puntahan mo kami dito sa Fridays. May papakita kami sa'yo.
-Sheena'

Larissa read before she drove away.

'Hey.' Bati nya sa mga kaibigan na tila may pinagkakaguluhan sa cellphone ni Sheena. 'Ano ba yon? Pakibilisan na lang ha? I have to go back agad.'

'Ay grabe. Ngayon nga lang uli tayo nagkita-kita.' Beso naman ni Myca.

'Ano nga ba kase yon?' Tanong uli nya.

'Are you aware of this?' Tanong din ni Sheena bago ipakita ang picture sa cellphone nya na kanina lamang ay pinagkakaguluhan nila.

Larissa's eyes turned as wide as saucers upon seeing what Sheena had just showed her.

*******

The Girl in the EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon