Prologue

414 10 5
                                    

"Ave, seryoso ka ba?! Hindi ka nag-iisip ng tama! Pwede bang 'wag mo paganahin ang puso mo ngayon?!" sigaw ni River, wala na 'kong ibang naiisip ngayon kundi ang puntahan ang Bien Parecido, ngayong araw ang Premiere Night ng Movie namin ni River pero iisa lang ang nasa isip ko, yun ay si Zyair. Kailangan ako ni Zyair ngayon

"Kapag pinuntahan mo si Zyair ngayon? Ano sa tingin mo maiisip ng ibang tao?"

"River ang dali lang kasi sa'yo, e! Napakadali kung titignan sa pwesto mo! Nasa tuktok ka na, ngayon nakikita mo na nasa ilalim na sila! Career na ng Bien Parecido ang nasisira! Ngayon lang ako kailangan ni Zyair. " matigas na sabi ko, pinilit kong ipa-hinto sakanya ang kotse kahit na labag sa loob niya. He stopped the car kaya agad akong bumaba, narinig ko rin na bumukas ang door ng kotse niya.

"Averraine! putangina naman, e."

"River, please."

"Nung panahong kailangan mo si Zyair, nasaan siya? Wala siya para sa'yo! Tandaan mo 'yan" hindi ko na siya ni-lingon pa at nagmadaling nagtatakbo para mag-abang ng bus, wala akong suot na face mask at naka-heels pa ako ngayon. Alam kong marami ang makakakita sa akin at marami ang kukuha ng litrato pero isa lang ang nasa utak ko.

Kailangan ako ni Zyair ngayon.

_________________________________________________

"I'm sorry" usal ko, napatingin sa akin si Keint habang namumula pa ang mata. Tinapik ako nito sa balikat,

"Hindi mo kasalanan, Zyair."

"Hindi ko kasalanan?! Keint career na natin ang nasisira! Ayokong idamay kayo pero puta hindi ko alam, bakit ganito!"

"Bunso, kalma" usal naman ni Vester na may dala pang baso ng tubig. "Hindi mo kasalanan."

"Nag-spread na sa lahat yung rumor na nasa club ako habang may dalang drugs. Nag-spread na din sa lahat na ako ang may kasalanan kung bakit nasa hospital si Lily at hanggang ngayon unconscious pa rin! Tingin niyo hindi ko kasalanan?" napa-sigaw na 'ko habang pinipigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Hindi mo magagawa ang mga bagay na gaya non, Zyair" sambit ni Pinuno.

"Ano na mangyayari satin ngayon." bulong naman ni Jam.

Wala na! Nasira ko na ang matagal naming pinaghirapan. Hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko na alam.

"Zyair!" napatingin ako sa kararating lang at nakita si Ave, sa telebisyon ko nalang siya nakikita pero hindi ako makapaniwala na nandito siya sa harap ko

"Ave.." bulong ko, agad itong lumapit sakin at niyakap ako, naramdaman ko nanaman ang pakiramdam na may kasama ako, naramdaman ko nanaman ang pakiramdam na parang nakauwi na ako sa totoong bahay ko.

"Hindi mo kasalanan ang lahat nung nangyayari, naniniwala ako sa'yo" bulong nito dahilan para bumagsak lahat ng luhang matagal ko nang pinipigilang tumulo.

I'm still waiting for that day na babalik ka sakin at 'di ko akalain na ngayon ang araw na 'yon dahil kung ako ang tatanungin ikaw parin Averraine, Still you, My Averraine.







Hi! May book 1 ito mga sis, yun yung reaching, Mr. Zyair Alleres :) sobrang messed up ng kwento here tsaka don sa una, ewan q ba ang gulo kasi Hahahahaha thank u for reading!
➖➖➖➖➖

so hi! bare with me huhu may online classes pero i-uupload ko na itong prologue. So sana mahintay niyo, thank you!

p.s Kathang isip ko lamang ang lahat ng 'to. lalim, anw thank you! <33

Book 2 na tayo, yes!

Still you, my Averraine [SharTin - COMPLETED] Where stories live. Discover now