- 19 -

453 36 0
                                    

Islaw POV

Ilang linggo na ang nakaraan simula ng natagpuan ko uli si Carlos, sa ilang linggong lumipas ay naging payapa wng aming mga buhay dahil ni anino ni Ninang Jill ay hindi namin nakita na talaga namang pinag papasalamat namin.

Noong una ay ayaw pumayag ni Itay na dito pumalagi si Carlos dahil sabi nya si Carlos ang dahilan lahat ng mga nangyayari sa amin lalo na sa akin. Hindi naman intensyon na ipagtabuyan si Carlos ngunit iniisip nya ang sitwasyon namin kilala ko si Itay mabait sya pero kung papipiliin mo sya kung pamilya o iba mas uunahin nya ang pamilya nya dahil sa iyon ang mahalaga sa kanya.

Pero gaya ng sabi ko ay hindi pinag tatabuyan ni Itay si Carlos. Sa halip ay pinatuloy nya ito sa imbakan namin mg mga palay, Hindi naman mismo doon kundi sa kwarto doon dahil minsan ay doon natutulog si Itay para mag bantay. Malayo ito sa bahay namin malayo din daan kung sakali man na pumunta uli dito sina Ninang Jill ay wala silang mahahanap na Carlos dahil nasa malayo maman sya.

" Carlos yang kamay mo "

Suway ko kay Carlos at saka ko minulat ang mga mata ko at napa ngiti ako dahil unang bumungad sa akin ang mukha ng taong mahal ko.

Pero agad akong napa simangot ng maramdaman ko ang kamay nya pababa sa balakang ko.

" Magandang umaga Islaw"

Sabi nya sa akin at ngumiti sya ng malapad.

At inirapan ko lang maman sya sabay tapik sa kamay nya at mas lalo pang lumawak ang ngiti nya.

" Umagang umaga Islaw ang sungit sungit mo"

Sabi nga sa akin sabay yakap sa akin ng mahigpit at napa ngiti na lang ako dahil sa ginawa nya talagang alam nya na ang mga kahinaan ko.

Humarap ako sa kanya pero hindi na ako nagulat ng bigla nya akong hinalikan sa labi, dahil sa nakalipas na linggo ito ang una naming ginagawa pag kagising ang maghalikan hehehe. Siguro naging adik na rin ako sa halik nya dahil kung minsan talaga ako na ang naunang humahalik sa kanya.

Pag kalipas ng ilang minuto ay nag hiwalay din ang aming mga labi saka  ako naman ang ngumiti sa kanya.

" Tsk ikaw kasi kung saan saan napupunta ang kamay mo isusumbong kita kaya Inay"

Biro ko na lang sa kanya at saka ako tumalikod sa kanya at niyakap nya naman uli ako sabay lagay ng ulo nya sa balikat ko.

" Sana ganito na lang tayo parati no? Sana dumating din yung araw na hindi ko na kailangan na mag tago dito...at Hindi na natin kailangan matakot sa kung sino at sana dumating na rin yung araw na magiging asawa na kita"

Sabi nya sa akin at namula naman ako sa sinabi nya.

" A-Asawa ka dyan di naman ako babae para pwede tayong mag pakasal eh"

Sabi ko sa at saka medyo nalungkot din ako sa sinabi ko mismo para akong tanga na sinasaktan din ang sarili ko.

" Islaw naman kung hindi pwede dito eh di doon tayo sa ibang bansa alam mo naman doon bukas ang mga yao para sa mga katulad natin...hayaan mo Islaw ...pag natapos lahat ng ito? Yung kasal kaagad ang aasikasuhin natin"

Sabi nya sa akin at natawa naman ako.

" Kasal agad? Hindi ka pa nga nag propose sa akin eh"

Biro ko naman sa kanya at kumunot naman ang noo nya sa sinabi ko mukhang sineryoso nya ata.

" Hahahha biro lang iyon Carlos darating din tayo dyan "

Sabi ko na lang sa kanya at saka sya ngumiti.

Memories To Remember [BXB] CompletedWhere stories live. Discover now