- 12 -

435 42 5
                                    

Islaw POV

" Mommy anong ginawa nyo sa kanya!"

Sigaw ni Carlos sabay yakap sa akin...teka tama ba ang narinig ko? Mommy? Nanay nya ang taong bigla na lang nanampal sa akin? Pero.....bakit?.

" Iyan ba! Iyan ba ang totoong dahilan kaya ka umalis sa bahay! Para hanapin yang putanginang salot na yan! Sumagot ka Carlos!"

Sigaw ng Mommy nya hindi ko alam pero pag naka tingin ako ay na nginginig ang buong katawan ko...Wala akong maalala na kilala ko sya pero mukhang ang katawan ko ay kilala sya at bakit ako natatakot?.

" Mommy! Anong ginagawa mo dito!? Hindi ba umalis na ako sa bahay dahil sa gusto kong patunayan na mali kayo ng akala sa akin na kaya kong mabuhay ng wala kayo...pero ano itong ginawa nyo? Bakit kayo nandito kung wala naman kayong matinong sasabihin?"

Sabi ni Carlos, bigla akong na iyak mg wala sa oras ng hindi ko man lang alam ang dahilan.

" Wag mong ibahin ang tanong Carlos! Bakit mo kasama yang salot na iyan! Hindi ba sabi ko wag na wag mo na syang hanapin?"

Sabi ng Mommy ni Carlos...matapang ako pero bakit ngayong pag kakataon ay hindi ko man lang maibuka ang bibig ko ni hindi ako maka pag isip ng maayos basta umiiyak lang ako at nanginginig ang katawan ko ng hindi ko alam ang dahilan....sino ba talaga sila bakit ganito ang nangyayari sa akin.

" Pero hindi ko sya hinanap Mommy! Nag tagpo uli ang landas namin, hindi ko hinanap sina Ninong at  Ninang pero kusa na nag Krus ang landas namin...saka Mommy hayaan nyo na ako, hayaan nyo na kami! Masaya na ako dito ayoko ng bumalik sa bahay natin, sa bahay na wala namang may pake sa akin,sa bahay na may mga taong hindi man lang ako kayang kausapin ng matino, mga masasakit lang na salita ang sinabi nyo sa akin!....kaya umalis na kayo Mommy ngayon lang ako nakiikiusap sa inyo hayaan nyo na ako"

Sabi ni Carlos habang yakap yakap nya ako tumingin sya sa akin at nakita kong umiiyak din sya pero ngumiti sya sa akin kahit na alam kong nasasaktan sya...Bakit ba wala akong maalala? Pero bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya pag tumitingin sya ng ganito sa akin parang nadudurog ang puso ko.

" Hayaan?...Hahaha nag papatawa ka ba Carlos!? Talaga bang nalason ng salot na yan ang utak mo!? Tang*na! Carlos lalake ka! Kahit na pusong babae pa yan! Lalake parin sya!...Gusto mo bang maging katulad nya salot sa lipunan! Mga kadiri sa lipunan wala ng ibang ginawa kundi ang ipag laban ang karapatan nila na sa una palang ay wala naman sila! Mga salot!"

Sabi ng lalake sa tabi mg Mommy ni Carlos alam ko na Papa nga ito pero bakit ganon sya mag salita? , Bading ba talaga ako? Salot ba talaga ako? Pero bakit ganito ang galit nila sa akin? Sino ba sila para husgahan nila ako? Kilala ba nila ? Kilala ko ba sila?, Oo nga pala wala akong maalala kaya malamang kilala nila ako pero ako hindi ko sila kilala.

" Pa! Tumigil ka na! Umalis na kayo ! Kung magiging salot man ako katulad ng sinasabi nyo kung kapalit nun makakasama ko si Islaw pwes! Mas gugustuhin kong maging salot kaysa bumalik sa inyo"

Sabi ni Carlos at nagulat ako ng bigla syang sinampal ng Mommy nya.

PAK!

" Hindi mo alam kung ano ang sinasabi mo! Ilang taon ka naming nilayo sa salot na yan para maging normal ka! Tapos ganito ang sasabihin mo sa amin? Ganito ang igaganti mo sa amin!?."

Sabi ng Mommy saka sya tumingin sa akin.

" Ikaw kasalanan mo lahat ng ito eh! Kasalan mo kaya naging ganito ang anak ko!"

Sigaw ng Mommy ni Carlos sabay hila nito sa buhok ko wala naman akong nagawa kundi ang tanggapin lahat mg pananakit ng Mommy nya sa akin dahil hindi sya maawat ni Carlos at hindi rin kumikilos ang buong katawan ko parang nanghina ako parang pakiramdam ko naranasan ko na lahat ng ito lahat ng nangyayari ngayon.

Memories To Remember [BXB] CompletedWhere stories live. Discover now