- 05 -

627 53 2
                                    

Islaw POV

" Uhm... Ah.. eh..."

Wala akong masabi at naka yuko lang ako habang naka upo aKo sa gilid ng kama ko ngayon.

Hays hiyang hiya ako sa ginawa ko kanina, tang*na! Ano bang nangyayari sa akin! Bakit ba kasi ko iyon ginawa bakit bakit!?.

***************************************

" Yung mga damit!"

Sigaw ko sa kanya at ng tatakbo na sana ako ay bigla akong napatid sa sanga g puno at namalayan ko na lang na naka patong ako kay Carlos at pareho kaming naka tingin sa aming mga mata.

Napalunok ako ng ilang beses habang naka tingin ako sa labi nya.

Shet! Nagiging manyak na ba ako bakit ko tinitigan ang labi nya nakakainis naman hindi pwede to uindi!.

Kahit na nag tatalo ang isip ko at katawan ko ay tumingin ako sa mga mata nya at ganoon din sya sa akin.

" Ah..eh...ah..eh"

Wala akong maisip na sabihin sa kanya basta nakatingin lang ako sa kanya.

At ganoon din sya sa akin walang gustong umiwas saamin pero ako na ang nag kusa na umiwas dahil sa nakakailang, saka bakit ba hindi pa ako tumayo ngayo'y ako itong nasa taas. Pero tatayo na sana ako pero napa tingin uli ako sa labi nya naman! Naalala ko na naman yung nangyari kaya siguro ako napatingin sa mapula nyang labi.. teka sinabi ko bang mapula ang labi nya hindi! Nahawaan na ako ng kamanyakan nya! Hindi to pwedeng mangyari...pero kasi yung labi nya- Hindi! kailangan ko ng tumayo.

Agad akong tumayo pero bigla kong na apakan ang paa nya kaya sya gumalaw.

Sa hindi inaasahan na pangyayari ay bigla uli akong natumba papunta sa direksyon nya kaya wala na akong ibang ginawa kunid ang ipikit ang aking mga mata at muli nag dampi uli ang aming mga labi.

Agad kong minulat ang mga mata ko at lumayo sa kanya.

Tumingin sya sa akin pero agad akong umiwas.

" K-Kung ganoon tara na umuwi na tayo baka hinahanap na tayo ni Inay"

Sabi ko sa kanya at dali dali akong lumabas ng tree house at tumakbo papalayo doon, bakit ganoon? Bakit tila naaakit ako sa mga mapula nyang labi, tsk kasalanan nya itong lahat eh hinawaan nya ako ng kamanyakan nya hindi naman ako ganito dati pero anong nangyari?.

Pero kung tutuusin kasalan ko naman kung bakit nangyari iyon dahil na apakan ko ang paa nya.

Hays ano bang nangyayari dapat kasi hindi ko na sya kinausap at inisip ko na lang sana na kamuntik nya na akong mabangga, sana okey lang ang lahat...pero kasi ng sinabi ni Inay na kilala ko sya doon ako nag karoon ng interes sa kanya kung ano ba ako dati at bakit hindi ko sya maalala.

Nag tataka ako kung sino sya sa buhay ko at bakit parang sa mga sinasabi nya ay talagang close kami sa isat-isa.

***************************************

" Pasenya na sa nangyari kanina,...basta kalimutan mo na iyon wala lang iyon, pareho naman tayong lalake kanya walang iyon"

Sabi ko sa kanya at saka ako tumingin sa kanya pero nagulat ako ng makita ko syang naka tingin sa akin ng seryoso yung hindi sya naka kunot noo, Hindi rin sya galit.

Memories To Remember [BXB] CompletedWhere stories live. Discover now