- 11 -

509 43 5
                                    

Islaw POV

" Oh andito na tayo"

Sabi ko kaya Carlos ng makarating na kami sa palengke, Hays buhay na buhay talaga ang palengke pag araw ng martes.

Pero medyo nainis at na ilang ako ng nararamdaman ko na hindi parin bumibitaw si Carlos mula sa pag kakahawak nya sa bewang ko.

" Carlos.. bumitaw ka na at baka ihulog Kita Ng Wala sa oras, Ang daming naka tingin hindi ka ba nahihiya?"

Sabi ko sa kanya, akala ko nga eh aasarin nya ako pero nag tataka ako kung bakit  sa hindi nya nag sasalita.

Kaya naman ay nilingon ko sya at nakita ko na naka yakap lang sya sa akin at naka pikit ang kanyang mga mata at takot na takot sya dahil sa pinag papawisan sya ng malamig.

Kahit na naiinis ako sa kanya ay may pake pa rin ako sa kanya.

Hinawakan ko ang mukha nya at dahan dahan nyang minulat ang mga mata nya.

Halos gusto kong lumubog at lumunin na lang ng lupa dahil sa ginawa ko, heto ako at nakikita syang maluha luha.

" Bayabas...galit ka ba sa akin?, Akala ko mamatay na ako ng biglang tumalon si lakas...akala ko mahuhulog na ako alam mo bang ito ang una kong pag kakataon na sumakay ng kalabaw... pwede bang dahan dahan naman"

Sabi nya sa akin habang nakayap parin sya sa akin, gusto kong mag sungit at murahin ang sarili ko...dahil bakit ngayong parang sobrang gwapo ni Carlos? Parang kahit na takot na takot na sya parang ang gwapo nyang pag masdan?...Hays bakit ba naging gwapo ang lalakeng ito?.

At iyon ang kina iinis ko dahil bakit ngayong na gwa-gwapuhan ako sa kanya eh nakakainis sya.

Bakit ba kasi ganito ang nararamdaman ko? Bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko? Hays pakiramdam ko naramdaman ko na dati ito pero hindi ko matandaan, o di ko maalala kung kailan.

" Tsk! Kasalan mo iyan inaasar mo ako kanina, saka anong malay ko na ito ang unang beses mong sumakay ng kalabaw?saka hindi ka naman nahulog di ba?"

Sabi ko sa kanya sabay iwas ng tingin dahil sa hindi ko na sya kayang tignan ng ganoon, pakiramdam ko magiging manyak na ako pag tinignan ko pa sya ngayon.

" Saka ano pa ba ang hinihintay mo? Huh? Bakit hindi ka pa bumaba? Bumaba ka na at baka ihulog kita mg wala sa oras"

Inis kong sabi sa kanya.

" Natatakot parin ako bayabas, Hindi ko maramdaman ang paa ko sa sobrang takot"

Sabi nya sabay siksik ng mukha nya sa likod ko kaya halos mamula ako sa sobrang hiya dahil sa maraming mga tao na naka tingin sa amin. At alam ko nag tataka sila kung bakit nasa ganito kaming sitwasyon...Lalo na at kilala ako ng mga tao dito.

Alam ko ngayon pa lang ay marami na silang itatanong sa akin lalo na ang mga kilala ko, sinong hindi mag iisip ng iba kung nakita mo na ang dalawang lalake ay nagyayakapan sa ibabaw ng kalabaw ang weird hindi ba?.

" Carlos hindi ako nag bibiro, nakakahiya na sa mga tao oh? Kilala ako dito"

Sabi ko sa kanya at minulat mata nya uli ay saka sya tumingin sa paligid.

" Nasaan na tayo?"

Sabi nya sa akin at bumitaw na sya sa pag kakayakap sa akin sa tingin ko ay pumasok na sa utak nya na nakakahiya ang pinag gagawa nya sa akin.

Pero bakit parang gusto ko naman na niyayakap nya ako?.

" Nasa palengke na tayo kaya umayos ka dahil na kakahiya ka kanina"

Memories To Remember [BXB] CompletedWhere stories live. Discover now