- 13 -

451 38 2
                                    

Third Person POV

Sa isang bahay isang masayang pamilya ang naninirahan ng masaya ang pamilya ni Carlos.

Masasabi mong isang napaka sayang pamilya ang meron sa kanila.

Pero dahil sa may problema sa matres ay hindi na nag karoon pa ng anak ang mag asawa.

At isang araw humihingi ng kapatid ang anak nilang si Carlos, ngunit malungkot na ngumiti lang ang mag asawa dahil sa sinabi ng nag iisang anak nila.

Dahil sa kagustuhan nilang mag karoon ng anak at kuya ang anak nila ay napag isipan nilang mag ampon ng batang lalake.

Hanggang sa habang nag lalaro ng tatlong Carlos sa hardin nila ay bigla syang tawagin ng kanyang Mama at Papa.

Kaya sali dali syang tumakbo upang salubungin ang  kanyang mga magulang.

Agad syang yumakap ay hinalikan sa pisngi ang mga magulang nya at masaya itong binati.

Habang masayang nakita ni Carlos ang magulang nya ay napa tingin sya sa isang bata na nag tatago sa likod ng kanyang Mama.

" Mama...sino po sya?"

Inosente nitong tanong sabay tagilid ng kanyang ulo nya.

Agad naman na tinawag ng Mama nya ang batang nasa likod nito, mas matangkad at mas matanda ito ng dalawang taon ito kay Carlos.

" Hindi ba, gusto mong mag karoon ng kapatid?"

Sabi ng Mama nya sa akin at tuwang tuwa naman na tumango ang batang si Carlos at gusto nyang mag karoon ng kapatid upang may kalaro sya sa araw araw.

" Sya ang bago mong kapatid Carlos sya ang kuya Jayson mo, mula ngayon ay tinuturing ka nyang nakababatang kapatid at ikaw naman ay ituturing syang kuya"

Sabi ng Mama nito at lumawak naman ang ngiti ni Carlos at dali daling niyakap ang batang si Jason, gulat na gulat naman si Jason sa ginawa ng batang si Carlos.

Ang buong akala ng batang si Jason ay hindi sya matatanggap ng anak ng mga umampon sa kanya. Ngunit laking gulat nya ng ganito ang turing nya sa kanya.

Tumigin ang batang si Carlos kay Jason at saka ito ngumiti ng ubod ng tamis kahit pa ito ay bungi dahil sa kakain ng matatamis na pag kain.

Sila ang naging mag kalaro, naging mag kaibigan at higit sa lahat ay naging mag kapatid.

Wala ng ibang hinihiling pa ang batang si Jason dahil sa mabait at maaruga ang mga umampon sa kanya at higit sa lahat meron syang kyut at mabait na bunsong kapatid...isang bagay na matagal ng pangarap mg isang batang nasa ampunan lang lumaki...Ang mag karoon ng isang pamilya

Naging maayos ang buhay nila at masasabi mong sobrang saya nila dahil sa nadagdagan sila ng isang kapamilya.

Kahit na parating wala ang mag asawa ay di na nalulungkot ang batang si Carlos dahil nandyan sa tabi nya parati si Jason ang kanyang Kuya.

Kasama nila sa pag lalaro ang anak ng kanyang ninang ang batang si Islaw. Na kakalipat lang noon sa bayan nila.

Simula noon ay silang tatlo ang naging mag kaibigan mg mga araw na iyon.

Lumipas ang taong at lumaki sina Jason, Carlos,at Islaw na mga matitikas na binata.

At dito nag umpisa ang hindi inaasahan ni Jason...Ang mahulog sya sa kinikilalang kapatid.

Bata pa lang sya alam nyang iba sya sa mga ibang bata dahil nag kakagusto sya sa kapwa nya lalake.

Pero dahil sa takot na palayasin sya ng mag asawa ay pinilit nya itong itago...at umakto biglang isang tunay na lalake.

Memories To Remember [BXB] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon