- 03 -

800 65 4
                                    

Islaw POV

Hello nandito uli ang inyong lingkod si Islaw.

Ngayong araw ay mag lalaba kami sa ilog.

Pero ang problema ay hindi parin gising si Carlos at mahimbing pang natutulog, sa kama.

Oo tama kayo sa kama ko talaga sya natulog, nakakainis nga eh ayaw ko syang makatabi pero hindi umalis si Inay hanggang sa hindi nya makita na nasa kama si Carlos... Pakiramdam ko hindi ako ang tunay nyang anak at si Carlos talaga ang totoo nyang anak.

Pero biro lang naman iyon.

Nag unat-unat muna ako bago ako nag tungo sa banyo nag mumog na muna ako saka nag hilamos.

Pag ka tapos ay bumalik ako sa kama at masamang tumingin sa natutulog sa lalakeng ito.

Ginising ko sya pero away nyang gumising, alas kwarto palang ng umaga pero kailangan na naming lumakad dahil medyo malayo ang ilog sa bahay at baka tanghaliin kami pag nay kataon.

Dahil sa naiinis ako ay sinapak ko sya sa mukha ng dalawang beses at dahil sa hindi parin sya nagising ay lumabas ako ng bahay kumuha ako ng isang malaking bato at masaya ko itong binagsak sa ulo nya at ayun tuluyan na syang hindi nagising at natulog na sya habang buhay.

Pero syempre biro lang iyon ayokong makulong ng dis oras.

Ang ginagawa ko talaga ay sinampal ko pisngi nya ng mahina pero hindi sya nagising kaya medyo nilakasan ko pero hindi talaga sya nagising tulog mantika ang gago kaya sa inis ko ay sinampal ko sya ng malakas yung talaga malutong na malutong nasampal.

At hindi naman ako na bigo dahil at agad syang bumangon.

" Anong nangyari? Lumindol ba?"

Sabi nya at natawa naman ako sa sinabi nya na lumindol ang mundo  dahil sa lakas Ng pag kakasampal ko sa ka sa kanya.

" Tsk, mag sipilyo at ang hilamos ka na, pupunta na tayo sa ilog mamaya wag ka ng mag reklamo kung maaga pa dahil sa malayo ang ilog dito ayokong abutin tayo ng gabi pag uwi"

Sabi ko sa kanya at tumingin naman sya sa akin sabay sabing.

" Magandang umaga"

Sabi nya sabay ngiti sa akin ng ubod ng tamis. Pero sumimangot lang ako sa sinabi nya.

" Walang maganda sa umaga lalo pag nakikita ko ang mukha mong mahimbing na natutulog, Isa kang lalakeng tulog mantika" 

Sabi ko sa kanya at lumabas na ako ng kwarto para kunin ang labahan at nilagay ito sa isang malaking palanggana.

Nag luto na rin ako ng pag akin dahil doon na rin kami kakain.

Pag katapos kong maayos ang lahat sakto naman na pag labas ni Carlos at nag taka naman ako ng makita kong naka pag summer outfit sya.

" Ano yang suot mo?"

" Di ba sabi mo pupunta tayo sa ilog, kanya ito pang Instagram lang"

Sabi nya at naningkit ang mata ko sa sinabi nya.

" Mag palit ka...o pag dating natin sa ilog lulunurin kita at hayaan ng agos na ng bahala sa katawan mo?"

Banta ko sa kanya at nagulat sya noong una saka tumawa.

" Di ka parin nag babago mahilig kaparin manakot siguro oung mga bata pa tayo ngayon nag tatakbo na ako sa sobrang takot, pero sige na nga mag papalit na"

Sabi nya sa akin at agad syang pumasok uli sa kwarto.

Saka sya nag palit naiwan naman akong naguguluhan... Sino ba talaga sya?.

Memories To Remember [BXB] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon