- 18 -

443 32 4
                                    

Islaw POV

" Bakit nyo ginawa ito sa kanya bakit nyo ito ginagawa sa amin"

Sabi ko lay Ninang Jill tanong na matagal ko ng tinatanong... tanong din siguro na tinatanong ko noong panahon na hindi ko pa ininom ang mga gamot na iyon.

" Ha! Yan lang ba ang sasabihin mo? Wala kang alam...Hindi mo rin dapat malaman pero ,gusto kong malaman mo na walang kinabukasan wng anak ko sa katulad mong salot...Hindi ka ba nandidiri? Nag hahalikan kayo ng kapwa mo lalake mas masahol pa kayo sa hayop! Buti pa nga ang hayop kilala kung ano ang para sa kanila!"

Sigaw ni Ninang Jill at napa yuko naman ako sa sinabi nyang mas masahol pa kami sa hayop.

" At isa pa matanong kita..sa tingin mo ba maibibigay mo ang pangarap namin para kay Carlos? ...Hindi! Dahil kahit kailan hindi mo sya mabibigyan ng isang pamilya! Kaya mag isip ka! Kung talagang may utak ka pa at may natitira pang kahihiyan sa katawan mong salot ka!"

Isang masakit na salita na naman ang sinabi ni Ninang Jill. Oo alam ko iyon tama sya hindi ko maibibigay amg pamilya na gusto nila para sa anak nila pero mahal ko sya...Mahal na mahal hindi pa ba sapat na mahal namin ang isat-isa.

" M-Mahal po namin ang isat-isa iyon naman po ang mahalaga sa isang relasyon hindi ba?"

Sabi ko na lang dahil para sa akin hanggang may pag mamahal kami para sa isat-isa alam kong magiging masaya kami, iyon naman talaga amg importante di ba?.

" Nag papatawa ka ba? Anong magagawa ng putanginang! Pag mamahal na yan! Sa tingin mo ba sapat na iyon? Okey na iyon? Wag mo akong patawanin Islaw...dahil hindi kailanman naging sapat ang pag ibig lang...oo tama sila sa sinabi nila na kayang gawin lahat ng pag Ibig...pero sa tingin mo pag nag sama na kayo wala ng mag babago? Wala ng mag iiba..kaya itigil mo na ang kakadikit sa anak ko at ilabas nyo sya!"

Sigaw ni Ninang Jill at mag sasalita pa sana ako pero hinawakan na ako ni Inay.

" Iho...wag ka ng mag salita pa kahit lailan hinding hindi magiging bukas ang isipan ni Jill sa ganitong usapin hayaan mo na sya"

Sabi ni Inay sa akin at tumahimik na lang ako.

" Para matahimik na kayo sige Sir pumasok layo sa loob ng bahay namin hanapin nyo si Carlos kung nasa loob sya"

Sabi ni Inay at agad naman na pumasok ang mga pulis sa loob at nag hanap kay Carlos.

Habang naiwan naman kami sa labas.

" Pag nakita ko ang anak ko sa loob, baka mapatay kitang salot ka"

Sabi ni Ninang sa akin pero hindi na lang ko umimik dahil wala rin naman silang makikita eh dahil wala naman si Carlos sa loob.

Maya maya ay lumabas ang mga pulis at agad naman tinanong nina Ninong at Ninang kung nakita ba nila si Carlos sa loob.

" Sir ano nasaan na ang anak ko? Sabi ko na nga ba at tinatago nila ang anak ko huliin nyo na sila sir!"

Sigaw ni Ninang at nag salita naman si Inay.

" Tumigil ka na Jill pinapahiya mo lang ang sarili mo dahil unang unang hindi naman tinatago ang anak mo at pangalawa wala dito si Carlos"

Sabi ni Inay at mag sasalita sana si Ninang Jill pero agad na sumabat amg Isa sa mga pulis.

" Ma'am wala po sa loob ang anak nyo, ni isang bakas na dumito sya ng ilang araw ay wala po kaming makita"

Sabi nito at natigilan si Ninang Jill at tumingin sa amin.

" Sinabi ko na po kanina Ninang Jill wala dito si Carlos...at wag po kayong mag aalala... Wala na po akong balak guluhin ang buhay nyo kung iyon ang gusto nyo"

Memories To Remember [BXB] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon