Chapter 16

56 4 0
                                    


Ave.

  To: Alina.

  Mag-usap tayo.

sent.

  Napa-lamukos nalang ako sa mukha ko habang hinihintay ang pag tunog ng cellphone ko. Paano kung hindi nga makipagkita sa akin si Alina ngayon?


From: Alina

  Ave, sobrang dami kong gustong sabihin sa'yo. Pwede bang sa bahay niyo nalang tayo magkita? Hindi ako pwedeng makita ng kahit na sino sa labas. sure akong pinapasundan na ako ni Jacob.



  Napa-buntong hininga nalang ako at tumayo na. Nakasalubong ko pa si Vester na nakangiting kumakain ng strawberry

  “Saan punta mo?" tanong nito

" Sa bahay"

  “Sa condo ba?" tanong nito

"sa bahay ko mismo."



  "pero wala pa sila Zyair. Hindi ka ba muna magpapaalam kay bunso? Baka kasi hanapin ka no'n. Alam mo naman 'yon, simula nung napunta ka dito, halos hindi na umaalis sa tabi mo." sambit niya.

Ilang araw na rin ako dito sa Parecidos mansion. Medyo humuhupa na rin ang gulo sa social media. Pinapalamig nalang talaga ang ulo ng mga tao na nagagalit dahil sa balitang kagaya no'n.

At tama si Vester, simula nung nandito ako hindi na umalis sa tabi ko si Zyair. Para siyang koala na laging gustong nakakapit sa akin. Natutuwa nalang rin ako minsan. Ngayon lang rin siya nakaalis ng bahay kasama si Pinuno, Jam at Keint.

  “hindi na, Vester. May immeet din kasi ako" sambit ko, napababa naman siya sa strawberry na isusubo niya sana

  "Teka, magpapalit lang ako. Sasamahan kita" sambit niya. Ngumiti naman ako kaya nagmamadali itong umakyat sa taas. Hindi ko na rin siya hinintay dahil nagmadali na akong umalis nang hindi siya kasama.

Kung ano man ang kakaharapin ko ngayon, ayos lang. Wala naman akong pake. Gusto ko nalang talagang luminis ang pangalan ni Zyair sa lahat, ang pangalan ng Bien Parecidos at maging maayos na ulit ang lahat.



  Nang makarating ako sa bahay ko, nakita ko na agad ang isang babaeng nakatalikod habang nakasuot na black jacket. Tinapik ito kaya gulat itong lumingon sa akin at lumapit


  “Ave. I'm sorry. Please patawarin mo na ako. Hindi ko sinasadya yung mga kasalanan ko before." sambit nito sa akin, tumango naman ako at tinapik siya,

"okay na, Ali. Ang gusto ko nalang ngayon is matulungan mo 'ko. Tutulungan mo naman siguro ako di'ba?" tanong ko

 
"I'll help you, Ave. Nag-promise na rin ako kay ate na gagawin ko lahat to help you and also the Bien Parecidos"



Iniabot na ni Alina sa akin lahat, isang bag na kulay itim ang dala nito na naglalaman nung mga video tapes ni Lily na makakapagsabi ng totoo.


  "Ate also wrote everything on her diary. Pwede na 'yan magamit para maging proof na walang ginagawang masama sa kanya si Zyair."



  "Alam kong minahal rin siya ni Zyair, Ali. Kaya alam kong hindi talaga magagawa ni Zyair ang mga bagay na binibintang sa kanya"



Nang matapos kami mag usap ay tinawagan na rin niya ang lawyer niya na tutulong sa amin sa korte. Nagpatawag na rin siya nung mga reporters at ako na mismo ang nagsabi na magpapa-press con ako for Bien Parecidos.



  “Alina, thank you for your help."



"You don't need to thank me for this, Avs. Sobrang dami kong nagawang kasalanan sa'yo, sobrang liit pang bagay nitong pagtulong ko kung tutuusin."



  "Sana maipanalo natin 'to"



  "Ave. Swear ako na ang bahalang umayos sa korte. Yung presscon na ang isipin mo. Isasama mo rin sila Zyair doon. Sure ako na magsasalita rin si daddy sa media. Alam kong any minute now magigising na siya sa katotohanan.. malalaman niya na yung nangyari sa favorite daughter niya" sambit nito.



  “I'll watch Lily's clip later, Ali. Thank you for your help" bulong ko, parehas na kaming lumabas ng bahay at nagpaalam sa isa't isa. Hindi pa ako nakakalayo ay naramdaman ko na agad na may humawak sa kamay ko, gulat pa akong napa-tingin kung sino ito. Takot rin ang unang naramdaman ko na naglaho rin nang makita kung sino ang lalaking nasa harap ko



  “Zyair.."


"Akala ko kung san kana napunta" sambit nito. Niyakap niya ako nang mahigpit.


  “Saan naman ako pupunta" bulong ko



  "Baka kasi mapano ka dahil sa akin, baka umalis ka ulit nang walang pasabi"



  "Zyair, ikaw ang nang iwan sa akin remember"



  "pero ikaw yung nagpunta ng baguio." sambit niya sa akin natawa naman ako at bumitaw sa pagkakayakap niya.



  “Ave. Huwag mo na kami problemahin"


  “Bakit naman?" tanong ko


" Ayoko kasi na nahihirapan ka sa mga ganitong bagay. Amin na 'to, Avs. Hindi mo na kailangang tumulong ng sobra"



  “Zyair.. Paulit ulit nalang ba?"


"Eh paano nalang pag may taong gumawa ng masama sa'yo dahil sa akin?"


"edi okay lang!" sagot ko


  "Hindi naman okay para sa akin" sambit niya, natawa naman ako at pasimple siyang hinawakan sa tenga



  "Umuwi na tayo bago pa tayo mapa-parazzi" naglakad na kami sa kotseng dala niya at sumakay na.


Ikinabit niya naman sa akin ang seatbelt at gulat pa akong napa-tingin sakanya ng bigla niya akong halikan sa pisngi ko


  "That's your reward for today"



  "Reward?" tanong ko



  "Sinabi mo kay Vester kung saan ka pupunta, e. Kung sakaling sinama mo siya baka hindi lang sa pisngi 'yang halik na' yan" sambit niya at tumawa pa ng nakakaloko. Tumitig naman ako sakanya habang tumatawa siya at hinawakan ang dalawang pisngi niya at inilapit papalapit sa labi ko ang labi niya.


  “That's your reward for today, Zyair" sambit ko, "kasi nahanap mo ako"



Bigla siyang nagulat, halatang hindi pa nagpprocess sakanya ang pangyayaring nagawa ko. Bigla tuloy ako nakaramdam ng hiya sa kanya, parang gusto kong tumalon sa bintana ng kotse niya kahit 'di ako kasya.


Ilang minuto pa ata siyang nakatulala habang hawak ang labi niya na parang bata. Pasimple pa niyang sinampal ang sarili niya at nakangiting nagmaneho na



  "Palagi na kitang hahanapin para laging may reward" malokong sabi pa nito na nag iwan ng malakas na tawanan sa kotse.




Still you, my Averraine [SharTin - COMPLETED] Where stories live. Discover now