Chapter 7

102 9 0
                                    


"nandito ako sa labas ng condo. Nasaan ka ba?" inend ko ang tawag at tumingin nalang sa kahit saan. Nasa japan na ako at nakakainis lang na bunganga agad ni River ang naririnig ko.

  Nagsimula akong mag-type ng message kay Keint at sinabing magkita kami sa isang restaurant dito sa japan, pumayag naman siya kaya dumiretso na ako doon. Ilang oras lang na paghihintay ay nakita ko na agad ang nagmamadaling si Keint, may bag pang nakasakbit sa balikat niya, umupo siya kaagad sa harapan ko

  "Bakit biglaan naman ang flight mo?" tanong nito sa akin, para namang hindi alam ang dahilan ko

"Nag aalala ako..." pangunang sambit ko, lumabas naman ang ngiti nito at tinapik ako sa ulo

  "he's fine now, Ave. You don't need to book a flight pa papunta dito. 100 points for effort" natatawang sabi niya, sinimangutan ko naman siya. Tumawag naman siya ng waiter at nag order ng makakakain namin. Dala dala ko pa rin ang maliit na maleta ko

  "Hindi ko alam kung saan ako pupunta" panimula ko, napatingin naman siya sa akin pati na sa maleta ko

  "If it's okay with you, isasama kita sa tinutuluyan naming lima"

"ayokong magpakita sakanya" mabilis na sabi ko, muling lumitaw ang ngiti sa labi ni Keint, tignan mo ang mokong na 'to, mukhang nakakaisip na agad ng plano

  "Tingin mo ilang araw kang magsstay dito sa japan?" tanong niya,

  "2 days. Kailangan kong bumalik agad dahil hindi pa tapos ang shooting namin"

"then that' s good! I have a plan" sambit nito, dumating naman ang maruce na paunang order namin kaya nagsip muna siya bago magsalita

"Ano? Siguraduhin mong ayos 'yan"


"Ave.. I' m Keint! Keint na 'to. So here' s my plan. 2 days yung estimated stay mo sa japan. In 2 days hindi na kita pahihirapan na maghanap ng tutuluyan. You can stay with us, with Bien Parecido pero tulad ng gusto mo hindi ka magpapakita kay Zyair or kahit kay Jam na madaldal or Vester or kahit kay pinuno kasi sure na malilintikan din ako.." sambit niya sa akin, tumitig naman ako sakanya at pilit iniintindi ang mga sinasabi niya


"so paano?"

"sasabihin ko sakanila na ikaw yung girlfriend ko. Magsstay ka doon for 2 days kasi may business ka rin dito. What do you think?"

"Alam mo Keint malabo 'yan. Sobrang labo niyang iniisip mo. Ayokong gawin.."

➖➖

"sure bang hindi ako makikilala Keint? May nagbago ba sa itsura ko?" nakita kong natawa pa si Keint at napabuntong hininga

  "u told me a while ago na hindi mo gagawin yung naiisip ko, bakit ngayon game na game ka?"

"No choice. Nasa japan ako. Wala akong tutuluyan kung aarte pa ako"

Napapalakpak naman siya at napa-thumbs up pa. Napatingin ako sa salamin at inayos ang pekeng buhok at bangs ko. Naglagay din ako ng nunal sa bahagi ng mukha ko na mapapansin agad, parang walang nagbago sa akin, hindi ko alam! Kung makilala edi makilala!

  "Okay lang ba?"

"yup. Game?"

"Game!" sambit ko, kinuha niya naman ang maliit na maleta ko at siya na ang nagdala non. Nag commute lang pala si kumag kaya hassle.


Huminga muna ako ng malalim bago kinalabit si Keint, nasa harap na kami nung condo na tinutuluyan nila dito. Malaki yung condo at mas malaki pa 'to sa mansion nila

Still you, my Averraine [SharTin - COMPLETED] Where stories live. Discover now