Chapter 19

77 5 1
                                    

  Nang makababa kami ay agad akong niyakap ni River, naitulak ko tuloy ito palayo sa akin.

  “I'm sorry. Hindi ko lang ma-control. Namiss kita!" sambit nito, awkward naman akong ngumiti sa kanya.

"Ano bang kailangan mo?" tanong ko, naupo naman siya sa sofa kaya sumunod nalang rin ako

  “Yung about sa premiere night. Alam mo bang naging successful yung movie natin?" nakangiting sabi nito sa akin.

"p-pumunta ka para sabihin 'yan?" nakita ko namang natawa siya at napayuko habang nakatingin sa palad niyang pinaglalaruan niya.

  “Kaya ako pumunta dito kasi gusto kitang makausap tungkol sa mga bagay bagay."

  “kung ipipilit mo nanaman sakin na bumalik sa pagiging artista, I'm sorry pero-"

  “No. Hindi gano'n. Hindi kita pinuntahan dito para lang ipilit sa'yo yung bagay na hindi mo naman gusto. Alam mo Ave gusto ko lang humingi ng tawad. Sobrang tagal kong na-realize lahat ng bagay pati na rin yung hindi pagpilit sa bagay na hindi mo talaga gusto, yung pag-acting pati na ako.."

  Hindi ito tumingin sa akin kahit sandali, tanging ako lang ang naghihintay sa bawat linyang sasabihin niya at expression na makikita sa mukha niya.

  “siguro umasa lang talaga ako na matutupad yung promises natin before, nung mga bata pa tayo, na we will marry each other pagtungtong natin ng 20s. Pero hindi naman kita masisisi, ang tagal kong umalis. Umalis rin ako nang walang pasabi sa'yo. Kaya alam kong you'll change yourself pati yung promise mo. Nandito ako para sabihin sa'yo na humihingi ako ng tawad sa lahat ng kasalanan ko."

Hindi ako nakapagsalita, tanging tingin lang ang naisukli ko sa kanya, umangat ang tingin nito at ngumiti sa akin

  “Ayun lang, thank you for giving me some time to talk about it. Hindi kasi ako pinapatulog ng alam mo yon, konsensya" natatawang sabi nito. May kinuha naman siya sa bulsa niya at iniabot sa akin 'yon

  "Ibibigay ko sana sa'yo' to nung premiere night natin, gusto kasi kita makasama na panoorin ulit yung movie natin pero mas okay siguro kung kayo nalang ni Zyair ang manood." sambit niya, hindi ko na napigilan ang sarili ko, tumulo ang luha ko kaya agad kong pinunasan 'yon.

" River.. "

"Why are you crying?" nagtatakang tanong nito sa akin, lumapit siya sa akin at inabot ang panyo niya

  “I'm sorry talaga. Hindi ko alam, yung mundo ba yung nagbago, yung sarili ko o talagang ganito na talaga tayo. Hindi ko gustong magalit sa'yo pero ewan kapag kasi si Zyair na ang usapan, wala na talaga e."

  “I know, Avs. That's why I'm here. Gusto kong sabihin sa'yo na okay na lahat. Ayoko na talagang maging palaisipin pa sa relasyon niyo ni Zyair o alin man. Nag quit na rin ako sa management, Babalik na rin ako sa LA para tumulong sa parents ko do'n." sambit nito, inilahad ko naman ang kamay ko kaya nakangiti niya itong inabot, niyakap ko siya ng mahigpit at tinapik ang likod niya.

  Nakarinig naman ako ng ingay sa hagdan kaya napa-lingon ako at kitang kita si Zyair na nakatingin lang sa amin. Hindi mababasa ang reaction

   Ngumiti si River sa akin at nag-paalam na. Lumapit naman ito kay Zyair at may binulong tsaka yumakap at umalis na.

Naiwan kami ni Zyair na nakatingin sa isa't isa.

  Agad nitong iniwas ang tingin sa akin at umupo sa sofa, agad naman akong napa-ngiti at tumabi sa kanya

  “Bakit ka ganyan?" tanong ko, hinawakan ko pa ang kamay nito pero kaagad niyang tinanggal iyon at tumalikod sa akin, parang batang nagtatampo dahil hindi nabilhan ng laruan

Still you, my Averraine [SharTin - COMPLETED] Where stories live. Discover now