XLIII

6K 304 59
                                    


XLIII

**********

'Nabalitaan ko yung nangyari.'

Magkaharap na nakaupo sina Zoey at Stanley sa isang pribadong sulok ng restaurant ng hotel resort kung saan sila parehas na naka-check in.

'Hm?' Iniangat ni Zoey ang tingin kay Stanley saka muling itinungo ito matapos magtagpo ang kanilang mga mata.

'Si Travis.'

Bumuntong hininga muna si Zoey bago tipid na ngumiti.

'How are you?' May bahid ng malasakit ang tanong ni Stanley sa kausap.

'Holding up. I guess.' Kibit balikat niyang sagot. Bakas pa rin sa mga mata nito ang lungkot. 'I am trying.' Dagdag pa nya.

'Andito lang ako.' Tila bulong ang pagkakasabi ni Stanley sa mga katagang iyon.

Waring napaso naman si Zoey ng balat ng dating kaulayaw matapos nitong hawakan ang kamay nya na nasa ibabaw ng mesa. Binawi nya ito saka inilagay sa kanyang kandungan, kasama pa ng kanyang isang kamay.

Hindi alam ni Zowy kung bakit pero sa Palawan sya dinala ng mga huling salita sa liham na iniwan sa kanya ni Travis.

'Set yourself free too.'

'Mr. Padilla yung..'

'Stanley. Or Lee. Pwede ring SJ. Wala naman tayong pag-uusapan na professional ngayon.'

'Can I just call you Stanley, then?'

'Basta hindi Mr. Padilla.'

Tumango si Zoey saka nagpatuloy.

'Sasama naman ako dapat sa'yo.' Hindi alam ni Zoey pero pakiramdam nya ay she owe him an explanation. 'I was ready. My bag is ready. Kaya lang, si Travis. Pinigilan nya ako.'

Tumango si Stanle. An indication that he understands.

'He..' And Zoey realize that she's now starting to choke in her own tears. 'Sinaktan nya ako. Takot na takot ako. Not only for myself kundi para din sa'yo, para din sa lolo at lola ko.' She explains.

He looked at her gently bago ito tumayo mula sa kinauupuan saka inokupa ang bakanteng upuan sa tabi nito.

'I asked Jaimie not to tell you the truth in case you asked. And I was right, nagtanong ka nga.'

'And I thought that it was Travis whom you've chosen.' He took her hand into his and stared at those doe eyes.

'Mahal kita. God knows how much I love you, Stanley. I'm sorry I wasn't able to tell you sooner.'

Bumilis ang tibok ng puso ni Stanley matapos marinig ang ilang katagang iyon. Matagal nya iyong hinintay. Sa wakas, hindi na lang init ng katawan ang pwede nilang pagsaluhan. He's ecstatic to know that finally, she feels the same way too.

'But I'm not sure if this love is right.' Iling ni Zoey na tila pumutok naman sa lobo ng pag-asang lumilipad ngayon sa himpapawid ni Stanley. 'Travis may be gone. But you're still getting married.'

Matapos nito ay agad tumayo si Zoey para lumayo na kay Stanley. Unang pagkakataon pa lamang, yun na ang dapat na ginawa nya. Hindi na sana sya nagpadala sa damdamin at galit na kailangan nyang gumanti sa mga taong nagnakaw ng kasiyahan nya.

Ang kanyang papa.

Si Larissa.

Nagsimula sa init ng katawan at tawag ng laman, sinundan ng pagkakaalam nya sa katotohanan. Hanggang hindi na nya nagawang makatakas sa sarili nyang kahibangan.

The Girl in the EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon