- 04 -

667 60 4
                                    

Islaw POV

Agad ko syang tinulak kaya nabitawan nya ako at napa upo ako sa batuhan.

Gulat na gulat akong tumitingin sa kanya pero sya ay nagulat din, Alam kong aksidente ang nangyari dahil kung hindi nya ako hinila baka patay na ako ngayon.

Pero hindi ko inaakala na ang una kong halik ay mapupunta sa isang lalake!.

Kung alam kong ganito rin pala ang mangyayari sana pala nag pahalik na lang ako kay Mari, kahit na ayaw ko naman sa kanya basta babae sya.

Agad kong pinunasan ang labi ko gamit ang kamay ko at masama akong tumingin sa kanya.

" Tsk! Lumayo ka nga sa akin! Manyak!"

Sabi ko sa kanya at agad akong lumayo sa kanya.

" Hindi ko naman sinasadya ..Kung di ko ginawa iyon baka na bagok na ang ulo mo kanina"

Sabi nya sa akin at napa pikit na lang ako dahil alam ko iyon! Dapat nga mag pasalamat pa ako pero putek! Nakakainis kasi eh bakit sya pa ang unang nahalikan ko!?.

Alam kong walang malisya iyon dahil pares ko naman syang lalake pero kahit na nawala na ang unang halik ko na dapat ay para sa taong mamahalin ko!.

" Pasenya na talaga"

Sabi nya sa akin kahit na naiinis ako ay wala na akong magagawa...saka isipin ko na lang na uindi iyon nangyari.

Umupo ako uli at saka kumuha na ako ng kanina at ulam.

" Kumain ka na,saka ka lumangoy kung gusto mo tsk"

Sabi ko na lang sa kanya at umupo naman sya at nag simula na ding kumain.

Habang kumakain kami ay panay ang sulyap nya sa akin, nakakailang problema ng tao na ito?

Sa sobrang inis ko ay agad iong binitawan ang hawak kong plato at agad kong sinipa ang mukha nya tumilapon sa ere ang lahat ng pag kain nya at saka ako kumuha ng bato at paulit ulit kong pinukpok sa ulo nya hanggang sa hindi na sya humihinga.

Pero joke lang iyon, Kung pwede lang gawin kanina ko pa ginawa pero kasalanan ang pumatay eh.

" Bakit ba? May problema ka ba? Gusto mong lumangoy habang kumakain sige okey lang go"

Inis kong sabi sa kanya nakakainis ang mga tingin nya sa akin.

" Hindi ka na ba galit sa nangyari kanina?"

Sabi nya ay naningkit ang mata ko ng pinaalala nya ang nangyari kanina.

" Gusto mo pang mabuhay?, Tsk pwede ba wag mo ng isipin iyon! Dahil unang una at hindi sa huli wala lang iyon, lalake tayong pareho bakit wag mo sabihing bading ka talaga? Tsk pasensya na hindi kita type"

Kahit na gwapo kang gago ka, at gulat na gulat naman sya sa sinabi ko.

" Bayabas naman hindi ako bading, lalake ako, Gusto ko lang maka sigurado na hindi kana galit sa akin...Tama ka naman wala namang dapat ika galit dahil nung mga bata nga tayo parati tayong nag hahalikan sa pisngi, Kasi sabi mo ang mag kaibigan dapat nag mamahalan".

Sabi nya sa akin at ako naman ng lumawak ang mata ko sa sinabi nya, nabitawan ko nga ang hawak kong kutsara dahil sa sinabi nya.

" A-Anong sabi mo?"

Sabi ko sa kanya at tumingin naman sya sa akin habang punong puno ang bibig nya yung sobrang taba na ng pisngi nya sa dami ng kinakain nya.

Nginuya nga muna ito bago ito nag salita.

" Bakit? Pag sasabihin ko ba uli may maaalala ka? Wala naman hindi ba kumain ka na lang, gusto kong lumangoy uli tayo katulad ng dati"

Sa Sabi nya sa akin.

Memories To Remember [BXB] CompletedWhere stories live. Discover now