- 10 -

581 45 8
                                    

Islaw POV

" Umalis ka na nga dyan! Bitawan mo na ako ano ba! Kupal ka talaga umagang umaga! Sisipain talaga kita paalis dito sa kama! Ano ba! "

Inis kong sabi habang tinutulak ko papalayo si Carlos sa akin.

Paano kasi para syang sawa o di kaya ay tuko sa inaasta nya.

Paano ba naman alas tres palang ng umaga pero nakayakap sya sa akin at sinubsob nya ang mukha nya sa leeg ko hindi sa nakikiliti ako,dahil iyon sa hindi na ako makahinga sa sobrang higpit ng pag kakayapos nya sa akin.

Oo yakap yakap nya ako...simula kasi ng nag usap kami na maging mag kaibigan uli kami...kahit na hindi ko talaga maalala kung naging mag kaibigan talaga kami.

" Ang lamig kasi Bayabas...hayaan mo muna akong yakapin ka malamig na kasi dahil malapit na ang pasko"

Sabi nya naman sa akin.

" Tsk akala ko ba magiging mag kaibigan na tayo? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? "

Inis kong sabi sa kanya sabay ikot ng mata ko. Oo alam naman na normal lang sa mag kaibigan yung nag yayakapan...Lalo na at pares ko lang naman syang lalake....pero ang di normal ay Yung isubsob nya ang mukha nya sa leeg ko ang masama todo ang amoy nya dito na parang sobrang bago ng leeg ko...Hindi naman sa sinasabi kong mabaho pero di ba ang weird lang na gawin nya iyon?.

Bigla naman syang lumayo sa leeg ko at tumingin sa akin..Medyo naka pikit pa ang mga mata nya at saka sya tumingin sa akin.

" Bakit? Anong masama sa ginagawa ko Bayabas? Niyakap lang naman kita dahil sa giniginaw ako eh"

Sabi nya sa akin na parang hindi mali ang ginawa nya.

"Alam mo nahahalata na kita eh! Simula ng gabing iyon na sinabi mong maging mag kaibigan tayo uli parati mo na lang akong niyayakap...umamin ka nga bading ka ba at type mo ako kaya mo ginagawa ito?...tsk tsk pasensya na gusto kong mag kapamilya"

Sabi ko sa kanya at doon ko nakita na lumukot ang mukha nya dahil sa sinabi ko sa kanya.

" Gusto mo ba talagang mag karoon ng sarili mong pamilya Bayabas?"

Sabi nya sa akin at lumayo sa pag kakayapos sa akin at saka sya humiga ng maayos.

Tumingin ako sa kanya at saka umayos ng higa.

" Oo naman sino bang hindi?, Alam mo lahat naman ng lalake iyon ang pangarap, bakit ikaw ayaw mo bang balang araw may tatawag sa iyo ng Papa?"

Sabi ko sa kanya at bumuntong hininga naman sya at tumingin sa akin.

" Paano kung sabihin kong...gusto ko rin na mag karoon ng sariling pamilya...pero pano kung ang pamilya na malapit kong mabuo ay hindi kami mag kakaroon ng anak sa tingin mo ba okey lang iyon?"

Sabi nya sa akin kaya napa tingin ako sa kanya.

" Hmm..Ang sabi kasi nila hindi mo matatawag na pamilya ang isang pamilya kung walang anak...pero hindi naman ako naniniwala doon, Kasi naman may ibang pamilya na wala namang Nanay o Tatay,pero pamilya parin sila...ano ka ba kahit na walang anak ang isang pamilya basta ba masaya sila okey lang..nasasaiyo rin naman ang desisyon"

Sabi ko sa kanya at bumuntong hininga naman sya.

" Tara na nga sa labas ng aga aga ang drama mo, tsk saka wag mo nga akong yakapin pag umaga tsk! Oo alam kong magkaibigan na tayo ngayon pero,pwede ba? Wag kang umasta na parang nobyo kita"

Sabi ko sa kanya at bigla naman syang tumawa sa sinabi ko.

" Ikaw Bayabas ah... sabihin mo baka ikaw ang bading?"

Memories To Remember [BXB] CompletedWhere stories live. Discover now