Chapter 5

109 8 1
                                    


Zyair.

Ang sakit ng ulo ko! amp! Ano bang kagaguhan nanaman ang ginawa ko kagabi.

  "Sasabihin ba natin kay Zyair?" napatingin ako sa pintuan ko nang marinig iyon, alam kong nasa bandang pinto ko lang sila at nag uusap usap.

"Jam anong sasabihin mo? na trending ngayon si Zyair kasi nakipaghiwalay siya sa anak nung CEO? nakipaghiwalay siya kay Lily na spoiled brat at gustong nasusunod lagi ang gusto?" alam kong si Vester ang nagsalita, ginulo ko ang buhok ko at pinakinggan lang sila na nagbabangayan sa labas

  "Kung bakit naman kasi pinasok ni Zyair ang gulo na 'yon! Bakit kasi si Lily pa ang napili" si Jam

"Naintindihan mo naman ang sinabi ni Zyair diba? Pinili niya si Lily para hindi na madamay sa gulo si Ave, in short mas pinili niya lang ang kaligtasan ni Averraine kesa mapahamak sa bruhildang 'yon"

"Wow coming from you Keint? Hindi ako makapaniwala! Parang nung una nagagalit ka pa kasi nasaktan si Averraine na naging crush mo!" pang aasar ni Jam, natawa naman ako at napatingin nalang sa cellphone ko

tama nga sila, pangalan ko ang nasa trendlist ngayon! Ano pa nga bang magagawa ko? Edi hayaan at i-off nalang ang cellphone ko hanggang mawala na ang issue,

"I'll ruin your career! sisiguraduhin kong masisira ang career mo!"

fuck. Ayokong mangyari ang bagay na 'yon at hindi ako papayag na mangyari 'yon!

  "Pinuno, bakit ang tahimik mo?" muli akong napatingin sa direksyon ng pinto

"What if we go to japan right away? I mean today? This will also help Zyair to calm his mind, what do you think?" si Pinuno

"Gusto ko 'yan!" excited na sigaw ni Jam. Nakita ko naman na may nagpihit na ng doorknob ko kaya agad akong nahiga at nagkunyaring tulog

"Pack your things. Ngayon na tayo umalis"

Narinig kong naglakad na sila paalis. Napaupo naman ako at hindi maitago ang ngiti. Hanggang ngayon ako pa rin ang iniisip nila. Utang ko sakanila lahat



  "Okay na ba kayo?" nasa airport na kami at magkakatabi, naghihikab pa ata ako habang hinihintay ang flight namin. Naramdaman kong tumabi sa akin si Vester at tinapik ako sa likod

  "Pwede mong sabihin sa akin yung problema mo, ha"

"Alam ko" bulong ko

"So anong problema?" sabi na nga ba! Kukulitin ako ng isang 'to at hindi siya titigil hangga't 'di nalalaman ang problema ko.

Anong sasabihin ko? na natatakot ako dahil sa sinabi nung tatay ni Lily? na nanganganib masira yung pinaghirapan namin dahil sa akin? puta

"Gusto mo malaman problema ko?" bulong ko, inilapit naman niya ang tenga niya sa bibig ko

"ano?" tanong nito, pinigilan kong matawa dahil nauuto ko ngayon si Vester.

"Ang kagwapuhan ko." halos mahampas ako ni Vester dahil sa pagkairita, pero agad lang nito akong inakbayan at inilapit sakanya, "alam kong mabigat 'yang problema mo kaya nagkakaganyan ka, ipagdadasal nalang kita ha"


3 hrs lang ata nakalipas ay nakarating na rin kami
  sa Narita, ito yung main airport sa Japan. Nakakapit lang sa akin si Vester at kada minuto ata nagtatanong kung ayos lang ako. Dumiretso kami agad agad sa lugar na pagsstayan namin at si pinuno na mismo ang nag ayos ng mga schedules ng events namin na gagawin sa Japan. Excited na 'ko at kinakabahan.



Still you, my Averraine [SharTin - COMPLETED] Where stories live. Discover now