- 15 -

487 33 0
                                    

10 years ago

Hanggang sa namalayan na nilang dalawa na nag dami na ang kanilang mga labi.

Parang tumigil ang mundo nila at pakiramdam ni Islaw ay silang dalawa lang ang nandoon. Silang dalawa lang at wala ng iba.

Oo alam nya bata pa sila para malaman ang mga ganitong bagay pero sa batang taon nila ay nalaman ni Islaw na may gusto sya sa kababata nya, Hindi bilang kinakapatid, kababata o kaibigan...mas higit pa doon hindi nya masabi kung ano pero alam nyang higit pa doon ang pag kagusto nya sa kababata nyang si Carlos.

Pinikit na lang ni Islaw ang kanyang mata at hayaan na ang mga mangyayari.

Habang si Carlos ay naka tingin parin sa mukha ng kababata nyang kaibigan at hindi nya alam kung bakit nya iyon nagawa kusang gumalaw ang katawan nya. Naguguluhan man sya ay hinayaan nya ang katawan nya na gawin kung ano man ang nangyayari ngayon.

Ilang minuto ang naka lipas at si Carlos na ang humiwalay sa halik na iyon. Agad naman minulat ni Islaw ang kanyang mga mata at nakita nya si Carlos na naka tingin sa buong paaralan.

Gustong tanungin mo Islaw kung bakit iyon nagawa ni Carlos pero nahihiya syang mag salita dahil sa nangyari kanina.

Pero mas pinili nya paring natungin dahil naguguluhan sya sa inaasta ng kababata nya.

" Uhm... C-Carlos bakit-"

" Tara na Islaw, siguro umuwi nalang muna tayo para magamot din natin itong mga natamo natin na sugat"

Sabi ni Carlos at pinutol nya ang dapat sasabihin ni Islaw. Agad naman itong naintindihan ni Islaw ang sitwasyon hindi sya tanga para hindi makuha ang ibig sabihin ang sinabi ni Carlos na ayaw nyang pag usapan ang nangyari kanina.

Kahit na gustong malaman ni Islaw ang dahilan ni Carlos ay iintindihin nya na lang ang kababata, dahil baka pag pinilit nya ito ay mag kagulo pa silang dalawa.

" Siguro nga dapat na tayong umuwi  sigurado akong hahabulin lang uli tayo ng guwardya pag nag kataon"

Sabi na lang ni Islaw at ngumiti kahit na pilit lang.

Naunang nag lakad si Carlos at nasa likuran nya si Islaw na tahimik lang, Alam ni Carlos kung bakit tahimik ang kababata nya pero hindi kasi masagot ang tanong nito dahil, hindi rin nya alam ang sagot kung bakit nya iyon ginawa.

Pero ayaw nya ng ganitong sitwasyon ayaw nyang hindi sila nag papansinan kaya di Carlos na ang huminto habang nag lalakad.

At dahil sa balisa si Islaw ay hindi nya napansin na huminto pala sa pag lalakad si Carlos.

Kaya bumangga ito sa likuran nya. Agad naman na nagulat si Islaw dahil sa huminto si Carlos.

Lumingon si Carlos kay Islaw sabay sabing.

" Islaw...gusto mong kumain jg Ice cream? Tara sa mall libre ko"

Sabi ni Carlos sabay ngiti katulad parin ng ginagawa nya dahil at ngumiti din naman si Islaw dahil sa sinabi ng kababata nya.

" Sige ba, libre eh ikaw ang nag sabi nyan wala ng bawian"

Sabi ni Islaw at tumango naman si Carlos at sabay akbay kay Islaw medyo naiilang si Islaw dahil sa nangyari kanina pero pinag sa walang bahala nya na lang ito dahil sa ang importante sa kanya at maging okey sila ng kababata nya.

Memories To Remember [BXB] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon