Chapter 12

57 3 0
                                    

  Vester


   “I'm home." sigaw ni Keint, napatingin naman ako sa kanya


  “You're home na, hindi na Keint?" sambit ko, napanguso naman ito


  "nyenye"


Lumakad naman ito at naupo sa sofa. Inikot rin ang buong paningin niya sa mansion, "anyway nasaan yung iba?"


  "Dahil late ka umuwi ng mansion, Sila Jam at Pinuno na ang umalis." sambit ko


  "Sumama ba si Zyair sakanila?" tanong niya



  "May pinuntahan lang si Zyair, saglit. Hindi ko alam kung saan, e"




  Ibinulsa ko na saglit ang phone ko at tumabi kay Keint. Nakipag-kwentuhan lang rin ako sa kanya nang kung anu-ano.



  "saan ka ba galing?" tanong ko kay keint. Nung una ay ayaw pa niya sumagot ng matino pero sa huli ay sumagot rin



"Ave"



  "Ah kala Ave lang pal— AVE?! AVERRAINE? Averraine natin? I mean ni Zyair?" gulat na tanong ko, napa-tango naman ito sa akin



  "What. Teka bakit ikaw lang pwedeng makipag-kita sa kanya? Bakit kami bawal? Bakit ayaw niyang pumunta rito?" sunod sunod na tanong ko, natawa naman ito



  "Alam mo sa japan, nakasama mo na rin si Ave. Hindi mo lang alam" bulong nito


"Ha? True ba?!" tanong ko, natawa naman siya at tumango tango lang. Magsasalita pa sana ako pero binuksan na nito ang television at nanood ng kung ano.




Isang oras lang rin ang itinagal nila Pinuno at Jam sa paggrocery. Nagluto na rin sila ng ulam namin at hinintay si Zyair na umuwi



  "Stell Vester, saan ba kasi pumunta si Bunso?" puno ng pasensya na tanong ni Pinuno, napa-kibit balikat nalang ako. Hindi ko naman kasi talaga alam.



Nag-ring naman ang cellphone ko kaya sinagot ko iyon. Si Bunso na ang tumatawag




  ["Hello, Kuya"]


  May iba sa boses ni Zing. Parang takot na hindi mo maintindihan. Nakatingin lang sa akin silang tatlo.


  "Zyair, nasaan ka na?"



[Kuya. Natatakot.. ako]



  "Huh? Bakit? Teka nasaan ka ba?"



  [Kuya baka dahil sakin matapos na lahat nung pinaghirapan natin. Hindi ko na alam ang gagawin. Ayoko na, ayoko na.]


  "Zing ano ba?! Ano bang sinasabi mo?"


  [Uuwi na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.]


  "Zyair please, umuwi ka na. Aayusin natin dito sa bahay lahat, lahat nung gumugulo sa utak mo” sambit ko at pagkatapos no'n ay namatay na ang tawag



  Hindi ako mapakali. Tanging" pauwi na si Bunso" lang ang linyang paulit ulit kong binabanggit kala Pinuno.


Ilang minuto lang ay narinig ko na agad ang pag bukas ng gate. Tama ang hinala ko na si Zing na ang dumating. Magulo ang suot nitong damit. May pasa ang gilid ng labi at ang kanang mata nito ay may sugat na malapit na rin maging pasa


  "Zing!" sigaw ni Jam, lumapit ito agad kay Zyair at tinulungan si Zyair na maiupo sa sofa. Agad kaming lumapit sa kanya. Kumuha naman si Pinuno ng malamig na tubig at ipinainom iyon sa kanya



Still you, my Averraine [SharTin - COMPLETED] Where stories live. Discover now