- 17 -

453 36 0
                                    

Islaw POV

Bigla na lang bumuhos ang mga luha ko ng matapos na sabihin ni Inay ang lahat ,lahat parang habang nag kwekwento sya tungkol sa nangyari sa buhay ko ay nararamdaman ko ang mga pakiramdam ko ng nga araw na iyon.

Pero mas na luha ako na kahit na anong kwento ni Inay wala parin akong maalala...siguro tama nga si Inay ito ang epekto ng gamot sa akin at tuluyan ko ng makalimutan ang lahat lahat.

Pero bakit ganun kahit na nakalimutan ko lahat bakit kusang nangyayari uli ito.

Umiyak ako ng umiyak habang hawak hawak ko ang dibdib ko dahil habang iniisip ko kung ano talaga ang nangyari noon literal na naninilip ang dibdib ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit iyon nagawa ni Carlos ....bakit nya ako tinaboy noon...kaya ba ayaw nyang sabihin sa akin ang nakaraan namin dahil sa natatakot sya na sisihin ko sya dahil sa ginawa nya?.

Oo alam kong tatanungin ko sya kung bakit nya iyon nagawa kung bakit nya iyon sinabi... Kung sasabihin nya sa akin ang dahilan baka maintindihan ko sya.

Pero ngayon wala na naman sya gaya na lang ng nangyari noon na ayon sa kwento ni Inay.

Maya maya ay naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Inay. Habang umiiyak din ito.

" Patawarin mo kami anak...na duwag ako ng mga panahon na iyon... ayoko ng malaking gulo kaya tayo na lang ang nag paka layo mula sa kanila...pero dapat hindi ko iyon ginawa...at saka hindi na lang namin hinayaan na inumin mo ang gamot na iyon...Hindi ka sana nangangapa sa dilim ngayon patawad anak!"

Sigaw ni Inay habang umiiyak at hindi ko sya masisi kahit kailan dahil alam kong ginawa nya kang ang alam nyang tama at hindi makakasama sa akin.

" Pero sobra na sila Nicole! Hindi ko na kaya ang pang aapi nila sa anak natin! Kahit na anong mangyari...pag sasaktan pa nila ang anak ko patawarin na lang ako ng diyos dahil hindi ko alam ang gagawin ko sa kanila pag nag kataon"

Sabi ni Itay sa akin at sabay yakap sa aming dalawa ni Inay. Siguro masasabi kong maswerte parin ako...dahil nag karoon ako ng mga magulang na katulad nila na maintindihin, na kaya nilang tanggapin ang katulad kahit na ang tawag sa akin ay salot kahit na ang iba ay nandidiri sa akin.

" Maraming salamat Itay,Inay..dahil kahit na ano mang mangyari... nandyan kayo parati...kahit na ganito ako mahal na mahal ko po kayo Inay, Itay mahal na mahal"

Sabi ko sa kanila habang yakap yakap nila ako, umiiyak din ako at medyo nahihirapang huminga...Sana...Sana naging ganito na lang ang mga magulang ni Carlos para kahit papano...kahit papano ay maging malaya kami na ipag sigawan na mahal namin ang isat-isa...Sana naging masaya na kami ngayon....pero ganun talaga ang tadhana...mapaglaro at mapanakit.

" Mahal na mahal ka din namin anak...at kahit na anong mangyari...kahit ano ka pa,ikaw parin ang anak namin at iyon ang hindi mag babago"

Sabi naman ni Itay at hinayaan kong umagos ang mga luha ko, mga luha na noon pa man ay talagang nag babadya na.

Sabi nila nauulit ang kasaysayan. Siguro tama sila dahil kung anong nangyayari noon nangyayari din ngayon at higit sa lahat mas grabe pa. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko...gusto lang naman namin na maging masaya at tanggapin kami ng mga tao. Alam ko na hindi lahat ng tao ay kayang tanggapin ang tulad ko...pero kung pwede sana kung pwede ay igalang na lang kami dahil tao lang din kami.

" K-Kung naging isang normal na lalake na lang sana ako H-Hindi na sana mangyayari lahat ng ito...Kung sana naging babae na lang ako para matanggap na nila ako at hindi na nila ha-hadlangan ang pag ibigan namin ni Carlos kung sana naging normal na lang ako! Sana naging normal na lang ako!!!"

Memories To Remember [BXB] CompletedWhere stories live. Discover now