- 01 -

1.2K 79 5
                                    

Carlos POV

" Carlos! Kailan ka ba matuto!?... Bakit parating gulo na lang ang pinapasok mo?.. nakakahiya"

Sigaw ni Mommy sa akin habang naka upo ako sa sofa at sinesermonan nila ako.

" Mommy... Sinabi ko naman sa inyo... Wala akong ginawang masama doon pinagtanggol ko lang ang sarili ko... Saka sila ang nauna hindi ako"

Sabi ko sa kanya at tumingin ako kay Mommy.

" Pero hindi parin tama ang ginawa mo! Nasa hospital ngayon yung binugbog mo! Alam mo ba ang sinasabi ng ibang tao sa atin ngayon? Sa pamilya natin? Sinasabi nila na porket makapangyarihan tayo ay okey lang na manakit ng iba... Carlos naman! Isipin mo naman kung ano ang ika bubuti ng pamilyang ito!"

" Carlos... Hindi ka pwedeng lumabas sa loob ng bahay na ito sa kwarto ka lang grounded ka! "

Galit naman na sabi ni Papa.

" Grounded?  Ha!... Anong akala nyo sa akin Bata? Sa tingin nyo isa akong 10 years old na pwede nyong tawagin ng ganyan"

Sabi ko sa kanila at sabay tawa ko na lang.

" Wala ka na ring galang na bata ka! Gulo na nga ang parati mong dala, lumalaki ka pang bastos! Nakakahiya ka sa pamilyang ito Carlos!"

Sigaw ni Papa sa akin at seryoso lang akong tumingin sa kanya.

" Ha! Nag papatawa ba kayo Papa, Mommy? Sinasabi nyong bastos ako... Sinabi nyong kahihiyan ako sa pamilyang ito dahil lang sa pinag tanggol ko ang sarili ko?... Hindi ko kayo maintindihan Mommy... Hindi talaga... Sa tingin nyo tama bang hayaan ko syang saksakin ako?... Mas gusto nyo bang makita na lang ako sa loob ng kabaong... Para lang hindi mapahiya ang pamilya natin?... Mas importante pa ba ang reputasyon nyo kaysa sa buhay ng anak nyo?.... Akala ko... Akala ko,Akala ko talaga pag pamilya.. Nag mamahalan at mas inuuna ang kapakanan ng membro nito kaysa sa iba... Pero nag kamali ako... Dahil mas importante ang tingin ng ibang tao sa inyo kaysa sa buhay ko... Kasi kahihiyan lang ako sa bahay na ito"

Inis kong sabi sa kanila habang pinipigilan ko ang umiyak.

" Siguro nasasabi nyo iyan dahil hindi anak ang turing nyo sa akin... Kasi para sa inyo... Si Kuya lang ang parating magaling sa lahat ng bagay...sya ang paborito nyo sya na lang parati...Ang tingin nyo sa akin ay parang isang bagay na walang kwenta at panay kapal pakan ang ginagawa....Wala naman akong kwenta sa pamilya ito dahil ni minsan hindi nyo nakikita ang mabuting ginagawa ko dahil parating ang pag kakamali ko ang pinupuna nyo...ginusto ko bang maging ganito? Ginusto ko bang maging bastos na sinasabi nyo?...Hahahaha nakakatawa... nakakatawa na nag papaliwanag ako sa inyo pero kahit na anong paliwanag ko hindi nyo parin ako papaniwalaan...marahil sasabihin nyong bastos ako dahil sa sinasagot ko kayo pero hindi eh...masyado ng masakit paulit ulit na lang na ganito ng nangyari...minsan naman pakinggan nyo ako,minsan maniwala kayo sa akin...anak nyo rin ako...Wag nyong iparamdam na hindi ako kabilang sa pamilyang ito...dahil masyado nang masakit na isipin na wala akong pamilya kahit na meron kayo ..Kasi hindi ko naramdaman ang pag mamahal ng pamilya sa akin"

Sabi ko sa kanila at tumingin ako sa kanila ng naka ngiti... Yung ngiti na punong puno ng kalungkutan.

" Siguro mas magandang umalis na lang ako sa bahay na ito... Sigurado akong mas matutuwa pa kayo pag nawala ako."

Malungkot kong sabi ko sa kanila sabay tayo.. tumalikod ako kasabay ng pag tulo ng kuha ko na kanina ko pa pinipigilan.

" Carlos! Saan ka pupunta!"

Sigaw ni Papa sa akin pero agad akong pumunta sa kwarto ko at doon ko nilabas ang sama ng loob ko.

Agad akong nag impake ng mga gamit ko at kinuha ko rin ang credit card ko na ipon ko mismo.

Memories To Remember [BXB] CompletedWhere stories live. Discover now