- 08 -

534 55 9
                                    

Islaw POV

Inis na inis akong nag lalakad habang naka sunod kay Carlos.

Tsk nakakainis talaga ang lalakeng ito, ibang klase kung manakot.

Hays hindi ko alam kung bakit natakot ako sa sinabi nyang hahalikan nya ako pero... Nakakahiya kasi alam nyo iyon?.

Nakakainis eh nakakinis na pag naalala ko yung gabing iyon hindi ko alam pakiramdam ko kinikiliti ako... Hindi kaya may bulate lang ako sa tyan kaya ganoon? Pero wala eh hindi ko alam kung bakit, Kaya nga ng sabihin nyang ganun ayun ako pa ang humila sa kanya para puntahan na namin yung pandak na iyon para humingi ng pasensya.. kahit na hindi bukal sa puso ko.

Ng makarating kami sa tapat ng Starbucks ay bigla syang huminto.

Kaya napa hinto naman ako at bigla syang tumingin sa akin.

" Bakit na naman! Nakakainis ka na! Ano naman ba?"

Inis kong sabi sa kanya.

Bumuntong hininga naman sya at saka sya lumapit sa akin palapit ng palapit at namalayan ko na lang na halos mag kadikit na ang mga labi namin... Pero para akong tuod ngayon para akong na estatwa.

" Pag nakipag away ka na naman sa kanya at hindi ka humingi ng pasensya hahalikan talaga lita"

Sabi nya sa akin at tumango na lang ako at bigla syang lumayo at saka sya nag lakad papasok sa loob.

At huminga naman ako ng malalim dahil halos kapusin ako ng hininga dahil sobrang lapit nya kanina humawak ako sa dibdib ko dahil sobrang bilis ng tibok nito yung tipong parang tumakbo ako ng pag ka layo layo.

Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako pumasok sa loob.

Tsk ayokong gawin nya uli sa akin iyon, pag natapos talaga ito pag nasa bahay na ako? Hindi ko talaga sya papansinin... Kung hindi ko lang kailangan ng sasakyan nya lanina pa ako umalis dito.

Tsk bibihira lang ang sasakyan papunta sa amin.

Tsk wala akong pag pipilian kaya susunod na lang muna ako.

Pasok ko ay agad kong nakita si Carlos na nakikipag usap doon sa Pandak na iyon. Tsk gusto ko na sanang umalis pero nakita na ako ni Carlos kaya wala na akong pag pipilian.

Lumapit na lang ako sa kinalalagyan nila at umupo ako sa harapan nilanh dalawa.

" Oy! Gurang bakit ang sama mg ugali mo samantalang itong kasama mo ang bait?"

Sabi nya sa akin at halos putok ang ugat ko sa ulo dahil sa sinabi nya.

Parang ano mang oras ay makakapatay ako ng isang taong pandak pag nag kataon.

Kaso bigla akong tinignan ni Carlos ng masama pero tinignan ko rin sya ng masama. Aba! Hindi na ako ang mali dito tapos ako parin ang titignan nya ng masama?.

Tsk baliw na sya!.

Tumayo ako at tumayo din si Carlos

" Saan ka pupunta? Hindi ba nag usap na tayo?"

Sabi nya sa akin at parang pinapaala nya sa akin ang napag usapan namin.

" Wala akong pake! Hindi na ako ang may kasalanan nito, pumunta ako dito para mag sorry dahil oo alam kong mali ako pero nakakainis lang ang pag mumukha ng pandak na ito nakaka bwisit!"

Inis kong sabi sa kanya kaya lahat ng atensyon ng mga tao ay napunta sa amin.

" Islaw na pag usapan na natin ito, hindi mo ba nakita binibiro ka lang nya"

Memories To Remember [BXB] CompletedWhere stories live. Discover now