Chapter 22

67 3 0
                                    

  Bawat oras ata hindi umalis sa tabi ko si Zyair. Tanging iyak pa rin ang ginagawa ko sa tuwing naaalala yung nangyari nung isang araw

  “Magiging okay din ang lahat, Avs" sambit ni Pinuno sa akin kaya ngumiti lang ako. Nasa rooftop kaming lahat at ako na rin ang nag-suggest sa kanila na samahan ako saglit na tumambay rito bago namin panoorin ang twba nila mamaya maya.

  “Pero grabe si River, sobrang grabe niya mag-mahal" usal ni Jam. Totoo naman, e. Sobrang grabe niya mag-mahal.

Iniiwasan kong buksan ang social media ko pero binalita na rin sa akin ni Keint na sobrang dami na ang nakikiramay, hindi ko rin magawang mai-chat ang pamilya ni River dahil alam kong 'pag nalaman nila ang dahilan, magagalit lang sila sa akin.

  “Hindi ko tatanungin kung ayos ka lang, kasi alam kong hindi. Utusan mo lang ako nung mga bagay na gusto mo, ha" bulong ni Zyair sa akin na 24 hrs ata kung mag-bantay sa akin.

  “Ako, Zyair. Gusto ko ng pizza. Order ka naman" sambit ni Vester, napangiti tuloy ako dahil sa sinabi nito, "Oh Zing! Ngumiti si Ave. Parang gusto ng pizza!"

Agad namang tumayo si Zyair at bumaba. Akala ko nga'y 'di susundin si Vester pero mukhang bibili nga siya ng pizza sa labas


  “Gagi, umorder talaga?" takang tanong ni Vester

  “Syempre. Kailangan ni Ave, e. Mabilis talaga si Zyair lalo kay Ave" sambit naman ni Keint, lumapit ito sa akin at ginulo gulo ang buhok ko

  "tahan na. May mga ganyang bagay talaga. Isipin mo nalang na masaya na si River at magiging ayos na ang lahat.. Teka Alam mo na ba kung bakit galit na galit si Jacob kay Zyair?"


  Lumingon ako kay Keint at napakunot ang noo, "Bakit ba?" tanong ko

  Dalawang araw na kasi ang lumipas at sa dalawang araw na iyon tanging pagkukulong sa kwarto lang ang ginawa ko

  “Yung kuya ni Zyair, which is yung kasama ng mommy niya sa Japan, yung taong gumamot sa mama ni Jacob pero namatay yung mama niya.”

  “e, bakit dinadamay niya si Zyair? Hindi ba siya marunong tumanggap?" tanong ko

  “Takot si Jacob sa mga ganong bagay. Takot siyang naiiwan. Kaya ganon nalang ang nagawa niya kay Lily, too much love will kill talaga. Yung galit niya sa kapatid ni Zyair, kay Zyair niya nabuntong lalo na nung nalaman niyang si Zyair talaga yung gusto nung taong mahal niya. Kay Zyair umikot ang mga pangyayari sa buhay ni gago kaya gano'n talaga" kwento ni Zyair

  Ngayon naiintindihan ko na,

"At isa pa. Makukulong na si Jacob at sure na hindi na iyon makakalabas"


Nabuhayan naman ako ng loob. "Eh si Alina?"

  "Maayos na si Alina. Nasa bahay na rin nila siya at nagpa-pahinga" sambit nito. Umaayos na pala ang lahat, e.

At si River ang naging savior ng lahat. Kung hindi siya dumating baka nawala na kami ni Alina.

  “Try to open your social media na rin. Sure akong marami na ang nagchi-cheer up sa'yo" sambit ni Jam. Kaya inilabas ko ang phone ko at ang tanging naagaw lang ng atensyon ko ay ang isang message na galing sa isang Mari Constancia


  Mari Constancia.

  Ave, pwede ba tayong mag usap? :) gusto ko lang sana na makausap ka.


  Nagulat pa ako nang bigla itong tumawag sa messenger. Video call.

  “Excuse me lang, ha. Kausapin ko lang yung mama ni River" paalam ko. Nagsibaba na rin sila at naupo sa sofa. Pumasok naman ako sa kwarto ni Zyair at sinagot ang tawag

Still you, my Averraine [SharTin - COMPLETED] Where stories live. Discover now