Chapter 10

68 2 0
                                    

   JAM;

   “Kailan niyo balak umuwi ng Pilipinas?" tanong ko sa kanila habang kumakain kami. Napa-tigil sa pagsubo ng noodles si Pinuno at nilingon ako

  “Bakit? You want to go home na?” tanong ni Pinuno, napa-oh naman sila Vester kaya sinamaan ko sila ng tingin

   “Sakin okay lang naman na umuwi na” sambit ni Zyair, napa-tingin naman ako kay Keint na naka-tingin sa phone niya.

  “Sagutin ko lang” sambit nito at lumabas na ng bahay. Kahit curious ako ay pinilit ko nalang na ibaling sa iba yung atensyon ko

  Ilang minuto lang ay pumasok na si Keint at dumiretso sa lamesa, nakatingin lang kaming lahat sa kanya kaya patanong pa ang itsura nito na lumingon sa amin

  "Sabihin mo nga sa akin! Nagka-balikan ba kayo nung ex mo? Yung sinama mo rito?" tanong ko, napa-takip naman ito sa bibig niya at tumawa tawa pa, walang tigil.

  “Alam mo Jam, kumain ka nalang"

  "Bakit? Nagka-balikan kayo 'no!" pang aasar ko, kaming dalawa lang ata ang nagsasagutan ngayon sa harap ng hapag kainan, pinagbawalan naman kami ni Pinuno kaya sabay kaming napa-tahimik.

  “Ayoko munang umuwi. Kahit after 2 weeks na siguro tayo bumalik ng Pilipinas." sambit ni Keint kaya tumango naman si Pinuno.

  Sabi ko nga, 2 weeks pa. Pinaningkitan ko ng mata si Keint at nang matapos kami kumain ay lumapit ito sa akin at pasimpleng bumulong, “Gusto mo malaman yung nalaman ko? Mag-hugas ka ng plato, ik-kwento ko sa'yo”

   Kahit 'di ako yung naka-toka sa hugasin ngayon, pinilit kong hugasan ang tambak na  pinag-kainan namin habang medyo padabog na ipinaparinig kay Keint' yon na nakaharap kay Pinuno na may binabasang magazine naman. Nasa itaas ata si Vester na mahilig sa strawberry at si Zyair Alleres.

  Mukhang may pinag uusapan na sila ni Pinuno pero 'di ko iyon marinig. Nakakaasar! Bakit ang tagal tagal ko mag-hugas ng plato!

  Nang matapos ako ay agad akong dumiretso sa sofa at tumabi kay Keint, lumingon ito sa akin na tumatawa habang takip takip pa ang bibig niya

 

  “Curious ka talaga, ano”

   “Sabihin mo na habang nag-titimpi ako” nakatitig pa ako sakanya kaya napa-tigil ito sa pagtawa, “Huwag ka muna ma-ingay”

  “So ano nga?”

  “Check your twitter account” pasimpleng sabi ni Pinuno kaya agad kong kinuha sa bulsa ko ang cellphone ko, “Twitter? Anong meron sa twitter?”

  “If you don't check it, hindi mo malalaman” si Pinuno ulit. Kahit naguguluhan ako ay agad kong binuksan ang twitter ko, halos ma-gulantang ako dahil sa nakita ko.

Halos nagkakagulo na pala ang mga a'tin at antis namin. At ano itong balitang ipinapakalat nila tungkol kay Zyair?!

  “Malinaw na ba?" tanong ni Keint, H-How? Bakit naman kumakalat ang balitang kagaya nito?

  “Kagagawan 'to nung tatay ni Lily. Kaya hindi pa oras para bumalik ng Pilipinas.” si Keint, tahimik lang si Pinuno habang naka-tulala. Bigla namang tumunog ang cellphone nito at mukhang dumagdag pa sa pagka-problemado ng mukha nito ang nabasa niyang message.

  “Tito Boy wanted us to join his program. Mag-TWBA raw tayo.” sambit nito, halos tumigil ang ikot ng mundo namin

Bakit sabay sabay naman ang bagsak ng problema kay Zyair? Bakit naman ganito kalaking issue ang ibinabato nila sa kanya at samin? Paano na.. ang career

Still you, my Averraine [SharTin - COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon