Chapter 3

95 5 0
                                    


"galit ka pa rin?" kinukulit na 'ko ni River hanggang ngayon sa set, nakatitig lang ako sa kawalan habang iniisip ang mga numero ni Keint, hindi ko na maibabalik ang number nitong nabura, hindi ko rin hawak ang account ko sa kahit anong social media dahil manager ko mismo ang may hawak nito.

 
  "Ave. Ginawa ko 'yon para hindi ka na rin mamroblema sa kanila, hindi mo responsibilidad ang Bien Parecido, okay? Mag-focus ka sa career mo."


career career puro career! Hindi na 'ko masaya. Para akong robot na kino-control palagi. Gusto ko nalang manumbalik lahat sa dati, yung panahong hindi ko pa alam na iisa lang si Larkin at Zyair.


    3pm na nung matapos kaming magreview nung script. Mamaya lang 6pm ay pupunta na kami sa susunod naming location, hindi ko rin alam kung saan at wala akong gana na tanungin pa sakanila iyon



  "Ako na magdadala niyan" kinuha ni River mula sa akin ang bag ko, isinakbit niya ito sa balikat niya, "Sorry na" sambit pa niya at nagpa-amo pa talaga ng mukha


  "Kukunin ko ulit yung number niya, wag ka na malungkot diyan" napa-buntong hininga nalang ako at tumango.


  Ilang minuto lang ng pagbyahe ay nakarating na kami sa location namin, madilim na kaya hindi ko na masyadong maaninag kung saang lugar 'to


  Nakita ko ang isang bench sa 'di kalayuan kaya nagpaalam nalang din ako kay Direk na uupo muna doon, hindi naman na din sila nagbigay ng atensyon sa akin dahil minamadali na nila ang pagsisimula. Inilibot ko ang paningin sa buong lugar at pinanood nalang din sila sa di kalayuan


  "Gusto mo?" nagulat ako nang may kamay na nag-abot sa akin ng isang ice candy. Napa-kunot ang noo ko at inangat ang tingin ko, halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang makita sa harap ko si Jam at nasa likod nito si Keint.


  "A-Anong ginagawa niyo dito?!" gulat na tanong ko, inilagay ni Jam sa palad ko ang ice candy at naupo sa tabi ko


"sabi na nga ba, ikaw 'yan! Hindi talaga pumapalpak ang instincts ko!" sambit niya pa at parang proud na proud pa sa sarili niya


  "Alis nga!" sabat naman ni Keint at tinulak siya paalis sa kinauupuan niya, umupo naman si Keint sa pwesto ni Jam at tumingin sa langit


  "Kamusta na? Grabe ka Ms. Averraine!" pang aasar ni Jam, natawa naman ako at nginitian siya


  "Ano ngang ginagawa niyo dito?" muling tanong ko, napakunot noo naman si Keint


"Village namin 'to, Ave. Doon lang ang Bien Parecido Mansion, nalimutan mo na ba?" sambit ni Keint, nanlaki tuloy ang mata ko. Madilim kasi kaya hindi ko naaninag, nakakatuwa nga naman na dito pa talaga ang location namin, ilang mga hakbang lang at makakaharap ko na ulit si Zyair — ay hindi, makakaharap ko na ulit pala ang Bien Parecido.


  "Nalimutan ko." bulong ko, sumama naman ang tingin sakin ni Jam, "nakakainis ka, Ave! Hmp!"


"Tigil-tigilan mo nga" sambit naman ni Keint at pabiro pang pinitik si Jam.

  "Tara Ave, kain ka muna sa amin. Nagluto si Vester ng masarap na Kaldereta!" hinawakan ni Jam ang kamay ko at pilit na hinihila ako, gusto kong sumama pero nandoon ang kaba sa dibdib ko, hindi ko pa ulit nakikita si Zyair at baka maging awkward lang ang buong bahay kapag nagpakita ako doon all of a sudden.


  "Hindi na, may shoot pa kasi" pagdadahilan ko, nakita ko ang panglulumo sa mukha ni Jam, tumawa naman sa tabi ko si Keint

  "Jam, nakalimutan mo ba? Artista na 'yang si Averraine natin kaya hectic na ang schedule niya!" si Keint, natawa naman ako at pabiro siyang hinampas


Nakaka-miss sila! Gusto kong kamustahin lahat sila pero baka iba lang ang pumasok sa isip nila. Ayokong ipakita na hanggang ngayon si Zyair pa rin.


"Nga pala Ave, ang ganda ng team up niyo ni River ha!" muling nagbukas ng topic si Jam kaya napatingin ako sa gawi ni River, siya at si Veronica ang in-frame ngayon, scene nila ang kinukunan.


"Syempre naman! Management niya na mismo ang nag-pair up sa aming dalawa, e. Magkaibigan naman kami kaya maayos lang tignan"


"Hindi namin akalain na gusto mong pasukin ang showbiz." napaisip naman ako, oo nga! hindi ko rin naman akalain na mapapasok ko ang showbiz, na maiintindihan ko ang mga kinakaharap nung mga actor at ibang mga celebrities na gagawin lahat maisalba lang at maging ayos ang career. Kahit si Zyair, alam kong parte ng career niya ang talikuran ako, pati ang pagsasamahan namin.



  "Hindi ko rin naman inexpect." natatawang sabi ko, napatayo naman si Keint kaya tinignan ko siya, inilahad niya ang kamay niya sa harap ko


"nice to see you again, Ms. Averraine" sambit nito at nginitian ako, iniabot ko naman ang kamay ko at nakipag-shake hands sakanya.


  "Mauna na kami, nagpaalam lang kami na lalabas saglit pero nagtagal na kami. Take care" sambit nito, ngumiti naman ako at tumango, ngumiti din si Jam at kumaway sa akin bago sila naglakad palayo, doon ko lang din naalala na wala na ako nung number niya, dapat pala ay kinuha ko ulit sakanya.




➖➖➖➖

Keint's:



  "Zyair! Zyair!!" nagtatakbo papasok ng bahay si Jam, nagmadali akong pumasok at titigan siya. Nasa sofa sila Zyair at kakwentuhan sila Vester at Wren.

  "Alam niyo ba nakita namin sa labas si—" agad kong tinakpan ang bibig niya, napatingin naman siya sa akin.

  "Ano sino?" tanong ni Vester, inalis ko ang kamay ko na nakatakip sa bibig ni Jam, natahimik ito at napa-buntong hininga.


  "We saw Averraine" sambit ko, nanlaki ang mata ni Zyair at napa-tayo pa. Hinintay ko na tumakbo ito palabas pero nanatili itong nakatayo at nakatingin sa pinto, mukhang nakikipagtalo pa sa isip kung tatakbo palabas o mananatili dito at hihintayin nalang ang tamang oras ng pagkikita nila ni Ave.

  Ilang minuto akong nakatitig sakanya, naupo nalang ito ng tuluyan, walang salita.

  Lumakad ako at kumuha ng tubig para uminom.
Alam kong nami-miss niya na si Averraine at hindi ko siya masisisi doon pero iba na ngayon.

Ibang iba na ngayon.

Still you, my Averraine [SharTin - COMPLETED] Where stories live. Discover now