- 20 -

555 34 3
                                    

Islaw POV

Agad naman akong nakarating pero pag bukas ng pinto ay nagulat ako sa nadatnan ko.

Hindi pwede! Carlos!!!!!

Gulat na gulat ako ng makita ko si Carlos hawak hawak ni Ninong Jhoniel. Habang may hawak hawak itong baril na naka tutok sa akin at sa likod nya ay ang naka ngisi na  si Kuya Jason. Tama sya ang dahilan kung bakit naging ganito ang lahat siniraan nya ako kina Ninang, pero hindi ko na sya dapat sisihin dahil wala akong mapapala lalo na kung sa sitwasyon na ito.

" Carlos! Okey ka lang!"

Nag aalala kong sabi sa kanya at mg tumingin sya sa akin at gusto ko na lang na umiyak habang yakap yakap sya. Dahil sa may dugong dumadaloy mula sa ulo nya.

" I-Islaw t-umakbo ka na...umalis ka na dito, wag mo akong isipin, ako lang ang pakay nila"

Sabi ni Carlos sa akin at umiling naman ako.

" Hindi ako aalis ng hindi kasama Carlos! Di ba sabi mo hindi mo ako iiwan? Di ba sabi mag papakasal pa tayo!? Kaya kung aalis ako kasama ka"

Sigaw ko sa kanya at parang natunaw ang puso ng makita ko syang umiiyak,

" Nakikiusap ako Islaw umalis ka na ayaw kong mapahamak ka pa dahil sa akin pangako hahanap ako ng paraan para hanapin ka uli para makasama ka uli kahit na ilayo pa nila ako,ako ang lalapit sa iyo islaw kaya tumakbo ka na!"

Sigaw nya sa akin at tumingin ako sa mga mata nya at ganun din sya. Ang dami kong taon na tiniis kahit na wala akong maalala ng nakaraan ko alam kong nag dusa ako dahil sa hindi ko sya nakilala nag dusa ako dahil sa nawalay sya sa akin.

Pero ngayong hawak ko na ang kamay, ngayong nandito na sya, ngayong kasama ko na sya saka ko pa ba sya pakakawalan uli? Hindi na!Hindi ko na sya papakawalan aalis kami dito ng mag kasama kahit na anong mangyari.

" hindi! Isasama kita Carlos aalis tayo!"

Matigas kong sabi at nagulat si Carlos sa sinigaw ko sa kanya pero naputol ang pag uusap namin ng may narinig akong palakpak mula sa tabi ni Carlos. Pag tingin ko ay si Kuya Jason ito na naka ngisi sa akin.

" Wow naman, ngayon pa talaga kayo ganyan? Masyado atang matamis dito sa lugar na ito Papa, tapusin mo yang salot na iyan Papa para mawala na ang salot sa buhay natin"

Sabi ni Kuya Jason kay Ninong Jhoniel at tumingin ako kay Ninong Jhoniel na gulat na gulat at wala itong emosyon na pinapakita sa amin.

" Papa wag! parang awa mo na sasama naman ako sa inyo , Basta wag nyo lang gagalawin si Islaw Papa"

Sabi ni Carlos at naka luhod pa ito sa paa ng kanyang sariling ama.

Pero akala ko maaawa si Ninong Jhoniel kay Carlos pero nagulat ako ng bigla nyang kinalabit ang gatilyo ng baril at napa sigaw ako ng malakas Nlng matamaan ako sa balikat ko.

" AHHHHH!"

Sigaw ko at napa kagat ako sa labi ko dahil sa sobrang kirot ng sugat ko.

" Islaw! Papa bakit! Nyo sya binaril!"

Sigaw ni Islaw at tumayo ito at sinapak ag sarili nyang ama as sobrang galit nya dito, pero napa singhap lang ako ngakita ko kung pano hampasin ni Ninong Jhoniel ng baril si Carlos sa ulo nito kaya napa dapa ito ng wala sa oras at nag suka na rin sya ng dugo.

" Papa tama na po wag nyong saktan si Carlos kahit na may nagawa syang masama anak nyo parin sya"

Sabi ni Kuya Jason at pinilit nya na hawakan si Carlos para tulungan itong tumayo pero tinapik na lang ito ni Carlos.

Memories To Remember [BXB] CompletedWhere stories live. Discover now