Chapter 15

70 7 0
                                    

Sobrang sakit, sobrang hirap na.

  "I'm sorry" usal ko, napatingin sa akin si Keint habang namumula pa ang mata. Tinapik ako nito sa balikat. Bawat lingon nito napapansin kong nagpupunas siya ng mata. Katulad ko, mahal na mahal ni Keint ang grupo namin. Mahal na mahal niya ang pagpe-perform.

"Hindi mo kasalanan, Zyair." sambit niya, pero habang sinasabi niya 'yon, naiinis na ako sa sarili ko.

Kahit naman sabihin kong hindi ko kasalanan, parang kasalanan ko na rin. Kung hindi ako nagpunta ng bar, kung hindi ko hinawakan yung bagay na iyon, kung hindi ko inilapit ang sarili ko kay Lily Echavez. hindi mangyayari lahat ng 'to ngayon

"Hindi ko kasalanan?! Keint career na natin ang nasisira! Ayokong idamay kayo pero puta hindi ko alam, bakit ganito!"

"Bunso, kalma" usal naman ni Vester na may dala pang baso ng tubig. "Hindi mo kasalanan." ininom ko ang tubig na ibinigay niya sa akin.


"Nag-spread na sa lahat yung rumor na nasa club ako habang may dalang drugs. Nag-spread na din sa lahat na ako ang may kasalanan kung bakit nasa hospital si Lily at hanggang ngayon unconscious pa rin! Tingin niyo hindi ko kasalanan?" napa-sigaw na 'ko habang pinipigilan ang pagtulo ng luha ko.

Kahit alam ko sa sarili kong wala akong kasalanan, kung iyon ang nakikita ng tao sa akin. Wala akong magagawa.


  Nag-vibrate naman ang cellphone ni Pinuno at nakita ko kung paano mas lumungkot ang mukha nito

  “Lily is dead, Zing. Wala na si Lily" sambit ni Pinuno. Alam kong tapos na 'pag gano'n. Wala nang mangyayaring laban. Wala ng tatayo sa side ko para patunayan na wala akong kasalanan. Masisira na lahat– sira na pala. Sira na ang lahat dahil sa akin. Dahil sa akin.

"Ano na mangyayari satin ngayon." bulong naman ni Jam.


Wala na! Nasira ko na ang matagal naming pinaghirapan. Hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko na alam.

  Gulong gulo na ang utak ko. Wala na akong liwanag na nakikita. Gusto ko nalang tumakbo...


 

"Zyair!" napatingin ako sa kararating lang at nakita si Ave, sa telebisyon ko nalang siya nakikita pero hindi ako makapaniwala na nandito siya sa harap ko.

Para akong nakakita ng pag-asa.


"Ave.." bulong ko, agad itong lumapit sakin at niyakap ako, naramdaman ko nanaman ang pakiramdam na may kasama ako, naramdaman ko nanaman ang pakiramdam na parang nakauwi na ako sa totoong bahay ko.

"Hindi mo kasalanan ang lahat nung nangyayari, naniniwala ako sa'yo" bulong nito dahilan para bumagsak lahat ng luhang matagal ko nang pinipigilang tumulo.



With just her words, dahil sa yakap niya. Parang nagkaroon pa ng chance na lumaban at magpatuloy.


  Sobrang tagal ko atang iniyak sa balikat ni Averraine lahat. Sobrang tagal ko siyang yakap yakap.

  Nang mahimasmasan ako ay napansin ko nalang siya na nakangiti habang yinayakap rin sila Pinuno, Vester, Keint at Jam. She's our ray of sunshine. Siya ang liwanag namin sa nakakatakot na dilim.

  “We will fight for justice, Zing. Ipapakita natin sa lahat na mali sila. Na wala kang ginagawang kasalanan." puno ng paninindigan na sabi niya.

" Paano?" tanong ni Jam.

"Basta, maniwala kayo sa akin. Ako na ang bahala sa lahat." sambit niya at tsaka ngumiti ng malaki sa akin.




Still you, my Averraine [SharTin - COMPLETED] Where stories live. Discover now