XL

6.6K 287 56
                                    


XL.

*******

Tuliro pa rin si Zoey habang nakaupo sya sa salas ni Jaimie. Kagagaling lang naman ng huli sa kusina para kumuha ng batyang may maligamgam na tubig at tuwalya.

'Ano bang nangyari?' Nag-aalalang tanong ni Jaimie bago hinawakan ang baba ni Zoey para iangat ito. Napapikit na lang sya nang nakita ang nangingitim na pasa sa ilalim ng kanang mata ng kaibigan. Nagdurugo din sa labi nito dahil sa ilang sugat. 'Jusko. Ang ganda ganda mong babae.' Bakas ang panghihinayang sa boses ni Jaimie.

Agad namang tumungo si Zoey para itago ang estado nya mula kay Jaimie.

'Sasama na kasi sana ako kay Stanley.' She started, a smile instantly forming on her lips as she imagined what could've been. 'Nag-usap kami kagabi dun sa event. Sabi nya, mahal nya ako. Tapos hihintayin nya ako. I came upon with the realization na siguro nga, it's about time na sarili ko naman ang isipin ko. Yung happiness ko.' And she started to sob. 'Kahit alam kong mali, kahit hindi ko sigurado kung anong mangyayari, pinili kong maging masaya. Akala ko okay na. Until Travis found out. Eversince pala umuwi kami from the event, alam na nya ang plano ko.'

Hinawakan ni Jaimie ang braso nya para aluin. Ngunit napaigtad naman si Zoey. Upon looking at it, Jaimie noticed the bruising handprint around her upper arm.

Noon lang din nakita ni Jaimie ang estado ng suot ni Zoey. Gula gulanit ang pantaas nito at  sira din ang butones ng pantalon nito. Hindi na nya kailangan pang itanong kung ano pa ang ginawa kay Zoey ng dayuhan nitong nobyo.

'Tama na friend, ipa-pulis na natin.' Jaimie said, wrapping an arm around her shoulder, letting her cry.

'He grabbed me by the hair and pushed me on the wall. He threatened me, called me names, he kept on shouting at me 'Whore' as he took me by the back. Kinaladkad nya ako pabalik sa kwarto, gusto nya akong iposas. Pero hindi ako pumayag.' She continued.

Awang awa si Jaimie sa kaibigan.

'That was the very first time na nakita ko syang ganon. Sa sobrang takot at pagpapanic, I took the lampshade beside his bed and hit his head. Hard. Ang daming dugo. Hindi ko na alam.' And she buried her face on his shoulder as she cried.

'Wala na syang itinira sa akin Jaimie. He took everything from me.' Zoey cried.

**********

Iminulat ni Stanley ang mata. Nakaidlip na pala sya sa loob ng kotse nya dahil sa paghihintay.

'Sir.' Bati sa kanya ng security guard na naka-duty.

Saka lamang napagtanto ni Stanley na alas-sais na ng umaga. And then he realized that she didn't came. He smiled bitterly, shaking his head. A part of him wanted to stay but another part of him is telling him not to anymore.

'Tama na Stanley. Sabi nga nya, bitawan mo na.' He told himself as he started the ignition of his car, preparing to drive away.

************

Nanatiling nakahiga si Zoey sa loob ng spare na kwarto sa apartment ni Jaimie. Balot na balot sya ng kumot, masakit pa rin ang kanyang katawan sa bugbog na inabot at kumikirot pa rin lahat ng sugat. She tried to move but it was very painful for her. Ilang sandali pa ay nakita na nyang pabukas na ang pintuan. Jaimie came in, a bowl of arroz caldo in his hand.

'Kumain ka muna.' Inilapag ni Jaimie ang mangkok sa tabi ng kama ng kaibigan saka tinulungang makaupo ito. 'Friend, dalhin na kaya kita sa ospital?'

Umiling lamang si Zoey katulad ng pag-iling nya nang imungkahi ni Jaimie na ireklamo si Travis sa pinakamalapit na presinto.

The Girl in the EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon