Chapter 13

64 3 0
                                    

   Averraine.

  "Ready kana ba?" tanong ni River sa kabilang linya, kahit pilitin kong maging handa sa premiere night, hindi ko magawa.

Hindi pa ako nakakaalis ng condo, sobrang bigat ng nararamdaman ko. Lahat kasi nabasa ko na. Lahat nung issue na ibinabato kay Zyair, nadadagdagan ng nadadagdagan lahat.

   “Ave, are you there?"

"a-ah River. Oo ready na ako."

  "Okay I'll pick you up." sambit nito at pinatay na ang tawag. Hindi ako mapakali, gusto kong puntahan si Zyair, gusto kong makita na okay siya pero naiinis ako dahil napipigilan rin ako ng responsibilidad ko

 
  To: Keint S.

  Kamusta si Zyair? Okay lang ba siya? Kayo? Kamusta kayo?

sent.

Naghintay ako ng ilang minuto pero wala pa rin akong natatanggap na reply. Narinig ko na ang kotse ni River kaya tumingin muna ako sa salamin bago lumabas.

  “Are you sure, you'll going to the Premiere night with that dress? Yung make ups mo? Ave! Yung eyes mo!"

"That's not important, River. Tara na"

  "Ave. Ano ba? Pwede bang mag ayos ka muna kahit saglit lang? Hihintayin kita. Please" sambit niya. Mukha nga atang haggard ako, kanina pa ako umiiyak. mula nung nabasa ko ang balita.

Pumasok na ako sa loob at nag ayos na, ilang minuto lang ay lumabas na rin ako habang nagtatanong pa rin sa isip kung tutuloy ba sa Premiere night o pupunta nalang kay Zyair.

  “Bakit ka umiyak?" tanong ni River habang nagda-drive. Tumingin lang ako sa bintana habang kinakagat ang kuko ko, hinawakan naman ni River ang kamay ko.

  “Alam kong sobrang apektado ka sa nangyayari sa kanila ngayon pero Ave, isa rin 'to sa importanteng bagay sa buhay mo. Huwag mong ipag-palit para kay Zyair" sambit nito. Inialis ko ang kamay ko sa kamay niya at tumingin lang sa bintana

  Nag-vibrate naman ang phone ko at agad na tinignan iyon

From: Keint S

He's not good, Ave. Actually lahat kami hindi okay pero we got this. Isipin mo muna yung premiere night mo. :) Thank you for being there for us.

Goodluck.

Napa-titig ako ng ilang segundo sa cellphone ko. Parang tumigil saglit ang mundo ko. At ang tanging naiisip ko lang ay bumaba sa kotse na 'to at huwag nang tumuloy sa Premiere night.

They need me. Kailangan ako ng Bien Parecido, kailangan ako ni Zyair Alleres.

  "River, stop the car." bulong ko

  Napa-tingin siya sa akin at hindi manlang ginawa ang iniutos ko

  "River, please. Stop the car" hinahabaan ko ang pasensya ko para hindi ko siya masigawan ngayon

  “Av—"

" JUST PLEASE STOP THIS FUCKING CAR." sigaw ko, hindi naman siya nagpatinag at patuloy lang sa pagddrive

  “Ave please. Ano bang iniisip mo?!”

"River I'm sorry. Sorry talaga. Hindi ako sasama sa'yo." sambit ko

Sumama ang timpla ng mukha ni River habang nakatingin sa daan. Huminga pa ito ng malalim bago nagsalita..

"Ave, seryoso ka ba?! Hindi ka nag-iisip ng tama! Pwede bang 'wag mo paganahin ang puso mo ngayon?!" sigaw niya sa akin. Wala akong ibang maisip ngayon kundi puntahan si Zyair. Si Zyair lang.

"Kapag pinuntahan mo si Zyair ngayon? Ano sa tingin mo maiisip ng ibang tao?" tanong niya sa akin. Wala na akong pake sa sasabihin ng iba. Nabuhay akong may sinasabi silang lahat kaya bakit ko pa iisipin iyon.

"River ang dali lang kasi sa'yo, e! Napakadali kung titignan sa pwesto mo! Nasa tuktok ka na, ngayon nakikita mo na nasa ilalim na sila! Career na ng Bien Parecido ang nasisira! Ngayon lang ako kailangan ni Zyair. " sambit ko, halos tumulo pa ang luha ko habang sinasabi 'yon. Never naman ako naintindihan ni River at naiinis ako dahil hindi na siya yung River na naiintindihan ako noon.  Pina-hinto ko ulit sa kanya ang kotse kaya wala siyang nagawa kundi ihinto ito sa gilid. Tinanggal ko ang seatbelt ko at lumabas ng kotse niya, lumabas rin siya at sumabunot pa sa buhok niya

Averraine! putangina naman, e." sigaw niya, kasabay non ang pag sipa niya sa gulong ng kotse niya

"River, please." sambit ko

"Nung panahong kailangan mo si Zyair, nasaan siya? Wala siya para sa'yo! Tandaan mo 'yan" sigaw nito pero tumakbo na ako paalis at hindi na siya nilingon pa.

Nag abang rin ako ng bus at sumakay. Maraming nakatingin sa akin at ang iba ay nagbubulungan pa. Kumukuha rin ng litrato ang iba pero wala akong pake. Gusto ko nalang na pumunta kala Zyair para gawin ang lahat para maging ayos sila.



  From: River

Ave, please. Sumipot ka naman sa premiere night. I'm so sorry for shouting kanina. :( After this I won't be a hindrance na. Please I need you here.


Napa-buntong hininga ako at 'di na namalayan na nasa gate na pala ako nung village nila. Maraming reporters sa gate kaya wala akong nagawa kundi itago ang sarili ko at magtatakbo papunta sa mansion nila.



Bukas naman ang gate nila, inaasahan kong naka-lock ang pinto nila pero hindi. Naabutan ko lang sila na nag uusap usap

 

  “Zyair!” sambit ko, lahat sila ay naglingunan sa akin, lumapit ako kay Zyair at niyakap siya. Ramdam na ramdam ko kung paano niya higpitan ang yakap niya sa akin

“Ave..” bulong niya

  “Hindi mo kasalanan ang lahat nung nangyayari, naniniwala ako sa'yo” sambit ko at tinapik tapik ang likod niya.



  I'm sorry kung sobrang late ko na. Pero nandito na ako, Zyair. Hinding hindi na rin ako matatakot na humarap sa'yo at hinding hindi na ako aalis sa tabi mo.

Still you, my Averraine [SharTin - COMPLETED] Where stories live. Discover now