- 16 -

449 33 2
                                    

10 years ago

Naging mas malapit pa ang dalawa simula ng umamin sila sa isat-isa. Sa edad nilang labing tatlo, Tila hindi ka maniniwala na alam na nila ang ganitong uri ng pag ibig.

Ngunit sa edad nila na ito ay naging matalino sila sa kanilang desisyon... desisyon nilang ilihim ang relasyon nila dahil alam nila na hindi ito matatanggap ng kanilang magulang lalo na at pareho silang lalake.

At alam nilang maka diyos ang pareho nilang pamilya, Sina Nicole at Jill ay talagang wagas ang pananampalataya sa diyos.

Kaya alam ng dalawa na magagalit ang mga magulang nila dahil bawal na relasyon lalo na at naniniwala ito na ang babae ay para lang sa lalake. At kasalan ang mag mag mahal ng kapareho ng kasarian.

" Carlos...pano kung sabihin na lang natin kina Inay ang relasyon natin? Hindi ba mas maganda iyon lalo na at alam kong maiintindihan naman tayo ni Inay"

Sabi ni Islaw habang naka upo ito sa ilalim ng puno, sa taas ng burol kung saan sila parating naka tambay.

" Islaw...Alam kong maiintindihan tayo ni Ninang...pero alam mo rin naman na mag kaibigan sila ni Mama at halos wala silang lihim sa isat-isa...kung sasabihin natin kay Ninang...parang sinabi na rin natin kina Mama ang relasyon natin...kilala mo si Mama hindi ba? Ayaw nya sa mga...."

Natigil bigla sa pag sasalita si Carlos dahil di nya masabi ang salitang iyon.

" Ayaw nya sa mga bading na katulad ko?...Alam ko naman iyon Carlos...Ang sa akin lang ay ayokong mag sinungaling kay Inay...pero kung sa tingin mo ay mas mabuting itago na muna natin kina Inay...sige pero hahanap tayo ng tyempo at sasabihin natin sa kanila"

Sabi na lang ni Islaw kahit na medyo masama ang pakiramdam nya dahil sa hindi man lang masabi ni Carlos ang salitang Bading... iniisip ni Islaw na baka hindin nya ito tanggap.

" Pangako Islaw masasabi rin natin sa kanila"

Sabi ni Carlos at tumingin naman si Islaw kay Carlos at medyo nagulat sya ng bigla na lang hinalikan ni Carlos ang kanyang labi pero ilang segundo lang ito saka ngumiti si Carlos.

" Tandaan mo kahit na anong mangyari? Kahit na pag hiwalayin man nila tayo ikaw parin ang mahal ko Islaw...at kahit na malayo ka? Pupuntahan kita at kahit na ilayo nila ako hahanapin kita pangako yan"

Sabi ni Carlos at ngumiti naman si Islaw dahil kita naman nya sa mga mata ng kanyang kababata na nag sasabi ito ng totoo.

" Mahal na mahal kita Carlos"

Sabi ni Islaw at saka hinalikan si Carlos sa labi. Isang mainit na halik ang pinag saluhan nilang dalawa sa ilalim ng puno sa taas ng burol.

Habang masaya sila ay may isang tao naman na mula sa malayo na galit na galit at natutuwa rin habang hawak hawak nito ang kanya telepono at saka pinindot ang save button ito ngumiti ng malapad at umalis. Ngumiti lang sya na parang sinasabi nito na sya ang panalo sa larong nilalaro nila. Na nasa kanya ang huling halakhak.



Nag daan ang isang linggo, at nag usap ang dalawa sinabi ni Carlos na pupunta sya ng probinsya dahil sa bisita daw ito sa kanyang Lola.

Memories To Remember [BXB] CompletedWhere stories live. Discover now