EPILOGO

920 49 33
                                    

" Kuya...Kuya gumising ka na ituloy mo na yung kwento mo"

Nagising ako ng marinig ko ang munting ng tinig ng kapatid kong si Mikka.

Unti unti kong minulat ang mga mata ko at tumingin ako sa harapan ko at nakita ko ang naka ngiting mukha nya.

" Ah! Kuya lumuluha po kayo nanaginip po ba layo ng masama?"

Sabi nya sa akin at napa hawak naman ako sa pisngi ko at totoo nga umiiyak na maman ako, ano pa bang aasahan ko? Sa tuwing na aalala ko sya, at lahat ng nangyari hindi ko talaga maiwasang maiyak kahit na ilang taon na ang nakakalipas.

Ngumiti naman ako sa harapan ng kapatid ko at abay sabing.

" Nanaginip nga ako bunso, pero hindi ako umiiyak dahil masamang panaginip iyon...umiiyak ako dahil iyon ang pinaka masayang panaginip sa tana ng buhay ko"

Sabi ko sa kanya at tumango naman sya.

" Kuya ituloy mo na yung kwento mo tungkol doon sa Bayabas at Santol! Ano ng nangyari matapos silang mahuli ng mga magulang nila?"

Sabi nya sa akin at hinimas ko naman ang ulo nya.

" Sige itutuloy ko na dahil ito na ang wakas nun kaya makinig ka ng mabuti"

Sabi ko sa kanya at lumawak naman ang ngiti nya saka tumango.

" Ng mahuli ng mga magulang nila na may relasyon ang Bayabas at Santol, ay hindi sila pumayag dahil hindi sila mag kauri, dahil ang Bayabas ay para lang sa Bayabas at ang santol ay para lang sa santol,  sinabi ng Santol na kung mahihiwalay sya kay Bayabas ay ikakamatay nya ito dahil ito na ang buhay nya pero hindi nakinig ang mga magulang nila at pinag hiwalay nila ang dalawa, nag mamakaawa si Bayabas na wag syang ihiwalay sa mahal nya, pero alam ni Bayabas na darating ang araw at mag hiwalay din sila...dumaan ang ilang araw...naging malungkot si Bayabas at iniisip parin ang kanyang maahal na si Santol pero nagulat sya ng mabalitaan nyang unti unti na lang na lanta si Santol at bumagsak sa lupa.labis na dalamhati ang nararamdaman ni Bayabas...pero dahil sa nangyari ay nawalan na rin sya ng ganang mabuhay at dumaan ang ilang araw natagpuan na Lang nila si Bayabas na wala ng buhay pero ang pinag tataka nila kahit na wala na itong buhay ay naka ngiti parin ito...at wakas"

Sabi ko sa bunso kong kapatid.

" Ang lungkot naman pala ang kwento nila Kuya Islaw...Bakit di na laang sila nag katuluyan diba ganun naaman sa fairly tale?"

Sabi nya sa akin at hinimas ko ang buhok nya.

" Mikka...Hindi lahat ng kwento maganda ang katapusan...dahil ganun naman talaga ang buhay hindi lahat nauuwi sa Happy Ending katulad Nlmg nasaan mga libro....bata ka pa kanya hindi mo pa naiintindihan ngayon pero pag laki mo maiintindihan mo rin ang lahat...pero siguro pag dumating ang araw na iyon di na rin kita makikita"

Sabi ko na lang sa kanya at napa isip naman sya sa sinabi ko.

Mag sasalita na sana si Bunso pero biglang dumating sina Inay at Itay.

Nakita kong umiiyak pa si Inay at pinapatahan sya ni Itay ngumiti lang ako sa kanila alam ko na kung bakit sila malungkot. Tanggap ko naman na itong sakit ko.

Akala ko nga patay na ako ng araw na iyon pero hindi...Yun lang ang akala ko dahil buhay ako buhay na buhay pero si Carlos hindi, na nakita ko ang bangkay nya sa morgue. Iyak ako ng iyak doon at nakita ko si Ninang Jill.

Na wala na sa sarili nyang katinuan. Sinisisi ko sya, dahil kung sana hindi dahil sa kanila, Hindi sana mamatay si Carlos.

*****************************************

" Kung sana! Kung sana naging malawak lang ang isip nyo! Kung Sana inunawa nyo na lang kami!...Sana sana hindi na namatay si Carlos! Sana buhay pa sya ngayon! "

Memories To Remember [BXB] CompletedWhere stories live. Discover now