Chapter 18

75 4 0
                                    

"Zyair, sure kang okay ka lang? Hindi ka na namin sasamahan?" tanong ni Pinuno.

Hindi ko alam kung dapat ba akong malungkot kasi hindi ako isasama ni Zyair papunta sa hearing o ewan, e.

Ngayon kasi ang hearing sa korte at nagsabi na rin sa akin si Alina na kailangan si Zyair Alleres doon.

"Kaya ko naman na, pagkatapos ko uuwi agad ako at babalitaan ko kayo" sambit ni Zyair habang inaayos ang suot niya. Napa-tingin naman ito sa gawi ko at lumapit sa akin

"Huwag ka na magalit o magtampo diyan. About na 'to sakin, Vei. Hayaan mong ako naman yung tumulong sa sarili ko." sambit niya, napa-tango nalang ako kaya hinatak niya ako papalapit sa kanya at hinalikan sa ulo. Nakita ko pa kung paano magsipag-iwas ng tingin sila Wren, Jam at Vester. Samantalang si Keint naman busy sa panonood ng anime kaya hindi na kami pinapansin.

"Alis na ako" sabi pa niya at nag-paalam na sakin. Naupo naman ako sa tabi ni Keint kaya lumingon ito sa akin


"Huwag ka mag alala, matalino si Zyair at wala siyang ginagawang masama kaya kaya no'n na ipaglaban ang sarili niya,"

"Hindi naman kasi iyon naiisip ko, Keint" bulong ko

"eh ano?"

"what if may mangyaring hindi maganda. Kilala mo naman si Jacob di'ba. Napatay niya nga si Lily, e. Natatakot lang ako"

"Ano ka ba, huwag mo masyadong pag alalahanin sarili mo" ngumiti naman ako at nanood nalang din ng pinapanood niya.


Mag-hapon ata akong nakatunganga lang sa mansion. Pumasok na rin ako sa kwarto ni Zyair para may magawa at nakita na rin ang laman nung isang cabinet niya, punong puno ng gamit niya nung panahong si Larkin pa lang ang pakilala niya sa akin.

Ang totoo kasi, hindi siya sumasama kada umaalis ang mama niya kasi katulad ko masaya na sa ibang pamilya ang magulang namin. Kaya kaming dalawa nalang ang nagtutulungan.


Napa-ngiti nalang ako habang hinahawakan ang uniporme niya. Sobrang hindi ko pa talaga kilala si Zyair, nakakatawa lang na nakakasama ko siya sa pagpasok at sa kahit saan pero hindi ko alam na siya yung taong matagal ko nang gusto maabot at makita. Kaya siya nawawala sa mga concerts, kaya ayaw niya kay Zyair Alleres kasi siya 'yon. Ayaw niyang malaman ko na siya lang' yon, pero grabe ang effort niya sa pag perform, pag guest sa tv shows at pag aaral. Nagiging pabigat pa ako sa kanya kaya grabe ang paghanga ko sakanya- Bilang Larkin Cervantes o bilang Zyair Alleres pa.


Nagulat ako nang mapansin na may pumasok na pala sa pinto, nakita ko si Jam na kumakain pa ng manok sa kamay nito

"Andito ka pala" sambit niya.

"Bakit nandito ka?" tanong ko, ngumiti naman siya at tumuro sa isa pang cabinet ni Zyair

"Baka naligaw sa kanya yung isa kong damit"


"Sus! Kukuha ka lang ng damit ni Zyair, e!" pang aasar ko, napa-ssh naman ito sa akin at nagmamadaling kumuha ng isang black tshirt at lumabas ng kwarto pero maya-maya lang ay bumalik ulit


"Bakit ka bumalik?" takang tanong ko

"Nasa baba na nga pala si Zyair, kani-kanina pa siya dumating"

"Huh?! Bakit 'di niyo ako tinawag?" tanong ko, medyo napa-tagal ata ako sa kwarto ni Zyair at hindi ko namalayang nakabalik na siya

"Akala namin tulog ka, sabi rin ni Zing huwag ka na raw gisingin, e. Sa kanya galing yung manok" sambit nito at parang bata pang iniangat ang manok na hawak niya

Still you, my Averraine [SharTin - COMPLETED] Where stories live. Discover now