Chapter 1

173 7 0
                                    

Zyair's point of view:

  "Saan ka nanaman galing?" bungad sa'kin ni pinuno pagpasok ko ng bahay, pabagsak akong umupo sa sofa at tinitigan sila

  "Saan pa ba" sambit ko

"Malamang sa malamang nagpasundo nanaman sakanya ang girlfriend niyang anak na ng CEO ng Lovein Company ngayon," sabat naman ni Jam.

  "Bakit ba naging kayo ulit?" tanong naman ni Vester at naupo sa tabi ko

Napa-buntong hininga lang ako at iniwasan nang sagutin kung ano man ang tanong nila. Dahil sa lahat ng nangyari sa akin, pinaka-ayokong pag-usapan 'to. Kung bakit si Lily ang kasama ko ngayon at hindi si Averraine - na totoong mahal ko.

  Binuksan ko nalang ang TV sa harap at nagulat pa nang bumungad si Ave, palabas nga pala tuwing sabado ang teleserye nila ni River na "Unseenzoned" ang title.

  “Ilipat mo" utos ni Keint, napatingin naman ako sakanya at pinaningkitan siya ng mata

"Kung gusto mo maka-move on, 'wag mo siya panoodin. May girlfriend kana, Zyair" muling paalala nito, napakapit tuloy ako ng madiin sa remote

Sobrang tagal ko nang hindi nakikita si Ave. Huling pagkikita namin ay sa concert pa namin na nagpa-autograph siya. Anim na buwan na ang nakalilipas.

  "Bakit ba? Hayaan mo nga siya!" sambit naman ni Vester, 'tong mokong na 'to ang lagi kong kakampi sa bahay

  "Tama si Keint, ilipat mo na yung channel" si pinuno na ang nagsalita kaya napilitan akong ilipat ang channel, nalulumbay tuloy ako ngayon. Gusto ko na siyang makita ulit, gustong gusto na

  "Kung nag-isip ka sana muna bago gumawa ng desisyon edi sana hindi ka naiipit sa ngayon." nagulat ako nang marinig iyon mula kay Keint. Aaminin kong napapalayo ang loob niya sakin, kaibigan niya si Ave at naiindihan kong naiinis siya dahil sa desisyon kong hindi ko manlang pinag-isipan

"I-kwento mo na kasi kung bakit ka umalis sa Korea mag-isa! Bakit nagulat nalang kami na ayaw mo na makita si Ave" si Jam

  Tumayo na 'ko at hahakbang na sana sa hagdan pero napatigil ako nang muling magsalita si Keint

"Bakit mo pa hinalikan si Ave habang nags-snow kung iiwan mo lang rin naman pala siya." napasara ang kamao ko at nilingon siya

"Wala kang alam, Keint. Hindi mo alam kung gaano ko pinipilit mag-tiis na walang Ave sa buhay. Hindi madali" kalmadong sabi ko, nakita ko kung paano siya napa-smirk, agad nalang akong tumalikod at nagkulong sa kwarto ko, ayoko nang pag-usapan pa ang lahat ng nangyari. Hihintayin ko nalang ulit na maging ayos kami ni Ave, na bumalik siya sakin at maging katulad ulit kami ng dati

  Napahawak ako sa bulsa ko nang mag-vibrate ang cellphone ko, nakita ko nanamang tumatawag si Lily kaya agad ko itong sinagot

"Babe. I forgot my keys pala sa office ni Dad. Can you please go to dad's office. I wanna give you something special din, e." sambit nito

  "Ano nanaman ba?" iritang sabi ko

  "My keys, babe! Hindi ako makapasok sa bahay. Uh- I think mas okay kung diyan na 'ko mags-sleep" sambit nito, agad akong napakagat sa labi ko, "No, I'll get your keys." at napilitang umalis.

  Pagkuha ko ng keys sa office ay agad na rin akong lumabas, nasa hallway palang ako nang may marinig ng nag uusap

"What? So ang sinasabi mo na nakita mo si Ma'am Lily with Jacob?"

"Yes! Kung alam mo lang kung gaano kayaman si Jacob Iturralde!"

"Mayaman pero nananakit ng babae! I heard from somewhere nga na sinasaktan nun ang ex-girlfriend niya, e! Hindi ko alam bakit 'di pa 'yon nakukulong!"
 

"Malamang! Pera pera ang labanan!"

  "Natatakot ako for Ma'am Lily!"

  "How about Zyair Alleres? Yung member nung Bien Parecido! Alam ko yun ang current boyfriend ni Ma'am Lily"

"Aba hindi ko alam! Basta nakita ko si Ma'am Lily kasama si Jacob sa parking lot! Tara na baka mapagalitan pa tayo"

  Agad akong nag-tago at tinitigan silang umalis. Napa-lunok nalang ako sa narinig ko at 'di maiwasang magalit.

Hindi ko gusto si Lily pero hindi ko rin gusto na may isinasabay saking isa pang tao.

Nag-drive na 'ko papunta sa bahay ni Lily at nakita nalang siya na nag aabang sakin, agad itong tumakbo papalapit sakin at hahalikan sana ako sa pisngi pero agad akong umiwas

"Why? Iniiwasan mo na ang kiss ko ngayon!" parang batang sabi nito,

  "Alam mo sa buong relasyon na 'to, hindi pa kita nakikitang ngumiti" sambit pa nito, agad kong inilagay sa palad niya ang susi at dumiretso na sa kotse ko, agad itong tumakbo at kumatok sa window,

"Sabi ko sa'yo I'll give you something diba!" rinig kong sabi nito, napilitan nanaman tuloy akong bumaba.

  May inilabas naman siyang panyo at tatakpan pa ang mata ko, agad kong hinawakan ang kamay niya, "Anong paandar nanaman 'to?"

  "Basta! matutuwa ka at syempre yung supporters natin" agad akong napa-bitaw sakanya at hinayaan nalang na sundin ang gusto niya

  Hinawakan niya naman ako sa kamay at tinulungang maglakad. Hindi pagmamahal ang nararamdaman ko kay Lily, kundi galit. Galit na kahit kailan hindi mawawala

"Ta-dah!" sigaw niya, agad niyang tinanggal ang piring sa mata ko at nakita ko nalang na nandito kami ngayon sa likod ng kotse niya,

  "surprise babe!" sambit nito. agad niyang kinuha ang paper bag at inilabas ang isang box na may lamang sapatos.

"It's a louis vuitton shoes, babe! Maganda ba?" tanong nito sa akin, tumingin ako sa paligid para tignan kung may camera pero wala naman akong nakita

"Lily, hindi ko naman 'to kailangan."

"Babe, c'mon today is our first anniversary! Bakit ba ganyan ka? Hindi ka ba masaya? I'll change this one. Anong gusto mo?" tanong nito sa akin, kinuha niya naman sa bag niya ang phone niya at akmang may tatawagan pero agad ko itong kinuha sa kamay niya

"I don't need expensive thing like this, Lils. A simple greet from you would be okay" sambit ko.

what's with you Zyair? Natututo ka na ba na magpanggap nanaman dahil may camera. Bigla kong naaninag ang isang flash mula sa garden nila Lily, agad ko siyang hinatak at niyakap. tangina.

  "Let's take a picture for our supporters!" sambit nito sakin at kumuha ng litrato habang nakahalik sa pisngi ko.

➖➖

Pauwi na 'ko ng bahay nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Napahinto ako saglit para bumili ng kape sa malapit na coffee shop. Bababa na sana ako ng kotse nang maaninag ang kotseng pamilyar sa akin, I saw River na nakangiti at parang may kausap sa loob ng kotse, iniiwasan ko na siyang maka-bangga dahil hindi ko alam kung paano pa 'ko haharap sakanya dahil sa ginawa ko kay Averraine. Averraine is still his bestfriend at alam kong alam niya na ang nangyari sa aming dalawa.

  Nag-vibrate naman ang phone ko at nakitang tumatawag na si Jam, agad ko itong sinagot

"Bakit ka nagpa-deliver ng pagkain dito?! Hindi ka ba uuwi ha?" sigaw nito sa kabilang linya, mabibingi pa ata ako

"Anong nagpa-deliver?" tanong ko

"HOY ZYAIR! HINDI KA PWEDENG MATULOG KALA LILY! KUNG AKALA MO MADADAAN MO KAMI SA SUHOL— " narinig ko naman na naputol ang sinasabi niya dahil biglang sumigaw si Vester, "ANOTHER DELIVERY!!! BON CHON!!"

"SO AYUN NGA KUNG TINGIN MO MADADAAN MO KAMI SA SUHOL, SIGE TAMA KA. BYE INGAT!" sigaw ni Jam at pinatay na ang tawag. Napakurap ako nang mata at nag-drive na.

Sino naman kaya ang nagpa-deliver na sinasabi nung Jam na 'yon?

➖➖➖➖➖

Still you, my Averraine [SharTin - COMPLETED] जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें