Chapter 25: SPECIAL CHAPTER

123 4 2
                                    

   “Tito Wren, paano naman nagka-kilala sila Mommy and Daddy?" tanong ni Zachary habang karga karga ni Wren.

   Nakikipag-laro naman si Vester at Jam ng bahay-bahayan kay Sarina.

Samantalang si Keint, nakaupo lang sa sofa habang pinapanood sila. Pagod na pagod ito kakalaba nung basahang natapunan ng chocolate ni Sari

  “parang ayoko na magka-anak” pabulong na sabi ni Jam na narinig ni Keint dahilan para matawa ito.

  Pinatulog na ni Wren si Zachary habang si Sarina naman ay pagod na rin kakalaro kaya papikit pikit na ito nang buhatin ni Jam patungo sa kwarto nila

  “Pwede naman na siguro tayong mag-practice diba?" tanong ni Keint kaya tumango naman sila Pinuno at nag-punta sa malaking dance room na ipinatayo lang nila

  Hindi pa nakakauwi sila Zyair at Averraine na namalengke ng mga kakailanganin ng anak nila. Nang makapag-practice sila ay isa-isa nang naka-tanggap ng tawag mula sa mga agency na nag aagawan sa kanila para kuhanin na model ng mga brands at magazines.

  “Ako na ang pupunta sa lovein, sa iba na kayo mag-punta” sambit ni Pinuno. Napa-kamot naman ng ulo si Keint at sabay sabay na sumakay sa kanya-kanyang kotse nila.

  Kung tatanungin kung ano na ang nangyari sa buhay ng lima. Isa lang ang masasabi ko SUCCESSFUL.

Si Wren ang pinaka-kilala at pinag aagawang male model ng iba't ibang brands. Kumakanta rin ito at inoofferan na magkaroon ng solo album pero hindi pumapayag dahil na rin gusto niyang kasama talaga ang Bien Parecidos. Walang maiiwan, lahat aangat.

Si Jam, nag po-post na ng mga sayaw niya online. Gustong gusto niya ang pagiging dancer. Isa rin sa pinaka-kilala. Maraming brand rin ang gustong kumuha sa kanya pero gano'n pa rin, siya pa rin ang pinaka-antukin at makulit na member.

Si Vester, siya pa rin naman ang pinaka-hottie para sa lahat ng girls. Minsan may gig siya at nagchochoreo, katulad nila Jam at Wren sobrang dami rin ang tumatawag at nag ooffer sa kanyang mga mamahaling brands.

Si Keint, katulad dati tahimik pa rin pero sobrsng successful na rin niya dahil kabi-kabilang tawag na rin ang natatanggap sa iba't ibang brans. Magazines at may position na rin sa company.

At last.

Si Zyair, the father of the 2 children and a husband to Averraine M. Alleres. Katulad nila Wren, inoofferan rin siya ng iba't ibang projects pero dina-down niya minsan ang offer dahil may responsibilities na siya pero kung performance with Bien Parecido, sure na sasama siya. Model rin ng iba't ibang brands at magazines.

Lahat sila successful na, nagpapatayo na rin ng kanya-kanyang bahay at nakakatulong sa pamilya.

Katulad ng palagi nilang sinasabi handa na sila sa bako-bakong path na tatahakin nila dahil sa mga pinagdaanan nila, mas tumatag pa ang pundasyon ng pagkakaibigan na meron sila. Nadagdagan man ng Averraine, Zachary at Sari ang Parecidos Mansion, alam nilang walang magbabago sa samahang iyon.

Bien Parecido lang ang palaging magiging bahay para kala Wren, Jam, Vester, Keint at Zyair.

SB19 lang ang palaging uuwian nila Pablo, Josh, Stell, Ken at Justin.



   “HOY!! lapit kayo. Magtake na tayo ng pictures para ilagay sa album!" sigaw ni Zyair.

"Anong hoy? Wala ka nanamang galang!" sagot ni Vester

"HOY PO!" katulad ng una niyang banat gano'n pa rin.

Nag-take na sila ng maraming pictures at nang maglakad ulit si Jam para I-set ang timer ay agad itong nagtatakbo

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Still you, my Averraine [SharTin - COMPLETED] Where stories live. Discover now