XLVIII

4.8K 264 50
                                    



******

It was a perfect day for a wedding. The sun was starting to shine overhead as birds chirp up and above the trees surrounding the chapel. Isa isa nang nagdadatingan ang mga sasaksi sa pag- iisang dibdib na magaganap. Abala naman si Jaimie sa pagplantsa ng mga detalye. Mula sa dekorasyon sa aisle papunta sa altar, sa mga bulaklak at mga arkong daraanan ng entourage.

She put on the plum colored lipstick that she really loves before staring at herself on the mirror. Her reflection blinked twice. Inayos nya ang buhok na kinulot ang dulo saka itinaas ang tirante ng midnight blue dress na napili nyang isuot. The motif of the wedding is champagne. But, why would she even care? Dinampot ni Zoey ang kanyang maliit na bag mula sa table sa tabi ng kama nya. She swung its chain-like sling on her shoulder and gave herself a final look on the full mirror beside her door. She notices a small rash on her upper arm and proceeded to put an ointment recommended by her dermatologist.

'Ang ganda naman talaga ng apo ko.' Her grandmother exclaims as she climbs down their slightly ricketing wooden staircase.

'Inay talaga.' She pouts before kissing her grandmother's forehead, the liquid lipstick she just put on remains in place.

'San ka ba pupunta?' Tanong ng kanyang lolo na kalalabas pa lamang mula sa kusina. 'Mag-agahan ka muna.'

'Hindi na 'tay.' And she kisses her grandfather's cheek. 'May pupuntahan po akong kasal.'

Zoey gave them a nervous smile before she left.

******

Nagkakagulo na sa labas ng venue nang dumating si Zoey. As soon as she stepped out from the cab, a pristine Bentley pulled in front of her. Agad na nagtakbuhan ang mga naghihintay papunta sa pintuan ng kotse, binuksan iyon at unang bumaba si Mr. Vergara mula sa front seat. Tinungo rin nya ang pintuan ng passenger seat saka inilahad ang kamay sa pababang Mrs. Vergara. Nanatili namang nakapako lamang ang mga paa ni Zoey sa kinatatayuan.

Flashes of camera and expression of amusement emerged from the well-wishers as they watch how Larissa's extravagant trail flow down from the bridal car. Patakbong lumapit si Myca papunta sa kanya para damputin iyon at alalayan ito habang bumababa. Hawak naman ng kanyang papa ang kanyang kamay samantalang si Mrs. Vergara ay nakatayo lang sa malapit at ngiting ngiti.

Nagsilapitan na rin naman sina Sam, Raissa at panghuli si Sheena na kanina lamang ay nakatingin kay Zoey. Nagtama ang mga mata nila bago naisipan ng huli na pumasok na sa simbahan para hanapin si Jaimie. Nag-text ito sa kanya na sa pinaka-hulihang upuan ito uupo sa loob ng chapel.

'Okay ka lang?' Nag-aalalang tanong ni Jaimie kay Zoey once she joined him.

'Kumusta yung mga vendors? Wala naman bang naging problema?' Isa ring tanong ang naging sagot nya.

'Wala naman naging pasaway. Nabwisit lang yung iba dahil sa sobrang rush.'

Tumango lamang si Zoey saka tumingin sa may altar. Nakatayo roon si Stanley, looking so handsome and expensive wearing that Francis Libiran suit. Nasa likod nya sina Geoff at Pete at sa tabi naman nya ay ang kanyang Papa. Nagtama ang mata nila ng may ilang sandali. Sinubukan syang kausapin ni Stanley sa pamamagitan ng tingin ngunit agad rin naman itong bumawi. Zoey heaved a sigh before she decided to busy herself with her phone.

A few moments later, the door of the chapel slowly opened before the wedding march started to resonate within the walls of the church. The wedding is now about to start.

*******

I look at her as she stood there, on the farthest pew. With Jaimie.

Our wedding coordinator.

The Girl in the EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon