- 06 -

574 54 3
                                    

Islaw POV

" Iho, sigurado ka ba na ikaw lang ang pupunta sa bayan ngayon? Medyo malayo Ito dito sa bahay ang mga mall, palengke lang ang malapit sa amin"

Sabi ni Inay habang sinasabi nya si Carlos na balak pumunta sa bayan para bumili daw ng bago nyang telepono dahil hindi na daw maayos ang telepono na gamit nya,nandito sila sa sala habang ako ay nasa pintuan lang at naka tingin sa kanila.

" Okey lang po ako Ninang, saka may kotse naman po ako"

Sabi nya jay Inay, at bigla syang tumingin sa akin at umiwas naman ako bigla.

Simula ng gabing iyon halos dalawang araw ko na syang iniiwasan.

************************************

" Anong gagawin mo?"

Sabi ko sa kanya at unti unti nyang nilapit ang mukha nya sa mukha ko.

" Eh di papatunayan ko sa iyo na hindi ako bading...sa tingin mo anong ginagawa ng isang lalake pag sinabihan syang bading?"

Sabi nya sa akin at nainis Nnman ako sa sinabi nya.

" Aba Malay ko! Eh bading ka namang talag-hmp!"

Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil bigla nya na lang akong siniil ng halik.

Gulat na gulat ako sa nangyayari... Sinong hindi kung bigla kang hinalikan hindi ba? Buti sana kung babae sa lalake ng humalik sa akin! Lalake din ako tapos lalake din  ang hahalik sa akin?

Gusto ko syang itulak pero parang na estatwa ako sa pwesto ko.

Akala ko agad din syang aalis sa pag kakapatong sa akin pero hindi, akala ko idadampi lang nya ang kanyang labi sa labi ko tapos ay aalis nya sya pero hindi... Dahil pinikit nya ang mga mata nya at nag simula syang pagalawin ang mga labi nya.

Sinipsip nya ang ibaba kong labi... Hindi ko alam ang gagawin ko alam kong mali to at dapat ko na syang itulak pero ewan parang may demonyo ata na nag sasabi na hayaan ko lang sya.

Hindi ko namalayan ay lumalaban na rin ako sa mga halik nya, Hindi ako marunong humalik pero sinasabayan ko lang ang bawat galaw ng mga labi nya.

Kakaiba ang nararamdaman ko parang pakiramdam ko may na tagpuan akong bagay na mahalaga sa akin.

Maya maya ay sya na rin ang pumutol sa halikan namin minulat ko ang mga mata ko at naka tingin sya sa akin pag katapos ay agad syang humiga sa tabi ko.

At ngayon lang pumasok sa isip ko na mali ang ginawa namin at nag tataka ako kung bakit hinayaan ko lang syang  gawin iyon sa akin.

Mag sasalita sana sya pero agad akong tumalikod sa kanya at nag talukbo ako ng kumot.

Hays ano bang ginagawa ko? Bakit ako gumanti sa halik nya bading na ba ako? Kainis naman akala ko nahawaan nya lang ako ng kamanyakan nya pero ano ito!? Bakit may ganito? Bakit may ganitong eksena? Pano ko sya haharapin ngayon? Hindi ko sya masisi dahil gumanti din ako sa mga halik nya pero ibig sabihin ginusto ko... Pero ayoko iyon na mangyari eh! Siguro hindi ko na muna sya papansinin lalo na sa mga nangyayari ngayon .

Memories To Remember [BXB] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon