XLI

5.3K 315 61
                                    


XLI.

*********

'Anong nangyari dyan?' Nakangisi at tila nang-uuyam na tanong ng tiyuhin ni Zoey na kapapasok pa lamang sa kanilang bahay.

Katatapos lamang pagsaluhan nina Zoey, Jaimie at ng dalawang matanda ang Noche Buena na pinabili ni Zoey dahil isang putahe lamang ang nailuto ng kanyang lola. Ang paborito nitong adobong puti sa bawang. Agad namang nagpaalam si Jaimie sa dalawang matanda at kaibigan matapos nitong ayusin ang kanilang pinagkainan. Halata kay Obet na nakainom ito dahil susuray suray ito papasok at panay ang hawak sa mga kasangkapang madaraanan upang hindi mabuwal. Ang pamangkin ang agad nitong pinansin.

'Nabangga po yung minamaneho kong kotse.' Maiksi ngunit mabait pa rin ang sagot ni Zoey.

'May black eye, nabangga? Pakasinungaling mong bata ka talaga. Sabihin mo, nabugbog. Di mo siguro ginalingan ang giling mo kaya di natuwa ang parokyano mo.'

'Paskong pasko Obet, kung ano ano na namang katarantaduhan yang pinagsasasabi mo.' Kahit may katandaan na ang lolo ni Zoey, halata pa rin sa boses nito ang otoridad.

'Pasko nga pala ngayon ano?' Ngising muli ni Obet. 'Anong regalo mo saken, ineng?' At umupo ito sa tabi ni Zoey bago ito inakbayan.

Umiling lamang si Zoey habang nakatungo.

'Wala ka man lang binili para sa akin?' Mapang-asar ang tono nito. 'Gilingan mo na lang din kaya ako.'

Nabigla si Zoey matapos syang hilahin ng tiyuhin patayo at iniupo sya sa kandungan nito. Tila hindi pa umabot ng tatlong segundo ay dumapo na agad ang palad ng dalaga sa pisngi ni Obet.

'Inay.' Agad na tumakbo si Zoey sa kanyang lola at yumakap dito.

'Ang ganda mo pa rin kahit may black eye.'

'OBET!' Sigaw ng ama nya.

'Umakyat na tayo apo ha?' Mabait na sabi ng kanyang lola. 'Magkatabi tayong matutulog, wag kang mag-alala.' Bulong nito sa umiiyak nang si Zoey habang palayo sila sa mag-ama.

***********

'Are we okay?' Tila naririnig pa rin ni Stanley sa tenga nya ang tanong na binitawan sa kanya ni Larissa.

For about 5 seconds, he can't find an answer. Until he just blatantly spit out that 3 lettered word.

'Yes.' Sinubukan nyang lagyan ito ng pakiramdam. 'Of course.' But it was also empty words that came out from him.

Can Larissa sense via phone that what he says is different from the truth? He had to ask himself.

'Larissa, I...'

'Yes?'

'I'm tired.' Stanley lied. 'I can't do this anymore.' Those were the words that Larissa expected to roll out from his tongue. She breathed deeply, eyes closed, preparing herself for what she was about to hear.

Eversince she and Stanley became a couple, he would always assure her of his love. Until one fateful circumstance happened, and Larissa thought that everything was over. When they met each other again, feelings rekindled, and they were never the same people again. She was so sure of him. And she knows that he is sure of her too. But suddenly, it's as if there is something off between the two of them. It's like a wall appeared in front of them all of a sudden. That, she's not quite sure of.

'I'm tired. I need to sleep. I'm pretty exhausted.' Larissa's eyes snap open, she blinked once, twice. 'Larissa?'

'Yes?'

'Tulog muna ako. Tulog ka na rin.' Bakas naman ni Larissa ang pagod sa boses ni nobyo.

'Ok.'

'I love you.' And relief washed over her as she heard those words.

The Girl in the EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon