- 02 -

972 76 1
                                    

Islaw POV

Hello! Ako si Islaw ang pinaka gwapong binata sa bayan namin yan ang sabi nila hindi ako ang nagsabi.

Nandito kami ngayon sa bahay at masayang nag kwe kwentuhan sina Inay at ang lalakeng tinatawag akong bayabas...mukha ba akong bayabas? At hindi ko maintindihan kung bakit nila pinipilit na kilala ko sya pero sa katunayan naman ay hindi ko talaga sya makilala..Hindi sa may amnesia ako ha? Pero na aalala ko pa ang kabataan ko pero wala akong maalala na kilala ko sya.

" Islaw ikuha mo nga ng maiinom ang kinakapatid mo"

Sabi ni Inay sa akin hindi na akong nag salita at nag punta na lang ako sa kusina.

Gaya ng sabi ko hindi mataas ang bahay namin dahil ayaw nga nina Inay na sabihin ng iba na nag mamalaki kami...kaya nga ang bahay namin ay bungalow lang sng estilo pero sa loob naman ay moderno ang mga gamit katulad ng , Aircon, rice cooker at kung ano ano pa...pero hindi namin ito masyadong ginagamit dahil sa sanay na rin kasi kaming mag laba malapit sa ilog at mag luto parin sa kahoy..gusto ito ni Itak dahil sa gusto nya namuhay lang kami ng payak.

May sarili namang gusali para sa aming alagang kalabaw at baka.

May taniman kami na syang kinabubuhay namin ngayon.

Agad akong nag timpla ng maiinom, pag katapos ay kumuha ako ng yelo sa ref at nilagay dito bago ko Ito dinala kina Inay at sa lalakeng kamuntik ng bumangga sa akin.

Pag lapag ko ng Juice ay agad na Sana akong aalis pero pinigilan ako ni Inay.

" Islaw iho, Hindi mo ba kakausapin ang kinakapatid mo? Pinaliwanag na nya ang nangyari sa akin humihingi sya ng kapatawaran...Hindi nya naman sinasadya"

Sabi ni Inay sa akin at nalukot ang mukha kong tumingin sa kanilang dalawa.

" Hindi basta basta ang ginawa nya Inay, paano kung nag kataon na nabangga nya ako? O di Lakas? Pano kung mamatay si Lakas maibabalik nya ba iyon pag nag kataon?...saka Inay di ba sabi ko sa inyo hindi ko sya kilala...at wala po akong naalala na kinakapatid...Hindi po ba kayo lang ni Itay ang kasama ko?"

Sabi nya sa akin at nalungkot naman bigla si Inay sa sinabi ko nataranta naman ako ng makita ko ang reaksyon ni Inay, Ang pinaka ayaw ko kasi sa lahat ay makita so Inay na malungkot lalo na at napaka masiyahin nyang tao.

" Ah eh Inay pasensya na po sa sinabi ko...sadyang mahirap lang po kasing kalimutan yung nagawa nya sa akin...totoo naman po na wala po akong naalala tungkol sa kanya...kaya wag na po kayong malungkot"

Sabi ko sa kanya sabay yakap sa kanya,ngumiti naman sya ng tipid sa akin at tumahimik sya ng ilang minuto na parang may iniisip.

" Talagang ginawa mo nga ang sinabi mo Islaw .. talagang kinalimutan mo nga sya"

Sabi ni Inay sa akin at nag tataka naman akong tumingin sa kanya sabay tingin sa lalakeng kaharap ko ngayon, nalulungkot din sya ng hindi ko sya maalala...Sino ba kasi sya? Kung kilala ko talaga sya di ba dapat unang kita ko palang kahit na ilang taon na kami di nag kita makikilala ko parin sya? Pero bakit wala akong maalala na nakasama ko sya?.

" Ninang Nicole hayaan nyo na po, siguro dahil halos ilang taon na rin ang nakalipas simula ng mag kita kami"

Sabi nya sa akin at sabay ngumiti sya sa akin pero sinamaan ko lang saya ng tingin.

" Sige na Islaw... Patawarin mo na si Carlos..Hindi naman nya sinasadya, kailangan nyong mag kasundo lalo na dito na muna titira so Carlos sa bahay"

Sabi ni Inay sa akin at lumaki ang singkit kong mata sa sinabi nya sa akin...Ang lalakeng ito? Dito sa amin titira ?.

Memories To Remember [BXB] CompletedNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ