- 09 -

500 54 2
                                    

Islaw POV

Nagising ako ng maaga ng mapansin kong may mabigat na naka patong sa akin.

Ng minulat ko aking mga mata ay bumungad sa akin ang payapang mukha ni Carlos, naka tulog ito ng sobrang himbing, naka higa sya sa dibdib ko at sobrang higpit ng yakap nya sa akin.

Naalala ko tuloy kung pano sya umiyak kagabi,

At ngayon ko lang napansin na, Amoy alak pala sya... Kaya ba sya umiiyak kagabi dahil sa lasing sya?.

Inalis ko ang pag kakayakap nya sa akin at saka akong umupo sa kama.

Pakiramdam ko sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon, hays di ko kinaya ang iyakan namin kagabi... Pero nag tataka naman ako bakit naman ako umiyak ka gabi? Hindi ko nga alam ang pinag sasabi ni Carlos pero bigla na lang akong naiyak.

Hays siguro nahahawa na ako sa kanya.

Agad akong nag punta sa loob ng banyo at doon ay naligo, nag suot lang ako ng sando at short at saka ako lumabas ng kwarto, iniwan ko lang si Carlos doon at matanong ko nga lay Inay kung anong oras na umuwi si Carlos kagabi hindi ko na din napansin kung anong oras, saka gutom na rin ako dahil sa hindi ako nakakain kagabi.

Agad akong nag tungo sa kusina at nakita ko si Inay na nag luluto ngayon at nasa hapag naman si Itay na nagbabasa ng dyaryo habang umiinom ng kape.

Agad na yumakap ako kay Inay habang nag luluto Ito.

" Oh? Iho Gising ka na pala, nag lambing ata ang binata ko"

Sabi ni Inay at niyakap ko pang muli si Inay.

" Aba, Islaw baka naman pag nag asawa ka na hindi mo na ako yakapin ng ganito?"

Sabi ni Inay at saka lang ako umiling.

" Si Inay naman, pwede ba naman iyon kahit na may mga anak na po ako yayakapin ko po parin kayo"

Sabi ko sa kanya at ngumiti naman sya ng matamis sa akin.

" Oh sya doon ka na muna sa hapag samahan mo ang Itay mo at malapit na akong matapos dito"

Sabi sa akin ni Inay at tumango naman ako aalis na sana ako pero naalala ko, Tatanungin ko papala sya kung paano naka uwi Aag kupal na iyon kagabi.

" Ah...Inay ano na pong oras dumating si Carlos kagabi?...pano po iyon naka uwi?"

Sabi ko sa kanya at tumingin naman si Inay sa akin at nag iba ang expresyon nya sa tanong ko, tumingin din uli sya sa niluluto nyang adobo.

" Ah...Yung batang iyon, alas dose na ng madaling araw ng dumating iyon, lasing na lasing nga...natakot nga ako dahil nakaya nyang mag maneho pauwi dito, gusto ko sanang pag sabihan kaya lang ayun naman bigla na lang syang..."

Napahinto si Inay at tumingin naman ako sa kanya at nag abang sa sasabihin nya.

" Ng bigla na lang po ano na kasunod Inay?"

Sabi ko sa kanya at ngumiti naman sya agad sa akin.

" Ah bigla na lang nag suka, pero ng tutulungan namin sya sabi nya okey lang sya, saka nag tungo na sya sa kwarto nyo...Hindi ka ba nagising ng dumating sya?"

Sabi nya sa akin, at umiling naman ako ayokong mag sinungaling kay inay kasi.... ayoko munang pag usapan yung mga nangyari kagabi.

" Hindi nga po eh... nagulat na lang ako nasa tabi ko na sya"

Sabi ko sa kanya at tumango tango maman si Inay.

" Iho,mag sabi ka nga sa akin?...Nag away ba kayo ni Carlos?...Kasi pasin ko hindi kayo, sabay umuwi, at lasing pang umuwi si Carlos..iho ano bang nangyayari sa inyo?"

Memories To Remember [BXB] CompletedWhere stories live. Discover now